Chapter 70: Vincent

11 0 0
                                    

“Hayop ka, Bianca! Hayop ka! Papatayin talaga kitang babae ka!” hindi ko napigilan ang aking sarili na marahas kong suntukin ang mesa kung saan nakapatong ang aking cell phone. Mariin kong naikuyom ang aking kamo marahil ay matinding poot na aking nararamdaman sa dalawang taong iyon: kina Dennis at Bianca. “Papatayin ko kayong dalawa. Sisiguraduhin ko 'yan!”

Naramdaman ko na lamang ang pagtapik sa aking balikat ng aking kaibigan na si Albert. Maging siya ay hindi nakayanang tagalan na panoorin ang ginagawang pagpapahirap nina Bianca at Dennis kay Jake. Wala akong gusto sa mga oras na ito, kundi ang mabawi ang taong mahal ko atang pinakamamahal kong anak mula sa kanilang dalawa.

“Pare, huminahon ka muna ngayon. Hindi makakabuto sa iyo ang masyadong galit diyan sa puso mo,” pagsasalita sa akin ni Albert. Tumingin naman ako sa kaniya at nakita ko naman itong tumango sa akin at saka nagpatuloy sa kaniyang sasabihin, “kailangan mong huminahon, Vincent. Paano na lamang kung pati sa iyo ay may mangyari? Paano mo maililigtas sina Jake at Cheska mula sa dalawang demonyong ‘yon?!” pagpapatuloy nito.

Agad naman akong napa-isip sa sinabing iyon sa akin ni Albert. Nang marinig ko ang suhestyon niyang iyon, dahan-dahan na lamang akong napa-upo sa bangkuan. Napahawak at napasabunot na lamang ako sa aking buhok dahil pakiramdam ko ay wala kuwentang ama at nobyo kina Jake at Cheska. Hindi ko sila magawang maipagtanggo mula kila Bianca at Dennis. Nagagalit ako sa aking sarili. Naiinis ako dahil wala akong magawang tulong para sa kanilang dalawa.

Habang nasa ganung sitwasyon ako, hindi ko napigilan ang aking luha na dahan-dahang tumulo mula sa aking mga mata. Nang marinig ng mga kasama ko ang ginagawa kong pag-iyak, naramdaman ko na lamang ang kanilang mga kamay na marahang tumatapik sa aking balikat. Habang patuloy kong nararamdaman ang pagpapagaan nila ng mabigat kong loob.

Hindi ko naiwasan na muling balikan ang mga pangyayari sa video na aking napanood kanina. Hindi ko lubos maisip na kayang-kayang gawin nina Bianca at Dennis ang bagay na iyon sa isang tao. Hindi ko alam kung tao pa ba ang tingin nila sa mga sarili nila. Kung nakakatulog pa ba sila sa ginagawa nilang pagpapahirap kay Jake. Habang pinapanood namin ang live forecast nila sa mga kahayupang ginagawa nila kay Jake.

Ni hindi ko magawang tumingin ng matagal sa bawat pagsuntok sa iba’t-ibang parte ng katawan ni Jake. Ni hindi ko magawang panoorin dahil naaawa ako kay Jake, sa bawat pagsigaw niya, sa bawat paghingi niya ng saklolo at tulong. At ang mas ikinadurog pa ng aking puso, ang pagsigaw niya sa pangalanng aking anak. Namaging ligtas ito anuman ang mangyari sa kaniya. Kahit na nalalagay sa alanganin ang buhay ni Jake, tanging kapakanan pa rin ng aking anak ang kaniyang iniisip.

Jake, kung naririnig mo man ako, hindi ko alam kung paano ko susuklian ang lahat ng kabutihang ginawa mo para sa aming mag-ama. Kaya sa pagkakataong ito, hindi ako papayag na hindi ko matutunton ang lugar na kinaroroonan mo, kung saan ka dinala ng mga walang pusong taong tupad ng dalawang ‘yon. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili kapag naeala ka sa akin. Ikasisira iyon ng buhay ko, Jake.

“Demonyo talaga ang hayop na babaeng ‘yan! Hindi ba siya kinakabahan sa ginagawa niya sa kaibigan ko? Kulang na lang ay patayin niya sa sobrang hirap ng mga ginagawa nilang dalawa kay Jake!” napalingon ako kay Elice nang marinig ko itong nagsalita, “walang kapatawaran ang ginawa nila sa kaibigan ko. Hindi rin ako papayag na u-upo na lang at hahayaan ang ginagawa nila. If I have to hire some killers out there, I will. Just to protect my best friend.”

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon