Kabanata 19

199 33 7
                                    

June 30, 1985


"Kanina ka pa tulala d'yan, Corazon." naiinis na sabi ni mommy habang hinihintay namin mag-ayos si Kris.


"Wala po, hindi lang po ako nakatulog nang ayos kagabi." sagot ko at tumingin muli sa mirror.


Nasa sala kaming dalawa ngayon ni mommy, nakaupo sa sofa at nakatapat sa tv na may katabing malaking salamin. Hinihintay nalang namin ngayon si Kris at si ginang na tinutulungan namang mag-ayos si Kris.


"Is there something bothering you?" tanong nito at seryoso akong tinignan.


"Nothing, mommy." maikling sagot ko at iniwas ko nalang ang tingin ko sa kaniya.


Hindi pa din ako makapaniwala sa nakita ko kagabi. Hindi ko alam kung bakit hindi niya binigay ang sulat ko kay ginang. Hindi ko din alam kung bakit niya pinapabigay sa akin 'yung ballpen na may kasamang tagong camera. Ang dami-daming tanong na pumapasok sa isip ko ngayon.


Napansin ko namang parang hindi siya natutuwa sa kinikilos ko. "I forgot to tell you earlier. Ask Bongbong to publish your news coverage. Might be useful soon, just in case." seryosong sabi nito at tumayo tsaka humarap sa salamin para ayusin ang damit niya.


"What's the need of publicising my works po? It is only for our project." panimula ko na nagpatigil sa ginagawa niya. "Is this also part of 'your plan'? Or is there something wrong with the first agreement of ours?" seryosong tanong ko din sa kaniya.


Hinarap naman niya ako at agad na nilapitan tsaka dahan-dahang pinisil ang braso ko na nagpa-aray sa'kin. "What's with the attitude, Corazon? I thought you would put your trust in me this time?" panimula nito at mas hinigpitan ang pagkakapisil sa braso ko.


"It's just, everything is weird. This isn't even part of 'your plan,' right?" matapang na sagot ko. Patuloy niya lang hinigpitan ang pisil niya sa braso ko at tinignan ako nang masama.


"Is this what I will get after giving you all the love and support you wanted ever since?? I even let the public know you're existing in this world!" galit na sabi nito sa akin.


"Letting the public know I exist?" nagtatakang tanong ko pero hindi naman niya ito sinagot at napabuntong-hininga nalang.


"This probably is the main outcome of letting Leonida stay with you and Kris." galit na panimula nito. "I don't want to be disappointed with you this time, honey. Just do what I say, do you understand?"


Napatango naman ako agad kaya naman binitiwan na niya ang pagkakapisil sa braso kong namumula na ngayon. Napahawak naman ako ngayon sa braso kong sobrang pula dahil sa sakit. Napapikit ako nang mariin dahil halos mamanhid na ang braso ko sa sakit ng pagkakapisil niya.


Na-ppressure ako. Natatakot na din ako. Hindi ko alam kung tama pa ba 'tong sinasabi at inuutos niya sa'kin. Sa sulat pa lang na pinabibigay ko kay ginang at sa ballpen na 'yun, naghihinala na akong hindi lang kasal ang dapat na mangyari.

Ferdinand and JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon