Nagising na lamang ako ng may narinig akong ingay na nagmumula sa ibaba ng aking bahay. Marahan akong tumayo mula sa aking pagkakahiga at agad kong tinungo ang palikuran upang hilamusan ang aking mukha. Nang matapos ako sa aking ginagawa, agad kong tinungo ang pinto upang alamin kung bakit may ingay sa ibaba.
Habang tinutungo ko ang lugar kung saan nagmumula ang ingay, ay lalo pa iyon lumalakas habang papalapit ako. Nang tuluyan na akong makababa, narinig ko na ang ingay ay nagmumula sa kusina. Kaya naman, agad akong nagpunta roon upang tignan kung ano ang nangyayari roon.
“Lola Dory and Lolo Ernie, gaano na po kayo katagal rito sa bahay namin? Tsaka, bakit po kayo rito nakatira?” Hindi muna ako nagpakita sa batang nagsasalita. Hinayaan ko muna silang mag-usap na tatlo.
Kung ganun, dito pala nagmumula ang ingay na aking naririnig mula sa aking silid. Muli akong napasilip ng marinig kong nagsalita si Manang Dory upang sagutin ang tinanong sa kanila ng aking anak.
“Bata ka pa talaga. Alam ko kahit sabihin namin sa iyo ang tungkol sa bagay na ito, ay hindi mo pa rin kami mauunawaan. Ngunit, dahil sa kagustuhan mo ay gagawin namin iyon,” nakita kong hinaplos ni Manang Dory ang ulo ng aking anak bago nito ipagpatuloy ang kaniyang sasabihin. “Hindi ka pa isinisilang sa mundong ito, ay kasambahay na ako rito. Ako na ang nagpalaki sa Papa mo at nagsilbi niyang mga magulang. Dahil doon, kaya ako nagtagal rito sa inyo.”
“Tama si Lola Dory mo, Apo. Tulad niya, ay driver at hardinero ako noon sa mga Lolo at Lola mo. Isa na rin ako sa mga naging pangalawang magulang ninyo ni Papa mo. Kaya nga, kabisado na namin si Papa Vincent mo. Alam na alam namin ang ugali niya.” Narinig kong sagot ni Manong Ernie sa bata.
Sa kanilang mga sinabi sa aking anak, hindi ko maiwasan ang makaramdam ng sobrang tuwa sa aking loob. Dahil tanging si Manang Dory at Manong Ernie na ang nagsilbing mga magulang at gabay ko, simula nu’ng nawala ang aking mga magulang.
Ni kahit minsan, hindi ko naramdaman sa kanila na itinuring nila akong ibang tao. Bagkus, pinaramdam nila sa akin na tila ba – isa nila akong tunay na anak at kadugo. Kaya simula noon at hanggang ngayon, ay malaki ang utang na loob ko sa kanilang dalawa.
At bago pa muling makapagtanong ang aking anak na si Cheska kila Manang Dory at Manong Ernie. Ay minabuti ko ng magpakita sa kanilang tatlo. “Maganda umaga po, Manang Dory at Manong Ernie,” matapos kong magmano sa dalawang matanda, ay agad kong tinungo ang kinauupuan ng aking anak. “Good morning, My Princess.” Isang halik sa kaniyang noo ang aking ibinigay rito na siya namang ikinangiti ng aking anak.
“Good morning rin po, Papa Vincent,” tumayo ito matapos niyang bumati sa akin ng magandang umaga. Nagulat kami nina Manang at Manong sa ginawang iyon ng aking anak. Maingat na inilapag ni Cheska ang aking plato sa mesa at marahan niya akong nilagyan ng paborito kong sinangag at itlog. “Alam ko po na paborito ninyo ang ganitong klase ng almusal. Kaya ako na po ang naglagay sa inyo ng mga iyan.”
Nagkatinginan naman kami nina Manang Dory at Manong Ernie sa ginawang iyon ni Cheska sa akin. Hindi ko maiwasang kiligin sa ginawang iyon ng aking anak, kahit pa sobrang simple lamang ng bagay na iyon. “Maraming salamat, anak ko.” Muli ko itong hinagkan at binigyan ko ito ng isang halik sa kaniyang ulo.
Naramdaman ko namang napangiti ito sa aking ginawa. Susubo na sana ako ng aking almusal ng bigla na lamang magtanong si Cheska tungkol sa kaniyang Mama na si Eunice. “Papa, puwede po ba ninyong sabihin sa akin – kung gaano kaganda ang Mama ko?” Napahinto ako sa tanong na iyon sa akin ng anak kong si Cheska.
BINABASA MO ANG
Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]
RomanceMatagal na nagkahiwalay sina Vincent at Jake. Simula ng magdesisyon ang mga magulang ni Vincent na ilipat ito ng paaralan. Dahil sa nangyaring paglipat, naiwan na mag-isa si Jake sa paaralan na kung saan noo'y sabay pa silang pumapasok at umuuwi. S...