Hindi ko maiwasang mapangiti habang patuloy sa pagsagi sa aking isipan ang mga naganap sa aming dalawa ni Bianca kagabi. Muli, ngayon ko lamang naramdaman mula sa babaeng iyon na talagang totoo siya sa kaniyang sinabi sa akin – sa mga naging pangako niya sa akin.Ilang araw ang nagdaan. Ilang araw ko siyang hindi nakita at nakausap. At alam ko sa mga araw na iyon, ay talaga namang nagsisisi na siya sa mga maling magawa niya sa aking anak. Ayoko lamang na kapag natuloy ang aming kasal na dalawa, ay may hidwaan sa kanilang dalawa ng aking anak.
Parehas silang mahalaga sa akin. Parehas silang mahal ko at ayokong mawala sa akin. Naputol na lamang ako sa aking pagbabalik-tanaw nang bigla ko na lamang naramdaman ang tapik sa aking balikat ni Elice. “Sir, ang ganda ata ng ngiti ninyo? Anong mayroon?” Nakangiti nitong tanong sa akin.
Napailing na lamang ako sa naging tanong ni Elice sa akin. “Hindi ka rin chismosa, ano? Anyways, what’s the matter?” Seryoso kong tanong rito.
Nakita ko namang napahinga ito ng malalim at dahan-dahan na tumingin sa akin. At base sa tingin niyang iyon, kung hindi ako nagkakamali ay para itong may kilig sa kaniyang mga mata.
“Sir… there’s a guy in your office, he’s cute and yet a handsome one. He said that he wanted to wait for you to arrive.”
“Who? Wala naman akong ibang business meetings or what.” Balik kong tanong rito.
“Sir… stop asking me some random questions. Yet, why didn’t you go to your office instead?” Matapos niyang sabihin iyon sa akin ay agad rin itong umalis.
Marahan akong napailing dahil sa naging pag-uugali sa akin ng Executive Assistant ko. Ilang segundo pa ang lumipas ay napagpasyahan ko nang maglakad papunta sa aking opisina upang malaman at makita ang tinutukoy ni Elice.
Ilang sandali pa nang marating ko na ang aking opisina. Dahan-dahan kong itinulak ang pintuan ng aking kuwarto at nasopresa ako sa aking nakita. Ilang taon na ba nang huli kaming nagkita at nagkausap?
“It’s been awhile, Vincent?” Halos walang mga salita ang gustong kumawala sa aking bibig. Tila para bang tinakasan ako ng sarili kong ulirat.
“Hey, man. Wala ka bang sasabihin sa akin? I’ve really missed you, didn’t you missed me?” Hanggang ngayon ay wala pa ring salita ang lumalabas sa aking bibig. Nagulat na lamang ako ng nakita kong nakayakap na ito sa akin. “Hindi ka pa rin nagbabago. You’re still a Vincent I used to know. No wonder even Migz and Albert was the same reaction as you. Yeah. Ganun talaga. Ilang taon na rin tayong hindi nagkakausap at nagkikita, Vincent.”
“K-k-ken…” Tanging pangalan niya lamang ang aking nabanggit dahil sobra akong nasabik na muli kong makita ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan.
“Kumusta ka na ba, Vincent? Years have passed by between the two of us. Kumusta na kayo ni Eunice? I’m sure you two have a child now.” Nang marinig ko ang pangalan ni Eunice, awtomatikong nawala ang ngiti sa aking labi.
Hindi ako nagkamali, agad iyong naramdaman ni Ken. “Pare, are you alright? Is there something wrong with that?” I can’t blame him. Hindi niya pa pala alam ang nangyari kay Eunice.
Isang ngiti ang aking ipinakita kay Ken bago ako nagtungo sa aking puwesto. Naramdaman ko naman itong sumunod sa akin. “Ken, hindi mo pa pala alam ang tungkol sa bagay na ito…” Huminto ako sandali mula sa aking pagsasalita.
Isang malalim na paghinga ang aking ginawa bago ko napagdesisyunan na ipagpatuloy ang aking sasabihin, “…matagal nang wala si Eunice, Ken.” Pagpapatuloy ko.
Bakas sa mukha ni Ken ang pagkabigla. Kaya naman, tumango na lamang ako rito. “W-what… d-do… y-you… m-mean…?” Utal-utal na tanong sa akin ni Ken.
“She died in a car accident after a few weeks of giving birth to our child.” Pagtatapat ko rito ng deretso. Hindi ko masisisi ang ekspresyon na nakikita ko ngayon sa aking kaibigan na si Ken. Ever since, he didn’t met Eunice even once. I felt bad for that.
