June 23, 1985
Hindi ko alam pero kagabi pa ako good mood. Wala, ang saya ko lang din. Siguro dahil maganda lang ang kinalabasan ng draft ng news report ko kahapon.
"Ayos ah, first time mo yata magising nang maaga, Corazon?" pang-aasar ni Sonya at tiniklop na ang higaan nito.
"Sus, JETLAG lang 'yan." pang-aasar ko din. Mukhang hindi niya na naman ako naintindihan kaya naiilang na tinawanan ko nalang siya. "Wala, natuwa lang sa draft ko. Ikaw, musta rally sa Edsa?"
"Goods! Gusto mo sumama ka pa mamaya? Babalik sana ako. Para makadalaw ka din kay Mrs. Cory!" masiglang sabi nito.
Umiling nalang ako at nginitian ko siya. "Oops, may plano ako for today!" masiglang panimula ko at sinuklay ko ang buhok kong sabog. "May pupuntahan kami ni sir Bongbong."
Inirapan naman niya ako. "Edi ikaw na!"
Sinamahan ko na sina Ella, Sonya, at Florence mag-agahan. Gutom na gutom ako ngayon kasi hindi naman ako nag-tanghalian at nag-hapunan kahapon 'no!
"Ayos ah, kumakain ka pala ng pinakbet? Sineryoso mo yata 'yung sinabi ko nung nakaraan na nakaka-linaw ng mata ang kalabasa." pang-aasar ni Ella at tinawanan naman nila ako.
"Oo, kaunti nalang mabubulag na 'ko. Mahirap na." sagot ko naman at tinawanan sila.
"Oo bulag 'yan mga beh. Bulag sa pag-ibig kay Gov-" hindi na naituloy pa ni Sonya ang sasabihin niya nang apakan ko ang paa nito. "Aray! Eto na shut up na!"
Nang matapos kaming kumain ay napag-desisyonan ko nalang na magbasa sa library dahil maagang aalis si Sonya pa-Edsa. Sina Ella at Florence naman may gimik, ano pa nga ba? Baka blind date ulit.
Hindi ko nga pala sila nasamahan nung nakaraan 'no? Sobrang busy din kasi ng course na kinuha namin ni Sonya, shutangina sayang naman.
Papunta ako ng library sa third floor nang makasalubong ko si Mayumi at si Mrs. Meden. Bumati naman ako agad sa kanila at naglakad na nang mabilis palayo.
"Ms. Aquino." rinig kong tawag ni Mrs. Meden kaya naman napalingon ako agad. Tinuro niya naman sa akin ang draft ng news report ko. "What an interesting coverage, Ms. Aquino."
"Hala, salamat po, Mrs. Meden." Pinulot ko naman agad ang mga nahulog na papel ko. Hindi ko yata napansin kanina sa kakamadali ko magtago kay Ms. Mayumi, huhu. Pagka-pulot ko naman ng papel ay nagmadali na din akong umalis.
Naramdaman ko namang hinawakan ni Ms. Mayumi ang braso ko para matigilan ako sa paglalakad. "Corazon, pwede ba tayong mag-usap?"
Nilingon ko siya at dahan-dahang tumango. Nauna siyang maglakad at sinundan ko naman siya kung saan siya nagpupunta. Nakarating naman kami sa faculty room sa ground floor. Gago, magbabasa dapat ako sa library eh!
BINABASA MO ANG
Ferdinand and Juliet
Historical Fiction[under editing] Former Title: As The Trumpet Creeper Blooms ❝He's now 65, but I'm still 19, inside my fantasy.❞ Alissa Hernandez is a girl who's greedy to live happily and freely. She may look like she was living every lady's dream as she is pretty...