Chapter 35: Jake

11 2 0
                                    

Sa mga pagtatapat na ginawa nina Karyle at Zammy sa akin, para akong tinakasan ng sarili kong hininga. Hindi ko rin magawang makapagsalita, dahip sa mga samu’t-saring isipon ang kasalukuyang tumatakboy sa aking isip. Nang muling madapo ang aking paningin sa kanila, bakas sa mga tingin nila ang matinding pag-aalala. Upang maibsan iyon, ngumiti na lamang ako sa kanipa upang maalis ang pangamba nila.

Umupo ako sa aking puwesto, napahinga na lamang ako ng malalim sa maaaring mangyari sa mga sandalin ito. “Ano ba kayo? Ayos lang ako, saka wala namang katotohanan ‘yong mga ipinaparatan nila sa akin. I’ll be okay don’t worry,” wika ko sa kanila.

“Pero, Jake…” biglang pagsasalita ni Zammy, napatingin naman ako sa kaniya, “hindi namin maiwasan ang hindi mag-alala sa iyo. Kahit na ngayon pa lang tayo nagiging malapit sa isa’t-isa, kaibigan na rin ang turing namin sa iyo dito, hindi lang kaming dalawa ni Karyle – kundi lahat ng kasama mo rito sa loob ng kuwartong ito.”

Sa mga sinabing iyon sa akin ni Zammy, hindi ko alam na ganuto na pala kalalim ang samahan namin, ganun rin si Karyle. Ngunit mas nabigla ako dahil ang buo kong akala ay tanging silang dalawa lamang ang malapit na kasamahan ko rito – kundi ang lahat pala ng naririto.

“Jake, handa ka namin tulungan sa kung ano ipaparatang sa iyo nina Lester at Bianca. Dahip alam namin lahat nang naririto, na hindi ka ganung klase ng tao, na hindi iyon ang pagkatao na mayroon ka diyan sa puso mo.” Wika ni Karyle.

Matapos magsalita ng dalawa kong kasamahan rito, kusa na lamang akong napatayo at naglakad palapit sa kanilang dalawa. Agad ko itong mga inakap ng mahigpit habang may iilang bakas ng luha sa aking mva mata ang nagbabadyang tumulo.

“Salamat. Maraming salamat sa inyo, sa paniniwala sa akin. I have to thanked you for being my new friends here, for believeng that I am not like what Bianca and Lester has told you.” Saad ko.

“Jake, whether na siraan ka nila o ipamalita nila sa buong building ang nais nila. We can still here, on your side. Wala nang mas hihigit sa sarili mo, tanging ikaw lang ang higit na nakakakilala sa iyo,” wika ni Zammy.

“Pero—” akmang magsasalita pa sana ako ng may dalawang tao ang bigla na lamang pumasok sa aming opisina. Sabay-sabay kaming napatingin sa gawing iyon at tumambad sa amin ang dalawang imahe ng tila na kanina lamang namin pinag-uusapan.

“What a good scenery here, Lester. Ano, Karyle at Zammy? Nakapagsumbong na ba kayong dalawa sa bago ninyong kaibigan? Do you guys really think that Jake is a good friend? Nako, ingat kayo. Baka pati boyfriends ninyo ay agawin rin sa inyo.” Pagsasalita ni Bianca.

Habang pinagmamasdan ko silang dalawa ni Lester na unti-unting pumapasok sa aming opisina, bigla na lamang akong nakaramdam ng matinding takot at kaba. Hindi ito tungkol sa mga paratang nila, kundi sa mga maaaring gawin sa akin ni Bianca.

“Jake, mukhang napipilan ka na ng dila mo d’yan. Speak up, hindi mo ba ipagtatanggol ang sarili mo? Common, speak up, stealer!” sigaw niya sa akin. Sa ginawa niyang iyon, mas lalo pa naming naagaw ang atensyon ng lahat nang taong narito sa loob ng aming opisina. Ganun rin ang ilang empleyadon nasa labas.

Humakbang ako ng ilang hakbang, mariin ko silang tinignan sa kanilang mga mata, lalo na si Lester na hindi ko alam ang rason kung bakit bigla na lamang sumama kay Bianca. “Ano bang pakulo ito, Bianca at Lester? Bakit ba ninyo ginagawa ang mga ganitong bagay sa akin?” sunod-sunod na tanong ko sa kanilang dalawa.

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon