Chapter 42: Jake

14 2 0
                                    

Habang nasa pantry ako ng aming kumpanya at tahimik na nagkakape sa isang gilid. Hindi ko maiwasang maalala ang mga bagay na aming pinag-usapan ni Lester. Kagabi, doon ko lang talaga nalaman ang rason niya sa lahat ng bagay na nangyari sa pagitan naming dalawa. Doon ko lamang napagtanto na talagang minahal niya ako ng totoo at tunay.

Sa mga naging desisyon niya – na palayain ako, ay tama lamang ang kaniyang ginawa. Kahit na nagkaroon kamig dalawa ng closure matapos naming magkasakitan at magsalita sa bawat isa ng masasakit na salita. Ay nagawa pa rin naming magpatawad sa lahat ng mga mali at kasalanan na nagawa naming dalawa.

May mga bagay talaga na hindi na puwese pang ibalik tulad ng relasyon namin ni Lester. May mga kaniya-kaniya nang tao ang nagmamay-ari sa amin. Bukod roon, may mga responsibilidad at obligasyon na kaming kailangan na pangatawanan bilang partner ng aming mga nobyo.

Sa parte ko naman, masya ako at bukod sa napatawad ko na nang buo si Lester. Nagawa ko na ring mapatawad ang aking sarili. Nagawa ko na ring masabi ang mga bagay na hindi ko masabi kay Lester, marahil ay dala noon ng sama ng akjng loob. Ngunit sa pagkakataong iyon, nagawa ko at nasabi ko na walang takot sa kaniya. Natutuwa ako dahil may isang tao nang handang tumanggap kay Lester sa kung ano ang nakaraan niya.

Si Leona. Masaya ako na malakas at may paninindigan siya sa kung gaano niya kamahal si Lester. Noong araw na nagkausap kaming dalawa, doon ko lamang nalaman na nu’ng mga high school pa lamang kami ay may malalim na itong pagtatangi kay Lester. Hindi niya nga lang magawang masabi dahil sa nararamdaman sa akin noon ni Lester.

She hide it all. She denied her own feelings just for the sake of good friendship with Lester. Hanga ako sa paghihintau na kaniyang ginawa. She almost sacrifice her entire life just to wait Lester patiently. Sobrang kakaiba ang pagmamahal na mayroon siya para kay Lester. At ang bagay na iyon, ang sa tingin ko ang pagkakapareha naming dalawa ni Leona. Ang maghintay kahit gaano pa katagal para lamang sa mga taong talagang mahal namin.

Isa rin sa nagpabigla sa akin, noong sinabi ni Leona na mayroong nangyari sa kanipa ni Lester. Ngunit, magreact man ako ay huli na. Kaya naman, tinanggap ko ang reyalidad at pati ang nangyaring uyon sa pagitan nila ni Lester. Wala na rin naman akong rason para magalit pa. Masaya rin ako dahil sa wakas, ay matutupad na ang matagal nang pangarap ni Lester – ang magkaroong ng anak.

Anak, na gaking sa sarili niyang dugo at laman. Pangarap niya iyon, he was dreaming about the good, healthy, and decent family. And Leona gave it all to him, only she can give a child to Lester that I’cant give. Naiinggit nga ako noong sinabi sa akin ni Leona na nagdadalang tao siya at si Lester ang ama ng kaniyang dinadala.

Ngunit, tulad nga ng aking sabi, naging masaya na lamang ako para sa kanilang dalawa at sa magiging anak nila. Matapos kong magbalik-tanaw sa mga bagay na napag-usapan naming tatlo nina Leona at Lester. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil matapos ang mga pangit na nangyari, sa huli ay may maganda rin namang resulta.

Matapos kong maalala ang lahat ng iyon, akmang iinumin ko na ang kapeng hawak-hawak ko nang may narinig akong nagsalita mula sa aking gilid. Napatingin naman ako sa taong nagsalita at bumungad sa akin si Leona na may malawak na ngiti sa kaniyang labi. “Jake…”

Napatayo naman ako ng makita ko ito upang imbitahan na maupo sa aking tabi, “Tara, upo ka.” Pag-aya ko sa kaniya. “Ano pala ang ginagawa mo rito? At bakit parang bihis na bihis ako ngayong araw?” sunod-sunod na pagtatanong ko kay Leona.

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon