Alissa Hernandez
"Alissa..." rinig kong tawag sa akin ni mommy.
Napadilat naman ako agad nang tuluyan na akong magising dahil sa silaw na natatanggap ko mula sa liwanag ng ilaw. Dahan-dahan naman akong tumingin sa paligid ko bago ibalik ang tingin ko kay mommy.
"Oh my god, she's awake! Doc!"
Dali-dali akong napabangon mula sa pagkakahiga ko dahil sa pagtataka. Napahiga rin naman ako agad nang sinubukan kong gumalaw at tumayo. Nakaramdam kasi ako agad ng hilo at sakit sa ulo agad-agad.
Tinulungan naman ako agad ni mommy na humiga ulit sa kama tsaka ako kinumutan. "Mommy?" nagtatakang tanong ko at nilibot ko ulit ang mga mata ko sa paligid. "Bakit parang nasa ospital po tayo?" dagdag ko pa.
Tumango-tango naman siya at agad akong niyakap. "Yes, honey. Mag-rest ka na muna, okay? 'Wag ka na munang gumalaw." bilin nito sa akin at agad na tumawag ng nurse tsaka ito bumalik sa akin. "Let's get you checked muna." dagdag pa nito at iniwan na ako sa mga kamay ng nurse.
-----
"Since you already know that she's suffering from depression, all I can recommend now is to bring her to a therapist after finishing her physical treatment." rinig kong bilin ng doctor kay mommy.
Pagkaalis na pagkaalis naman ng doctor at ng mga nurse ay dumiretso kaagad sa akin si mommy para yakapin ako. Nagulat ako nang bigla siyang humagulgol at napa-upo nalang sa lapag.
"I'm really sorry, Ali. I'm sorry for everything and on behalf of your father, I'm sorry." panimula nito at hinalikan ang dalawang kamay ko. "I didn't know this is going to happen. It must've been hard for you, honey. We just wanted to shape you to be a better person-"
"I understand, mommy." panimula ko at ngumiti. "It's all my fault. I'm sorry for not being enough and deserving-"
Pinutol niya naman agad ang sinabi ko at humagulgol ulit. "No, no, no. It's on us, honey. Don't bother to think about it anymore." sagot naman nito sa akin.
-----
"Take a rest muna, Ali. Isang linggo ka ring na-admit sa hospital." bilin nito sa akin at sinenyasan na magpahinga muna ako sa kwarto ko. "If you need something, just call yaya or me." dagdag pa nito at tumango nalang ako bilang tugon.
Dumapa naman ako agad sa kama ko dahil napagod din ako kahit na bumyahe lang rin naman kami pauuwi. Sa totoo lang hindi ko din alam bakit pakiramdam ko ay pagod na pagod ako lately. Feeling ko nga hindi lang isang linggo 'yung tinuloy ko sa ospital that day, hahahaha. Pakiramdam ko talaga, may mali sa paligid.
Nagising nalang ako nang marinig kong tinatawag ako ni yaya kumain dahil hapunan na raw namin. Nakatulog din pala ako agad saktong pagdapa ko kanina sa kama. Bumaba naman ako agad para samahan na silang kumain ng hapunan. Hindi ko pa nga alam kung sasabayan ko sila dahil natatakot ako sa sasabihin sa akin ni daddy. Sariwa pa sa ala-ala ko lahat ng sinabi niya sa akin that night pero sasabay nalang rin ako. Although ang weird sa pakiramdam dahil hindi naman kami sabay-sabay kumain, hinayaan ko nalang.
BINABASA MO ANG
Ferdinand and Juliet
Historical Fiction[under editing] Former Title: As The Trumpet Creeper Blooms ❝He's now 65, but I'm still 19, inside my fantasy.❞ Alissa Hernandez is a girl who's greedy to live happily and freely. She may look like she was living every lady's dream as she is pretty...