Chapter 47: Jake

12 0 0
                                    

Isang liblib at madilim na lugar kung saan ako dinala ng mga kalalakihang may hawak sa akin ngayon. Hindi ko alam kung anong klaseng lugar ito, tila hindi ako pamilyar sa buong paligid ko. Tila, napag-iwanan na ang lugar na ito ng sibilisasyon. Hindi rin ito nadadaanan ng mga sasakyan, gayun rin ng mga tao.

 

Habang hawak-hawak ako ng mga lalaki, bahagya kong naibaba ang piring sa akin mga mata dahil sa patuloy na paggalaw ko sa aking noo. Dahil doon, nagawa kong bahagyang makita ang lugar kung saan ako dadalhin ng mga taong ito. Maya-maya pa, isang ‘di kilalang boses ang nagsalita sa amin, naramdaman ko rin na tumugil kami sa aming paglalakad nang marinig nilang nagsalita ang taong iyon.

 

“Welcome to the hell building, Jake,” narinig kong pagtawag sa akin ng taong nasa aming harapan. Nang hindi ako sumagot sa kaniya, muli nitong ipinagpatuloy ang kaniyang pagsasalita sa akin, “huwag kang mag-alala, hindi mo ako makikilala dahil sa voice changer na gamit ko.” Pagpapatuloy niya.

 

“Sino ka ba talaga?! Magpakilalaka sa akin!” sigaw kong pagtatanong sa kaniya. Wala ako sa wisyo para makipagbiruan sa taong iyon. Sa mga sandaling ito, sobrang nanganganib ang aking buhay sa kaniyang kamay. At anumang oras ay maaaring ikamatay ko ang gagawin nila sa akin.

 

Maya-maya pa ay agad akong napaluhod nang bigla ko na lamang naramdaman ang isang mabigat na bagay na tumama sa aking batok. Dahil doon, awtomatikong nawalan ako ng balanse at laban dahil sa paghampas sa akin mula sa aking likurang bahagi. Kahit may piring ang aking mga mata, ramdam ko pa rin na bahagyang nanlabo ang aking paningin, mabilis ko ring naramdaman ang pag-ikot ng aking sikmura.

 

“Tayo!” sigaw ng isa sa kanila sa akin at sabay hatak patayo sa ‘kin, “ang lakas ng loob mo na sigawan ang boss namin. Hindi mo ba alam na hawak niya ngayon ang buhay mo. Maya-maya lamang ay magmamaka-awa ka sa kaniya na huwag kuhanin ang sarili mong buhay.” kahit nanghihina pa ako dahil sa paghampas na kanilang ginawa sa akin, ginawa ko pa rin ang aking makakaya para lamang makatayo.

 

Napangisi na lamang ako sa sinabing iyon sa akin ng lalaki. “Talaga? Ako, magmamaka-awa para lamang sa buhay ko? If your boss wants to kill me, then do it. It’s fine for me, I won’t beg for my life,” wika ko sa kanilang lahat. Habang nangangatog ang aking mga binti at hita, tinatagan ko pa rin ang aking pagkakatayo para malamang makapagsalita sa kanila at para na rin malaman ng kinikilala nilang boss na hindi ako takot na mamatay, “kill me, I am offer you my life, boss. If it is what makes you happy, then take it.” Pagpapatuloy ko.

 

Matapos kong magsalita, wala pang ilang segundo nang maramdaman ko an isang malakas na paglapat ng palad sa aking mukha. Dahil sa nanghihina pa rin ang aking mga binti at hita, agad akong bumagsak sa sahig marahil ay wala akon balanse sa ginawa ng taong iyon sa akin.

 

“Matabil rin ‘yang dila mo ‘no? What if target-in ko ‘yang ulo mo? Pasabugin ko at ipadala sa taong pinakamamahal mong si Vincent. What would be his reactions once he saw you into pieces?” naramdaman ko ang marahan nitong paghaplos sa aking balat. Agad naman ako napa-atras sa kaniya, “why? Natatakot ka ba sa mga sinabi ko sa iyo? Don’t worry, my dear Jake. I will do it in a painless way. Wala kang mararamdaman. Either way, if you asks me to do it in a hurtful way, why not?”

 

“Isa kang demonyo!” mariin kong pagsasalita sa taon kaharap ko, “kung matapang ka, alisin mo ang piring sa mga mata ako at huwag kang gumamit ng voice changer. Matapang ka dahil may mga tauhan kang kasama at nagtatago ka d’yan sa walang kuwenta mong maskara. Common! Kilala na kita, Bianca!” wika ko at sabay banggit ng kaniyang pangalan.

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon