Chapter 52: Jake

6 0 0
                                    

Para pa rin akong nasa loob ng isang panaginip. Tila bangungot itong nangyari sa akin, hanggang sa mga sandaling ito. Hindi pa rin magawang maiproseso ng aking utak ang nangyari kay Lester. I’m still shocked when I’m saw him unconsiously. Para akong tinakasan ng sarili kong hininga nang makita ko siya sa ganung estado ng kaniyang buhay.

Hindi ko rin maiwasan na mawalan ng malay habang binabasa ang sulat na nakalagay sa maliit na box kasama ang gamit niyang cell phone. Pasalamat na lamang ako at kasama ko sa aking bahay ang kaibigan king si Francis na siyang umalalay sa akin hanggang makapunta kaming dalawa sa ospital na nakasulat sa papel.

Habang papasok kaming dalawa, hindi ko magawang mapakalma ang aking buong katawan. At hanggang sa mga oras na ito, narito pa rin ang takot, kaba, pag-aalala sa kalagayan ni Lester. Noong makita ko siyang nasa ibabaw ng isang kama, habang ginagamot siya ng mga doctor. Parang dinudurog ang puso ko.

Noong mga sandaling iyon, napa-upo na lamang ako sa gitna ng hospital, dahip sa aking nasasaksihan. Kasalukuyang nag-aagaw buhay si Lester. Hindi ko napigilan na sisihin ang aking sarili dahil sa nangyari kay Lester. Dahil sa akin, nangyari ito sa kaniya. Hinding-hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may mas masama pang nangyari kay Lester.

“Jake, tahanan. Everything will be fine sooner,” pagpapakalma sa akin ni Francis habang patuloy ito sa paghimas sa aking likod, “alam natin na matatag si Lester. He can survive, Jake. We just only have to do now is prayers for him. ‘Wag tayong mawalan ng pag-asa.” Pagpapatuloy niya.

Habang nakahawak ang aking mga kamay sa ibabaw ng aking magkabilang tuhod, sunod-sunod akong umiling sa kaniya. “Franis, ako… ako ang dahilan kung bakit nariyan ngayon si Lester sa loob. Ako… ako dapat ang nandun hindi siya.” Habang nagsasalita ako, marahan kong itinuro ang emergency roon kung nasaan ngayon si Lester.

Nakita ko namang muling napa-iling sa aking sinabi si Francis. “No, Jake. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Ikaw na rin ang nagsabi sa akin, na nagka-ayos na kayong dalawa ni Lester,” marahan niyang hinawakan ang aking mukha at saka ito muling nagsalita sa akin, “kung nakikita ka ngayon ni Lester, sasabihin niya na sa iyo na wala kang kasalanan.”

“Pero, Franics, hindi ko maalis ‘yong guilt dito sa puso ko!” marahas kong hinampas ang aking dibdib bago ako muking nagsalita, “nagagalit ako sa sarili ko. Naiinis ako dahil sa sitwasyon niya. Dahil sa akin, nakikipaglaban siya ngayon sa kamatayan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala siya, Francis!”

“Jake… Jake… Jake…” napayakap na lamang ako sa aking kaibigan habang patuloy akong umiiyak sa kaniyang balikat. “Hindi ganun ‘yon! Walang mangyayaring masama kay Lester. We both know that Lester is a fighter, right? He won’t let himself die. Matatag siya, bes!”

Matapos ang aming pag-uusap ni Francis. Naging tahimik kaming dalawa, ngunit patuloy lamang ako sa aking pag-iyak habang si Francis naman ay patuloy sa pagpapakalma sa akin. Habang hinihintay na lumabas ang mga doctor sa ginagawa nilang pag-gagamot kay Lester. Samu’t-saring ingay naman ang aming narinig ni Francis.

Napatayo na lamang kaming dalawa ni Francis nang may isang hospital bed ang dahan-dahan na hinihila ng mga nurse habang may takip iyon na puting kumot. Habang kasunod naman nu’n ay ang dalawang babae na umiiyak. Napatingin na lamang ako sa kanilang dalawa at mula sa aking kinatatayuan, ramdam ko ang kanilang paghihinagpis at pangungulila sa taong nawala sa kanila.

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon