Sabay kaming napatingin ni Jake sa dalawang taong nagsalita mula sa aming likuran. Nang sabay naming tingnan ang dalawang taong iyong, bumungad sa amin sina Bianca at Lester, na isa sa aking matapat na empleyado. Agad na bumungad sa akin ang kaba at pagkabigla ng mga sandaling ito.
"What are you two doing here? May dapat ba akong malaman? Vincent, say something." Habang nagsasalita si Bianca, ay unti-unti rin itong naglalakad palapit sa aming dalawa ni Jake.
Ilang segundo pa lamang ng agad ring sumunod si Lester upang lapitan si Jake. "Nothing. There is nothing going on here. Nagkataon lang na papunta si Jake rito sa comfort room. Ayon lang." Kahit kinakabahan ako, ginawa ko pa ring ang aking makakaya para makapagsalita ng maayos.
"Mr. Tolentino and Ms. Bianca, mauna na ho kami. Pasensya na ho sa distrbo." Magalang na pagsasalita ni Lester sa aming dalawa. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Jake.
Nang madapo ang aking tingin sa braso ni Jake na kasalukuyang hawak-hawak ni Lester. Kakaibang sakit ang aking naramdaman. Aaminin ko, nakakaramdam ako ng matinding selos sa kanilang dalawa.
"No. You're not going anywhere, Lester and you," sabay turo nito kay Jake. "I'm just wanted to invite you guys sa aming engagement party ng boss ninyong si Vincent. For sure, mag-eenjoy kayo roon."
Napa-iling na lamang ako sa sinabing iyon sa ni Bianca kina Jake at Lester. Nang magtaas naman ako ng aking tingin, agad kong nakita ang tingin sa akin ni Jake. Hindi ko alam pero, ang tingin niyang iyon sa akin ay tila nangungusap.
"Mr. and Ms, mauna na po kami." Akmang maglalakad na si Lester nang biglang nagsalita si Bianca. "Oh? Wait! Sabay na tayo." Naramdaman ko na lamang ang mahigpit na paghawak sa aking kami ni Bianca. Napatingin naman ako ngunit tanging pagtataray lamang ang ginawa niya sa akin.
"Sige na, mauna na kayo. I just want to speak with Jake privately about what happened earlier." Saad ko na puno ng pag-uutos. "Sige na, Lester. Kita na lamang tayo mamaya." Matapos niyang sabihin iyon ay sabay na umalis sina Bianca at Lester sa aming harapan.
"Mr. Tolentino, it was my fault. Dahil sa akin, nagalit ng husto ang 'fianceè' mo. Tama siya, we're on different level in terms of positions here. Kaya, as on behalf of my colleagues. Ako na ho ang humihingi ng despensa sa nangyari kanina."
Matapos niyang sabihin iyon ay agad itong umalis sa aking harapan at nagpatuloy ng maglakad papasok mismo sa loob ng comfort room. Napatigala na lamang ako sa mga narinig kong mga salita mula may Jake.
Ilang segundo pa ang lumipas nang magdesisyon akong sundan sa loob ng comfort room si Jake. Nang bubuksan ko na ang pintuan ng CR, ay siyang pagbukas rin ni Jake.
Nang magtama ang aming mga mata, hindi ko alam ang aking ginawa. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na marahas na hinahalikan ang labi ni Jake. Dahil sa aking ginawa, patuloy sa pagpiglas si Jake mula sa akin. Ngunit, dahil na rin sa medyo malaki ang aking katawan, nagawa kong pigilan ang mga kamay ni Jake.
Ilang segundo ko ring nahalikan ang labi ni Jake. Nang bumitaw ang aking labi sa kaniya, para akong kinapos ng hininga dahil sa aking ginawa. "Jake," mahinang bulong na tawag ko sa kaniyang pangalan. Napasandal na lamang ang aking ulo sa kaniyang balikta habang patuloy ako sa paghahabol ko ng aking hininga
Wala akong salita na narinig mula kay Jake. Tanging pagpintig ng kaniyang puso lamang ang aking naririnig sa mga sandaling ito. "Bakit? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin? Akala ko ay...ako lang. Bakit may iba ka na? Hindi mo na ba ako mahal?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.
Dahan-dahan kong nararamdaman ang dalawang kamay ni Jake na marahang inaalis ang aking katawan sa kaniya. "Kailan ko pa bang gawin iyon? Kailan ko pa bang sabihin sa iyo na may mahal na akong iba?"
BINABASA MO ANG
Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]
RomanceMatagal na nagkahiwalay sina Vincent at Jake. Simula ng magdesisyon ang mga magulang ni Vincent na ilipat ito ng paaralan. Dahil sa nangyaring paglipat, naiwan na mag-isa si Jake sa paaralan na kung saan noo'y sabay pa silang pumapasok at umuuwi. S...