Chapter 78: Jake

11 1 0
                                    

Habang nakapikit ang aking mga mata, rinig na rinig ko sa buong paligid ko ang ingay na nagmumula sa mga taong nasa loob. Hindi ko mawari kung nasaan ako, kung nasa loob ba ako ng isang silid o sa kung anong lugar. Mas lalo pang tumindi ang ingay na aking naririnig nang dahan-dahan akong magmulat ng aking mga mata.

“Oh my gosh! Jake! You are finally awake!” natutuwang pagsasalita sa akin ni Leona habang nakahawak ito sa kaniyang bibig. Kahit na medyo malabo ang aking paningin, sapat na ang mga boses nila upang makilala ko ang taong nagsasalita mula sa aking tabi.

Nang tuluyan nang naging malinaw ang aking paningin. Agad kong nakita sa aking tabi sina Leona kasama si Lester, naroon rin ang isa sa best friend kong si Francis at ang tatlo pang kaibigan ni Vincent na sina Albert, Ken, at Migz. Nang tignan ko ang mga ito, hindi ko mawari kung bakit lahat sila ay umiiyak habang pinagmamasdan ako.

Agad na nagdikit ang aking noo at kilay dahil sa aking nakikita sa mga sandaling ito. Nang maalala ko na kasama ko si Cheska, agad akong napalinga sa aking paligid at saka ako nagsalita habang patuloy ako sa pagtawag sa bata. “Cheska! Nasaan ka? Nariyan ba si Cheska, Francis?” sunod-sunod na aking pagtatanong sa kaibigan ko.

Nakita ko naman ang bahagyang paglapit ng aking kaibigan at marahang tumabi sa akin. Bago ito nagsalita, naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay. “Jake, Cheska is safe now. She’s with her Mom Eunice,” nang marinig ko iyon, awtomatiko akong napatingin sa kaniya at nang maramdaman ni Francis ang aking pagtataka, muli siyang nagpatuloy sa kaniyang sinasabi sa akin, “yes, Jake. You hear it right. Eunice is alive. Buhay na buhay, actually, naroon siya ngayon sa bahay ni Vincent at inaalagaan si Cheska.” Pagpapatuloy nito.

Agad akong napahinga ng malalim nang marinig ko ang sinabing iyon sa akin ni Francis. Ngunit, agad ring sumagi sa aking isipan ang huli niyang sinabi na buhay si Eunice. “Buhay si Eunice? Paano nangyari ang bagay na ‘yon?” taka kong balik na tanong kay Franics. “Buhay si Eunice, pero bakit sa mga panaginip ko, naroon siya? Palagi niyang sinasabi sa akin na alagaan ko raw si Cheska at si Vincent.” saad ko.

…..

“Jake, ganun talaga. Dahil noong mga sandaling iyon ay nag-aagaw buhay ka. And gladly, you’re alive! Masaya kaming lahat na buhay ka at walang nangyari sa iyo ng malala.” Habang sinasabi iyon sa akin ng kaibigan kong si Francis, ay patuloy ito sa ginagawa niyang paghimas sa aking kamay. Napatingin na lamang ako rito at marahan akong napangiti.

Makalipas ang ilan pang sandali, isang boses ang aking narinig mula sa aking tabi. Nang lumingon ako sa parteng iyon, agad kong nakita si Lester na bahagyang naluluha. “Jake, salamat sa D’yos at sinagot niya ang panalangin ko, naming lahat. Salamat sa Kaniya at nagising ka ng wala man lang kahit na anong komplikasyon. Huwag mo na ulit gagawin iyon. Huwag mo na ulit kaming pag-aalalahing lahat.”

Matapos niyang magsalita at sabihin ang mga salitang iyon sa akin, isang ngiti ang aking ginawa rito at marahan kong tinapik ang aking kama upang roon siya ay maupo sa aking tabi. Nang tumingin ako kay Francis, agad naman siyang tumango sa akin at dahan-dahan na tumayo at pumunta sa tabi ni Leona. Naging dahilan naman iyon kay Lester upang makatabi sa akin. At nang makaupo na ito sa kama ko.

Naramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap sa akin. Bago ko sinagot ang yakap na iyon sa akin ni Lester, bahagya akong tumingin kay Leona upang humingi ng permiso sa kaniya. At nang makuha niya ang nais ko, isang ngiti at marahang pagtango ang kaniyang ginawa sa akin. Matapos iyon, ay saka ko lamang sinagot ang mahigpit na pagyakap sa akin ni Lester.

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon