Chapter 29: Jake

54 15 2
                                    

Dalawang linggo na ang nakaraan, noong huli kaming nagkaharap ni Bianca. Ngunit, sa nagdaang mga linggo, wala akong nakitang Bianca na pumupunta rito sa opisina namin.

Habang patuloy ako sa pagtipa sa harap ng computer, isang boses ang aking narinig na nagsalita mula sa aking likuran.

Napalingon naman ako sa taong nagsalita at bumungad sa akin si Elice. “Oh? Anong ginagawa mo rito, Elice?” tanong ko rito.

Naglakad naman ito papasok sa aming opisina at agad na naupo sa aking tabi. “Alam mo? Naloloka ako, hindi ko alam kung ano ‘yong nangyayari noong nakakaraan.”

“Alin naman ang hindi mo maunawaan?” taka kong pagtatanong rito.

Nakita ko namang itong napabuntong-hininga at saka nagsalita, “’Yong nangyari sa inyo nina Mr. Tolentino at Bianca. Hindi kineri ng powers ko na unawain iyon.”

Huminto ako sa aking ginagawa, at marahan akong humarap sa kaniya. “Tapos na ang nangyaring iyon, Elice. Wala nang dahilan para pag-usapan natin ang bagay na ‘yon.”

“Pero, Jake? Kaibigan mo ako. Deserve ko rin na malaman ang nangyayari sa ‘yo rito,” pagdadrama ni Elice sa akin.

Napa-iling na lamang ako habang pinagmamasdan ko siya at saka ako nagsalita, “Gusto mo ba talagang malaman ang nangyari?”

Nakita ko namang tumaas ang kilay nito, dahil sa ginawa niyang iyon, hindi ko naiwasang matawa. “Yes, just tell me the truth, Jake.”

“Vincent was my first love, way back then. We were lovers when we’re in high school. Nagkahiwalay kami dahil nalaman ng magulang  niya ang relasyon namin.

“Kaya kami nagkahiwalay ni Lester, nalaman niya na si Vincent ang first love ko. Nagalit siya sa akin, to the point na tapusin na lang ang relasyon namin. Ganun rin kay Bianca, nalaman niya rin ang nakaraan namin ni Vincent. Kaya ganun na lamang ang galit niya sa akin.”

“Bakit hindi mo agad sinabi sa amin ni Francis ang tungkol sa bagay na ito? Baka matulungan ka naming dalawa,” tugon ni Elice.

Napahinga ako ng malalim dahil sa naging reaksyon sa akin ni Elice. Alam ko na naging unfair ako sa aking mga kaibigan, dahil inilihim ko ang tungkol sa bagay na ito.

“Elice, hindi ko na sinabi ang tungkol sa bagay na ito, dahil matagal na kaming tapos noon ni Vincent,” saad ko. Tumingin naman ako sa kaniya at naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay.

“Ayos lang iyan,” tugon nito, “pero…ano iyong nakita ko noong lumabas kayo ni Boss Vincent na magkahawak kamay?”

Nang marinig ko ang bagay na iyon kay Elice, agad na nag-init ang aking pisngi at naramdaman ko rin na namula ang aking ibabang tenga. Dahil sa pagtatanong na iyon sa akin ni Elice, bahagya naming nakuha ang atensyon ng mga kasama ko sa loob ng opisina.

“Elice, hinaan mo naman ang boses mo!” hindi ko maiwasang sabihin iyon kay Elice sa mariin na tono ng aking boses.

Agad kong inilibot ang aking tingin sa mga kasama ko, at laking gulat ko nang lahat sila ay nakatingin na sa amin. Napangiti na lamang ako at napakamot sa aking ulo.

“Elice, puwede ba? Pakihinaan naman ang boses mo, kahit konti lang.” agad namang napakamot sa kaniyang ulo ang aking kaibigan.

Muli akong napabuntong-hininga, hindi dahil sa ginawa ni Elice, ngunit sa iniisip ko kung paano ko sasabihin ang bagay na iyon sa kaniya. “’Yong nakita mo noong nakaraan…

“…inaya lang ako ni Vincent. He was just apologizing to me for what had happened that day. Ayon lang ‘yon,” tugon ko.

Bakas sa mga tingin ni Elice na hindi siya kumbinsido sa aking sinabi. “Really, Jake?”

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon