Kabanata 34

193 29 32
                                    

"How did you know it was your daughter who wrote the article?" seryosong tanong ni president Marcos kay mommy.


Agad namang natahimik si mommy at mas napahigpit ang hawak sa braso ko. "I... I didn't say anything. What do you mean?"


Napailing nalang si president Marcos at agad na inayang umalis sina sir Bongbong sa mansion.


"They must be taking us as a joke. Let's go. There will be no marriage. The marriage is over." galit na sabi nito at agad na naglakad na palabas ng mansion.


"Oh my god." bulong ko sa sarili at agad na hinabol si sir Bongbong na ngayon ay hitak-hitak ni manang Meldy palabas ng mansion.


"Mahal ko-" hindi na natapos pa ang sasabihin nito nang biglang magsalita si manang Meldy.


"Let's go. We're getting out of here." seryosong sabi nito at agad nang hinitak si sir Bongbong palabas.


Kumalas naman agad si sir Bongbong sa pagkakahawak ni manang Meldy at bumalik sa akin.


Hinawakan niya naman agad ang kamay ko. "Don't worry, we'll settle this right away, mahal ko. I'll call you later. Answer it, okay? I love you-"


Hindi na pinatapos pa ni mommy ang sasabihin ni sir Bongbong nang biglang hinitak ni mommy ang braso ko palayo sa kaniya.


"Let them go, Corazon!" galit na sabi nito at halos kaladkarin na ako paakyat ng hagdan.


December 7, 1985


Mali ako. Mali ako na umasa pa akong maaayos ang lahat.


Sa susunod na araw na dapat ang kasal namin. Lahat ng inihanda namin para sa kasal ay nakahanda na, ang bahay, ang mga gamit, ang mga papeles, and all. Kasal lang ang hindi natuloy.


Higit sa lahat ng dinadamdam ko ngayon, ay ang hindi pagbibigay ng balita sa akin ni sir Bongbong sa mga nagdaang-araw. Hindi tumawag at hindi na rin siya nagparamdam pagkatapos ng mga nangyari. Ni-hindi niya ako sinisipot at lagi niya rin akong iniiwasan.


"Nakahanda na ba ang mga gamit mo, Ali?" tanong sa akin ni ginang habang pinapanuod ko lang siyang mag-impake ng sarili niyang bagahe.


Umiling naman ako at dumapa sa kama niya. "Ginang, sigurado po ba kayo na nakakarating kay sir Bongbong ang mga sulat ko?" malungkot na tanong ko.


Naramdaman ko namang tumigil siya sa ginagawa niya at tumabi sa akin sa higaan. "Ali, sigurado akong natatanggap niya naman ang mga sulat mo dahil ikaw na 'tong personal na tumutungo sa munisipyo." paliwanag nito na mas lalong nagpalungkot sa akin.


May nagawa ba akong mali? Hindi na ba talaga itutuloy ang kasal? Handa naman akong maghintay sa dalawang panig na lumamig muna ang mga ulo nila eh. Hindi naman ako nagmamadali.

Ferdinand and JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon