May 26, 1985
Hinihingal akong tumingin sa paligid ko na may halong pagtataka. Nasaan ako?? Bakit... bakit nandito ang pamilya Marcos... sa harap ko??
Agad-agad kong inilibot ang mga mata ko sa paligid at inisip kung nasaan nga ba ako. Nakatayo na ako ngayon sa mababaw na parte ng lawa, malayo sa pinagtalunan ko kanina lang.
Agad ko ding napansin na nag-iba ang mga damit na suot ko. Nakadilaw ako ng long sleeve at yellow ruffled skirt na basang-basa na.
Napatingin naman akong muli sa puwesto ng kainan ng pamilya Marcos at nagulat nang makitang nakatingin na silang lahat sa akin.
Aakma na sana akong tumakbo palayo nang biglang may sumigaw na isang babae at nagsimulang magsi-takbo papalapit sa akin ang mga bantay sa malacanang.
Agad naman akong nagising at natauhan kaya nagsimula na din akong tumakbo dahil patuloy ang mga bantay sa paghabol sa akin.
Patuloy lang akong tumakbo hanggang sa makarating ako sa dulong bahagi ng lawa nang biglang may tumawag sa akin na isang matandang babae kung kaya't napalingon ako sa may gilid ng bato kung saan may maliit at tagong daan. Tinawag niya ako at sinenyasan na tumakbo papunta sa kaniya kung kaya't sinundan ko siya.
"Ali! Ali! Dalian mo, naku, itong batang 'to!" nagpapanic na sabi ng babae sa akin habang papasok ako sa maliit na butas mula sa gilid ng lawa.
"Ginang? Ginang Leonid-" tinakpan bigla ng babae ang bibig ko at hinitak ako papapasok ng maliit na butas na nakita namin.
Bumungad sa amin ang isang daan na hindi pa sementado na maraming mga puno at bulaklak sa paligid. Sa gitna naman nito ay isang malaking balon at fountain.
Hingal na hingal ako kaya napahinto ako sa pagtakbo namin. Natigilan naman ako nang makitang kamukhang-kamukha ng matandang babae ang prof namin sa social sciences. "Teka lang po... ikaw... sino ka??? Bakit kamukhang-kamukha mo si ginang Leonida??" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
Napatigil naman siya sa pagtakbo at hinarap ako. "Ali, ako ito... at hindi ko din alam kung nasaan at kung anong nangyayari..." hinihingal na sagot nito.
"Ginang? Ginang Leonida???" nagtatakang tanong ko at nilapitan ko siya para tignan nang maigi.
"Ako ito, iha..." sagot nito at hinawakan ang mga kamay ko.
Patuloy naman akong nagtaka at nahilo sa mga nangyayari. Hindi ko maintindihan lahat ng nangyayari, saglit lang.
"N-nalulunod ako ng gabing iyon, ginang... pero pagdilat ko, umaga na at nandito na ako??" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
Hinihingal at nahihilo na din ako katatakbo kanina kaya sumandal ako sa puno para mahabol ang hininga ko.
BINABASA MO ANG
Ferdinand and Juliet
Historical Fiction[under editing] Former Title: As The Trumpet Creeper Blooms ❝He's now 65, but I'm still 19, inside my fantasy.❞ Alissa Hernandez is a girl who's greedy to live happily and freely. She may look like she was living every lady's dream as she is pretty...