Biyernes, Enero 31, 1986
"Happy birthday, Ali!" masiglang bati sa'kin ni ginang at sinalubong pa ako ng yakap. "Birthday mo rin ba ngayon?" dagdag na katanungan niya pa.
Tumango naman ako at ngumiti. "Opo, sabay din kami ni Corazon."
Natigil naman ang pinag-uusapan namin ni ginang nang dumating na sina Kris at mommy. Sigurado naman akong kami-kami lang ang magce-celebrate ng birthday ko since nasa Ilocos na kami ulit.
"Saan mo balak mag-celebrate ng birthday mo, honey?" malambing na tanong sa akin ni mommy habang inaabot ang regalo nito sa akin.
Tinanggap ko naman 'yung regalo tsaka ko siya niyakap. "Dito nalang po sa bahay. I have other plans too." nahihiyang sagot ko.
Hindi naman maipinta ang mukha ni mommy sa una pero ngumiti na rin. "Sure. Wala ka bang bisitang dadating?"
Umiling lang ako at umupo na para sabayan silang magtanghalian. Madami-dami din namang pagkain since ito na 'yung binabalak kong celebration. Nagdasal muna kami bago kumain tsaka kami nagkwentuhan.
Natatawa na nga lang ako kasi super random ng family na mayroon ako ngayon. Hindi ko alam kung plastikan ba 'to or ang conflicted lang talaga ng buhay ni Corazon. Ay, ako pala may kasalanan bakit ganito naging kwento niya...
"Ano nga palang balak mo mamaya, ate? Makikipagtanan ka na ba kay kuya Bongbong?" sarkastikong tanong ni Kris.
Minsan, gusto ko nalang siya sabukain sa mukha. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin dahil sa sagutan namin nung nakaraan. Hindi naman kasi ako 'yun eh, 'yung totoong ate niya naman 'yung nakaaway niya, huhu.
"Bakit ko aaminin? Baka sumipsip ka na naman kay mommy eh." sarkastikong sagot ko rin.
Nakita ko namang tumawa nalang si mommy at pinagpatuloy lang ang pag-kain. Pasensya na, wala ako sa mood makipagplastikan sa kapatid kong 'to, lalo't birthday ko ngayon.
-----
"Sorry, mahal ko. Si Kris kasi, nakabantay-sarado yata ako sa batang 'yun. Hindi tuloy ako nakalabas agad ng gate." nahihiyang sabi ko kay sir Bongbong.
Tinawanan niya lang ako at tumango. "Magkagalit ba kayo at ganiyan siya kabantay-sarado sa'yo?"
Tumango naman ako agad bago ako pumasok sa kotse niya. "Yup. Luckily, siesta niya ngayong alas-dos ng hapon kaya wala akong problema masyado."
Tumawa lang ulit siya at sumakay na rin ng kotse. Hindi ko naman mailagay sa'kin 'yung seatbelt ko dahil nastuck ata siya sa gilid. Kinalabit ko naman si sir Bongbong para magpatulong. Nakakahiya, bakit ganun? Hays.
Tinawanan niya lang ako ulit bago niya ako kabitan ng seatbelt. Napapikit naman ako ng mata dahil bigla-bigla niyang nilapit 'yung mukha niya at hinalikan ang pisngi ko.
"Ikaw ah, chancing ka sa'kin kaya mo pinakabit 'yung seatbelt mo, 'no?" pang-aasar nito sa akin.
Napairap naman ako at tinitigan ko siya na para bang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "Wow! Ako pa talaga?" hindi-makapaniwalang sabi ko at napahawak pa sa pisngi ko. "Hala, my virgin cheeks!" dagdag ko pa.
Tinawanan naman niya ako at nagsimula nang magmaneho. Sa tuwing lumalapit siya sa akin, nakakaramdam pa din ako ng kilig. Para bang same lang sa nararamdaman ko dati nung unang nagkagusto ako sa kaniya. Nandun pa rin 'yung kilig at spark.
BINABASA MO ANG
Ferdinand and Juliet
Historical Fiction[under editing] Former Title: As The Trumpet Creeper Blooms ❝He's now 65, but I'm still 19, inside my fantasy.❞ Alissa Hernandez is a girl who's greedy to live happily and freely. She may look like she was living every lady's dream as she is pretty...