Kabanata 17

201 27 18
                                    

"Sir Bongbong."


"Yes?" sabi nito at bumalik ang tingin sa akin.


"Nevermind."


Ano ba kasing sasabihin mo, Ali? Ayan ka na naman eh. Tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad papasok ng dorm dahil sa kahihiyan pero hinabol niya ako at pinigilan.


Hinarap ko naman siya na may halong pagtataka. Ilang segundo niya lang akong seryosong tinignan. "Corazon," panimula nito at napahinga nang malalim. "I want you..." dagdag nito at nanlaki ang mata ko.


Ano? Hindi lang ako ang may gusto sa aming dalawa? "Huh?" Magsasalita pa sana ako para magtanong pero nagsalita siya ulit.


"I want you to help me stop this marriage." sabi nito at napapikit nang mariin.


Nahinto ako dahil sa sinabi niya. Gulong-gulo ako. The way he stares at me, I swear it means something. Pero bakit, bakit siya ganito makitungo sa'kin?


"Should we?" natatawang sagot ko. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya sa tanong ko at naglakad na palayo.


June 28, 1985


"Mag-impake kayong lahat!" masiglang sigaw ko sa kanilang tatlo.


"Aba, bakit? Sa'n punta natin?" nagtatakang tanong ni Ella habang nagbabasa ng diyaryo.


"Sleepover daw tayo sa mansion nila, kanina pa 'ko binubulabog n'yan." natatawang sagot ni Sonya.


"Dali na! Sa sabado ng hapon pa naman uuwi si mommy ng Ilocos. Si Kris lang naman nandun eh!" kumbinsi ko sa kanila.


Nakita ko namang nagliwanag ang mga mata ni Florence. "Tara na, minsan lang mag-aya ng ganito si Corazon oh." tugon nito at agad na tumayo.


-----


"Beh, sa pagkakaalam ko, isang gabi lang aya ko sa bahay namin. Parang magbabakasyon ka na n'yan sa dami ng dala mo." biro ko kay Ella na may dalang isang bag at isang maleta.


"Aba! Ewan natin, baka isama ni Mrs. Aquino 'yung kuya mo, no." iritang sabi nito habang pasakay na ng sasakyan.


Maaga namang natapos ang lahat ng klase namin kaya naisipan ko talagang mag-aya na isama sila pauwi. Alas-sinko pa lang naman ng hapon kaya madami-dami pang oras na nakapag-impake silang tatlo. Tinawagan ko na rin kasi nang maaga kahapon ang landline ng bahay namin para may magsundo na agad samin papunta sa mansion. Nasa Tarlac pa naman si mommy ngayon at bukas niya pa balak umuwi kaya sina ginang at Kris lang ang nasa bahay.


"Sino?? Si kuya Noy???" hindi makapaniwalang tanong ko.


Tumawa lang siya nang nakakaloko at sumakay na sa sasakyan. Pagkarating namin sa bahay ay sinalubong naman kami agad ni Kris at ni ginang.


Ferdinand and JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon