Halos madurog ang puso ko habang pinagmamasdan ko si Jake na nakaratay sa hospital bed sa loob ng Intensive Care Unit ng hospital kung saan namin siya dinala. Napayukom na lamang ako ng aking kamao, at mariin akong napasuntok sa ding-ding ng ICU. Maagap naman akong inawat nina Elice at Albert dahil sa aking ginawa.
Habang nakahawak sa aking balikat si Albert, at sa aking kamay naman ay si Elice. Bigla ko na lamang naramdaman ang paglandas ng aking luha paibaba sa magkabila kong pisngi. “Jake, please, wake up. Wake up, please! I’ve really missed you. Wake up, Jake!” habang sinasabi ko ang mga salitang iyon, patuloy naman sa paglandas ang aking luha.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko upang magising si Jake. Upang alisin siya sa loobng kuwartong iyon. Nasasaktan ako dahil sa nakikita kong maraming aparato ang nakakabit sa kaniya, maraming wires ang nakapulupot sa iba’t-ibang parte ng kaniyang katawan. Dahil sa lubhang pag-iyak ko, agad kong naramdaman ang pagsikip ng aking paghinga, dahilan upang unti-unti akong mapa-upo sa sahig ng hospital.
Nang mapansin nina Elice at Albert ang sitwasyon kong iyon, agad nila akong inalalayan na dalawa. “Pare! Ano bang nangyayari sa iyo?! Magpakatatag ka para kay Jake! Vincent!” dinig kong pagsasalita sa akin ni Albert. Naka-alalay pa rin ito sa akin at marahannila akong inupo katulong ang ibang nurses na agad na lumapit sa amin. “Vincent, alam kong kailangan ka ni Jake. Pero, kailangan ka rin ng anak mong si Cheska. Sa tingin mo ba, makakatulong ‘yang nangyayari sa iyo sa sitwasyon nilang dalawa?
“Pare, ikaw ang kinukuhaan nilang dalawa ng lakas ng loob para lumaban, para magpatuloy. Lalong-lalo na si Jake! Paano siya huhugot ng lakas sa iyo, kung ikaw mismo ay nanghihina sa gitnang unos na kinahaharap ninyo, nating lahat.” Sunod-sunod na pagsasalita sa akin ni Albert. Wala na akong iba pang sinabi matapos magsalita sa akin ng kaibigan ko.
Napayuko na lamang ako habang patuloy pa rin sa pagpandas ang aking luha. Nananatili pa rin ang pagtapik ni Elice sa aking balikat. Maya-maya ay naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Albert. Dahil sa kaniyang ginawa, mas lalo akong naiyak dahil sa pag-unawa sa akin ni Albert. Matapos iyon, narinig ko namang nagsalita si Elice sa akin habang patuloy ito sa pagpapakalma sa akin.
“Vincent, tama si Albert. Tayo ang lakas ngayon nina Jake at ni Cheska. Kailangan natin na mas maging matatag pa para sa kanila,” naramdaman ko ang pagpunta sa aking harapan ni Elice at saka itong nagpatuloy sa kaniyang pagsasalita, “siguro, magpahinga ka na muna. Kami na lamang ang magbabantay muna kay Jake. Para sa ganun ay makaipon ka rin ng lakas mo, Vincent.” Pagpapatuloy nito.
Nang marinig ko ang sinabing iyon sa akin ni Elice, awtomatiko akong napatingin sa kaniya. Agad akong umiling rito at saka ako nagwika sa kaniya, “Hindi, Elice. Jake really needs me. I can’t leave Jake alone. Paano kung balikan siya nina Dennis at Bianca? Paano kung gawin ulit nang dalawang iyon ang pahirapan si Jake? Elice, Albert, I can’t. I can’t go home without him.” Wika ko.
Napahinga na lamangng malalim sa akin si Albert matapos kong sagutin ang sinabing iyon sa akin ni Elice. Maya-mayapa ay sabay-sabay kaming tatlong napatingin sa taong nagsalita sa aming harapan. Agad na bumungad sa akin sina Ken at Lester na nakatayo sa aming harapan. Base sa mga tingin nila ay sang-ayon sila sa suhestyon sa akin ni Elice.
“Tama si Elice, Vincent. You need to take a rest. Leave Jake to us. We’ll take care of him, don’t you worry,” saad ni Lester sa akin, “hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo na maging maayos ngayon. Bakas na bakas sa itsura mo ang pamumutla mo, mahirap na baka pati ikaw ay magkasakit.” Naglakad ito papunta sa bintana upang tignan si Jake.
BINABASA MO ANG
Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]
RomanceMatagal na nagkahiwalay sina Vincent at Jake. Simula ng magdesisyon ang mga magulang ni Vincent na ilipat ito ng paaralan. Dahil sa nangyaring paglipat, naiwan na mag-isa si Jake sa paaralan na kung saan noo'y sabay pa silang pumapasok at umuuwi. S...