Chapter 51: Jake

8 0 0
                                    

“Uy, Jake!” agad akong napabalik sa aking ulirat nang isang malakas na pagtapik sa aking balikat ang ginawa sa akin ni Francis. Napatingin naman ako sa kaniya at kita ko sa kaniyang mukha ang pag-aalala, “ayos ka lamang ba, bes? Mukhang ang lalim ata ng iniisip mo.” Pagpapatuloy ni Francis sa kaniyang sinasabi.

Napahawaka ako sa aking kamay at muli akong tumungin kay Francis. “Hindi ko alam, bes. Sobrang nag-aalala na ako kay Lester. Ilang araw na rin akong walang balita mula sa mga pulis na naghahanap sa kaniya. Kinakabahan na ako ng husto, bes,” hindi ko maiwasang muling makaramdama ng ibayong takot sa aking dibdib dahil sa ilang araw ng walang balita sa paghahanap kay Lester.

Naramdaman ko namang umusod ng kaunti sa akin si Francis at marahan akong tinapik nuto sa aking balikat bago ito nagsalita, “Bes, hindi tumitigil ang mga pulis sa paghahanap kay Lester. For sure, before this day ends, magkakaroon na sila ng balita kay Lester.” Napayuko na lamang ako habang patuloy sa pagtapik sa akin si Francis.

Napahinga na lamang ako ng malalim habang ang aking isipbay nakatuon sa paghahanap kay Lester. Ilang araw ng walang lead sa paghahanap ang mga pulis. Gusto ko na silang tulungan sa ginagawa nilang paghahanap, ngunit agad akong pinigipan ni Vincent over the phone na huwag lalabas ng bahay. Wala akong magawa kundi ang maghintay ng tawag mula sa mga pulis.

“Jake,” napatingin naman ako sa aking kaibigan na si Francis na tinawag ako nito sa mahinang tono ng kaniyang boses, “naguguluhan talaga ako sa nangyayari. Narito ako, dinadamayan kayo. Pero, hindi ko alam kung paano at kailan ito nagsimula. Ayos lamang ba kung malaman ko ang nagyari, Jake?” sunod-sunod na pagsasalita sa akin ni Francis.

Tumango naman ako sa kaniya bilang pagsang-ayon at pagpayag ko sa nais niyang malaman. “Tungkol sa nangyaring dalawa sa amin ni Lester. Perhaps, hindi talaga kami ang para sa isa’t-isa. We were happy. We made our promises and goals together. We planned that we were getting marriage. However, all of them were just a part of memories now.”

“Bes, may mga taong akala natin ay para sa atin talaga. But, they were just a part for us to able to grow. Nariyan sila para maparealize sa atin ang mga dapat na madevelop not just for ourselves, but also on how we’re going to deal sa mga situations na haharapan natin with our partners.”

“Tama ka,” wika ko, “nahire ako sa company ni Vincent. Wala akong alam na siya pala ang CEO ng pinasukan kong kumpanya. I had no idea na sa kaniya rin pala nagtatrabaho si Lester. Noong nagtagpo ang mga landas naming dalawa ni Vincent unexpectedly, hindi ko alam kung ano ang mararamdama ko noong mga sandaling iyon. Basta ang alam ko lang, ay mayroon ng nagmamay-ari sa akin.

“But, my heart says that I’m still in love with him, even Lester was there for me. Parang nagbago ang lahat sa akin – sa samahan naming dalawa ni Lester. I was being selfish. Hindi ko inisip ang nararamdaman ni Lester. Masama ako, Francis. Dahil sa akin, nangyayari itong mga ganito.”

Matapos kong magsalita, hindi ko na napigilan pa ang unti-unting pagpatak ng akin mga luha. Nang makita ako ni Francis sa gano’ng sitwasyon, agad akong inakap nito ng mahigpit. Patuloy lamang siya sa ginagawa niyang paghimas sa aking loob upang mapagaan ang aking loob.

“Ayos lang ‘yan, Jake,” nang marinig ko iyon, bahagya akong umiling sa kaniya, “wala kang kasalanan sa nangyayari ngayon. Hindi mo naman ginusto na makuha si Lester ng mga taong ‘yon. Jake, huwag mo naman sisihin ang sarili mo, sa mga bagay na hindi alam na mangyayari.”

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon