September 1, 1985
Ilang araw na akong walang tulog at walang ganang kumain. Ilang araw ko na ring pinag-iisipan ang mga nangyari sa akin kamakailan lang. Hindi ko na nga alam paano ko pa magagawang maging komportable at masaya sa mundo na 'to. I feel like something really is off about everything.
Natigil lahat ng iniisip ko nang marinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. "Ali, pinag-tabi kita ng hapunan sa baba." rinig kong sabi nito at umalis na rin.
Nabuhayan naman ako agad nang marinig ang boses ni ginang kaya naisipan kong habulin siya. Lumabas ako agad ng kwarto ko at nakita ko siyang pababa na ulit ng hagdan. Tinawag ko siya agad kaya naman napatingin siya ulit sa akin.
"Ginang? Puwede po bang tabi nalang tayo matulog ulit?" tanong ko sa kaniya na agad na nagpakilos sa kaniya pabalik sa puwesto ko tsaka ako niyakap.
-----
"Hindi na kita ginugulo pa nung mga nakaraang araw dahil alam ko ring maraming bumabagabag sa iyo." panimula nito at dahan-dahang sinuklay ang mga buhok ko.
Nakasandal ako ngayon sa balikat niya at nakaupo sa higaan niya. "Hindi ko na po alam ginang, sobrang dami lang nangyayari lately. Gustong-gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang makita ulit si mommy at daddy." naiiyak na bulong ko sa kaniya.
Agad naman niya akong pinatahan. "Alam ko, gustong-gusto ko na din. Wala tayong magagawa, Ali. Ni-hindi nga natin alam papaano tayo nakarating rito. Kaya, paano pa tayo makakauwi kung gano'n?" sabi nito na mas lalong nagpa-iyak sa akin.
"Ginang naman eh!"
"Gusto ko na ring umuwi, Ali." panimula nito at sinuklay ulit ang buhok ko. "Natatakot ako. Natatakot akong magkamali sa buhay na hiram ko ngayon sa nanay ko. Hindi ko naman ito buhay, kaya mas lalo akong natatakot na maraming mabago sa mga nangyari noon." malungkot na sabi nito tsaka bumaling sa akin ang tingin niya.
"Ginang..."
"Ali, hindi tayo puwedeng makisali sa kanila. Hindi natin alam kung paano tayo makakabalik sa totoong buhay natin." panimula nito tsaka pinunasan ang mga luha ko. "Huwag tayong makialam sa buhay nila. Hindi puwedeng may mabago sa nangyari noon." dagdag pa nito na ikinalungkot ko.
Naintindihan ko naman agad ang ibig niyang sabihin. "Hindi naman ako si Corazon at hindi rin po ikaw ang nanay mo. Sigurado po akong magagawa pa nating maitama ang mali nila noon, tama po ba?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
Agad naman niyang hinawakan ang kamay ko at ngumiti. "Alam kong aware ka sa mga nangyayari sa bansa natin ngayon, sa panahon na ito at sa panahon natin. Kaya dapat alam mo ring hindi na natin dapat pang baguhin ang mga nangyari pa noon." sabi nito.
"Pero-" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang yakapin niya ako.
"Isa pa, alam ko ring alam mo na may mga bagay na hindi dapat mangyari, Ali." panimula nito na nagpalungkot sa akin lalo. "Hindi dapat si Corazon ang mapakasalan ni Bongbong." dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
Ferdinand and Juliet
Historical Fiction[under editing] Former Title: As The Trumpet Creeper Blooms ❝He's now 65, but I'm still 19, inside my fantasy.❞ Alissa Hernandez is a girl who's greedy to live happily and freely. She may look like she was living every lady's dream as she is pretty...