“How…?” Napayuko na lamang ako sa kaniyang harapan. “Sorry, par. Pero, gustong-gusto ko pa naman na makita ang asawa’t anak mo. Pasensya ka na, hindi ko naman alam na ganito na pala ang nangyari, pare.” Umiling ako rito.
“Wala kang kasalanan, pare. It’s okay. I understand. Pero puwede mo namang makita si Cheska at si Bianca—” Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin ng bigla na lamang putulin ni Ken ang aking sasabihin.
“Bianca? Sino naman ang babaeng iyan? I don’t know her, pare,” akmang magsasalita pa sana ako ng bigla na lamang itong tumayo mula sa kaniyang kinauupuan. “Wait! I heard that you’re getting married na with that girl.” Pagpapatuloy niya.
Isang tango naman ang aking ginawa sa kaniya bilang aking pagsagot. “Congratulations, pare. Magkakaroon ka na ulit ng bagong asawa. Teka, kumusta ka na nga pala?” Napataas ako ng aking kilay ng bigla na lamang akong tanungin ni Ken ng ganung klaseng tanong.
“Eto, maayos naman. Medyo busy lang sa mga iilang deadlines. Minsan, nagkakaroon ng diskusyon sa pagitan namin ni Bianca. Pero, agad rin namang naayos.” Nakita ko namang patango-tango si Ken.
Ilang segundo pa ang lumipas sa pagitan naming dalawa ni Ken. Ngunit, isang nakakabinging katahimikan ang dumaan sa aming dalawa. “Imbitado ba kami diyan nina Migz at Albert?” Natawa naman ako kay Ken ng bigla nitong binasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Oo naman, pare bakit hindi? Kayo nga dapat ang ‘wag mawala doon.” Natatawa kong sagot rito.
“Teka, pare…” Agad naman akong napatingin kay Ken habang hinintay ko ang susunod niyang itatanong sa akin. “Hindi mo ba kasama si Jake? ‘Yong naging boyfriend mo noong kolehiyo.” Pagpapatuloy nito.
Napayuko na lamang ako sa naging tanong sa akin ni Ken. Hindi na ako nagulat sa bagay na iyon. Dahil isa siya sa naging saksi sa pagmamahalan namin noon ni Jake. “Matagal na kaming wala, Ken. At simula nang iniwan ko siya, wala na rin akong naging balita sa kaniya. Hindi ko na rin alam kung nasaan at kung ano na ang buhay niya ngayon. Nagu-guilty ako sa nagawa ko kapag naiisip ko ang nagawa ko sa kaniya.”
“Pare, may rason ka naman kung bakit nagawa mo iyon sa kaniya. Alam ko naman na mauunawaan ka ni Jake. Matalinong tao siya at maunawain. I know that someday, you’ll gonna meet him. But, for now, stop thinking that it was your fault. Ayaw mo lamang siyang madamay dahil inisip mo lang ang kapakanan niya.”
“Hindi ko rin maiwasan na maguilty sa mga nagawa ko sa kaniya,” napahinto ako sa aking pagsasalita. Hindi ko alam pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapakampante ng aking konsensya. Naang magsasalita na sana ako upang ipagpatuloy ang aking sasabihin. Bigla ko na lamang naramdaman na tumunog ang aking cellphone.
Agad ko iyong sinagot at humingi ako kay Ken ng ilang minuto upang sagutin ang tawag na iyon sa akin. “Kayo po pala, Manang Dory. Bakit ho kayo napatawag?” Tanong ko mula sa kabilang linya. “Apo, si Cheska ay nawawala. Inikot na namin ni Erni ang buong bahay, pero wala talaga ang bata. Hindi rin namin alam kung ano ang pumasok sa isip ng batang iyon bakit niya ginawa ang ganung bagay.”
Halos mawalan ako ng sarili kong hininga ng malaman ko mula kay Manang Dory na nawawala si Cheska. Kung alam ko lamang na mangyayari ito ay hindi ko na muna ito sinabi agad sa kaniya. Cheska, anak, ano bang pumasok sa isip mo at bakit mo ito ginawa?
BINABASA MO ANG
Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]
RomanceMatagal na nagkahiwalay sina Vincent at Jake. Simula ng magdesisyon ang mga magulang ni Vincent na ilipat ito ng paaralan. Dahil sa nangyaring paglipat, naiwan na mag-isa si Jake sa paaralan na kung saan noo'y sabay pa silang pumapasok at umuuwi. S...