Kabanata 41

170 29 38
                                    

January 5, 1986


"Ikaw naman, Corazon. Ngayon nga lang tayo nagkita-kita eh! Sumama ka na!" pilit sa akin ni Helena at kumapit pa sa braso ko para pigilan akong umalis.


"May gagawin pa kasi ako eh. Sa susunod nalang." sagot ko at ngumiti nalang sa kanila.


Sa natatandaan kong ala-ala ni Corazon, sina Helena ang grupo ng kaibigan niya dati. Ngayong college lang ata sila nagkasama-sama dito sa UP.


"Eh? Oo na nga lang, malapit naman na birthday mo. Siguraduhin mong iimbitahan mo kami ha." sabi nito at kumapit pa sa braso ko.


Hala, kailan nga pala birthday ni Corazon? Shocks, January 31 din ba siya? Hindi ba birthday ko 'yun? Kaso ala-ala na niya mismo 'yung naisip kong birthday niya eh! Magkalapit lang pala kami ng birthday ni mommy. January 25 si mommy eh.


Pero hindi ba ang weird nun masyado? Una sa lahat, kamukhang-kamukha ko talaga si Corazon. Kambal talaga kami kung tutuusin eh. Tapos ngayon, magka-birthday pa talaga kami? Tama ba 'tong ala-ala ni Corazon or what?


Tinapik naman ako ng isa pa nilang kaibigan at ginatungan pa ang sinabi ni Helena.


"Oo nga naman, Corazon. Ikumusta mo kami kay tita Cory ah." sabi nito at ngumiti.


"Oo na!" payag ko nalang at tumawa.


"Sabi mo 'yan ah! Oh siya, mauna na kami!" paalam naman ni Helena sa akin at nauna na silang lumabas ng gate.


Hindi na ako sumamang gumala kasama nila dahil gusto ko ring makita at makausap si Sonya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya. Hindi ko rin alam kung bakit siya nagkaganun.


-----


"Ginang naman eh! Ikaw na nga mismo nagsabi sa'kin na sumunod na kay mommy diba?" iritang panimula ko habang pinipilit siya. "Isa pa, sigurado naman akong hindi ako pababayaan ni Roland." dagdag ko pa.


Inis naman niyang tinanggal ang kamay kong nakahawak sa braso niya tsaka ako hinampas nang mahina sa braso.


"Ali, sigurado ka bang mapagkakatiwalaan mo pa sila Roland at Sonya?" tanong nito at napasapo nalang sa noo.


Tumango naman ako. "Hindi ko pa naman sigurado kung totoo ba 'yung sinasabi ni mommy. Makikipag-usap lang naman po ako kay Sonya if ever magkita kami later."


Napabuntong-hininga nalang siya at tumango. "Mag-ingat ka, Ali. Umuwi ka agad ha?"


-----


"Sigurado ka ba talagang naririto si Sonya? Lumuwas na ba siya ng Maynila? Para ba 'yun sa rally??" nagtatakang tanong ko kay Roland habang nakasilip sa bintana ng sasakyan niya.

Ferdinand and JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon