Habang inililibit ko ang aking tingin sa kabuuan ng bahay ni Vincent. Hindi pa rin magawang maiproseso ng isipan na tuluyan na nga akong nakauwi kay Vincent. Sa halos dalawang buwan kong pananaliti sa hospital, hindi naging madali sa akin ang tagpo ng buhay ko sa lugar na iyon. Halos lahat ng paghihirap, pagkikipaglaban para sa sariling buhay ay naranasan ko sa lugar na iyon.
Sa nakalipas na dalawang buwan ko roon sa hospital, walang mga araw o sandali na kasama ko ang mga taong mahahalaga sa akin. Palagi silang nasa aking tabi, hindi man kami magkakasamang lahat, nagpapalitan sila upang may makatulong si Vincent na magbantay sa akin. Minsan, hindi ko na rin alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanilang lahat.
Hindi ko na rin alam kung paanong pasasalamat ang aking gagawin at sasabihin upang magawa kong masuklian ang lahat ng tulong at kabutihan nila sa akin, sa aming dalawa ni Vincent. Kung wala sila, baka siguro ay nawala na ako. Maging si Vincent rin ay hindi nakayanan ang pagsubok na dumating sa aming buhay na dalawa.
Sa nangyaring iyon sa akin, mas lalo kong nalaman ang kahulugan ng buhay ko at ng importansya ko sa mundong ito. Narealize ko na kahit hindi kadugo, kapag malalim ang pinagsamahan, magiging parte na rin sila ng buhay at pagkatao mo. Ganun na ganun ang naramdaman ko sa lahat ng mga kaibigan naming dalawa ni Vincent.
Wala silang sinayang na sandali, bagkus lahat ng oras nila ay ibinubos nila sa akin, sa pagtulong kay Vinent. Doon ko mas nalaman na marami pa lang nagmamahal sa aming dalawa. At sapat na ang mga taong iyon para maging maayos ang lahat at muling bumalik sa kung ano ang ayos ng aming buhay sa nakaraan. Palagi kong ipinagpalasalamat ang nangyari sa akin, dahil doon, mas tumataga ang samahanng mga kaibigan ko, maging ang rrelasyon naming dalawa ni Vincent.
Sa kabilang banda naman, noong araw na inuwi ako rito ni Vincent. Agad na sinalubong ako ni Cheska, Manang Dory, Manong Ernie, at maging ni Eunice. Bakas sa kanilang mga mukha ang tuwa at saya nang makita nila ako. Noong mga sandaling iyon, kahit na medyo nakararamdam ako ng panghihina, ginawa ko pa rin ang aking makakaya upang lapitan si Cheska at agad na yakapin ang bata.
Sa nangyari sa akin, na halos isakripisyo ko ang aking sarili buhay sa kamay nina Bianca at Dennis. Wala akong kahit na anong pagsisisi na nararamdaman sa aking puso. Bagkus, masaya ako na nangyari iyon sa aking buhay. Nalaman ko na kaya ko pa lang magsakripisyo ng buhay alang-alang sa mga taong mahalaga para sa akin. Habang nakayakap sa akin noon si Cheska, hindi nakaligtas sa akin ang pagluha ng bata, marahil ay sa saya na kaniyang nararamdaman noong mga sandaling iyon.
Naputol na lamang ang aking pagmumuni-muni nang bigla kong narinig ang pagtawag sa akin ni Eunice. Agad naman akong napatingin sa kaniya at nakita ko naman itong palapit sa akin, “Jake!” bakas sa mukha ni Eunice ang tuwa nang makalapit na ito sa akin. “Puwede ba tayong mag-usap?” pagpapatuloy nito.
Agad naman akong tumango sa kaniya at marahan akong umayos ng aking pagkakaupo, “Puwede naman, wala namang kaso ‘yon sa akin, Eunice,” natatawa kong pagsasalita sa kaniya. Nakita ko namang umupo sa aking tabi si Eunice at saka ako muling nagsalita, “Ano pala pag-uusapan natin?” dagdag ko.
“Jake, alam mo? Sobrang saya dahil nakasurvive ka sa nangyaring iyon na dulot ng pinsan at ng ex ko. Walang araw na hindi kita ipinagdarasal na maging mabilis ang paggaling mo. And agad naman Niyang sinagot iyon. Masaya ako, dahil muli ko nang nakikita ang masisiglang mga ngiti nina Vincent at Cheska. Muli na ring sumigla ang bata simula nang mauwi ka rito ni Vincent.
“Naaawa ako noon sa kaniya, palagi niya akong kinukulit na gusto ka raw niya makita at madalaw sa hospital. Kahit na gustong-gusto kong dalin roon si Cheska, pinipigilan ko ang sarili ko. Dahil alam ko, na oras na makita ka niya sa ganung sitwasyon mo… ay baka ‘di niya kayanin. Mas lalo lang masasaktan ang bata. Kaya ngayong narito ka na, masaya na ulit si Cheska. Unti-unti na ring bumabalik ang lahat sa norrmal, Jake.”
“Kaya nga nang magkaroon ako ng malay at ng ulirat, unang-una kong hinanap agad ay si Cheska. Alam mo, Eunice? Bale wala ang lahat nang sakit at hirap na dinanas ko mula kay Bianca at Dennis, basta masecure ko lamang ang kaligtasan ng bata. Ayon ang pinakamahalaga sa akin noong mga oras na ‘yon. Ayoko rin na pati ang batang walang kamuang-muang sa nangyayari ay madamay pa sa galit nila sa akin, sa aming dalawa ni Vincent.
“Kaya kahit nangyari iyon, kahit na muntik ko nang ikamatay iyon. Wala akong halong pagsisisi na nararamdaman sa sarili ko. Para sa anak ninyong dalawa ni Vincent, gagawin ko ang lahat ‘wag lamang siyang mapahamak at masaktan. Eunice, masaya rin ako na buhay ka at naririto ka na ulit para kay Cheska, para kay Vincent. Alam kong sobrang saya nila na muli kang makitang buhay at may hininga.” Mahabang pagsasalita ko kay Eunice
Matapos kong magsalita, nakita kong bahagyang yumuko sa aking harapan si Eunice. Naging tahimik rin ang buong paligid. Naramdaman ko rin ang bahagyang pagbigat ng atmospera sa pagitan naming dalawa ni Eunice. Maya-maya lamang ay nakita ko ito na tila napapaluha sa aking mga sinabi. Kaya naman, marahan kong hinimas ang kaniyang likod upang paga-angin ang kaniyang nararamdaman sa mga sandaling ito. Habang patuloy ako sa pagpapakalma kay Eunice, agad na sumagi sa aking isipin kung ano ang naramdaman ni Eunice nang malaman niya na ang sarili niyang pinsan ang may kagagawan nito sa amin, kasama ang dati niyang nobyo. Hindi rin nakaligtas sa aking isipan, kung ano ang naging reaksyon ni Eunice nang muli silang magkita-kita na tatlo.
…..
Nang marinig ko ang sinabing iyon sa akin ni Eunice. Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapangiti. Marahan ko namang hinawakan ang kamay nito at saka ako nagsalita rito, “Eunice, salamat rin sa iyo. Malaki ang naitulong mo sa akin, kay Vincent, sa aming lahat. Kung hindi dahil sa ‘yo, baka mawala na ako sa mundong ito. Ikaw ang naging dahilan para malaman nila Vincent kung nasaan ako. Ikaw rin ‘yong naging daan para mailigtas ako sa pinsan mo. Utang ko sa iyo ang buhay ko, Eunice. Maraming salamat.”
Habang nakahawak ang aking kamay kay Eunice, naramdaman ko ang marahan nitong pagpisil sa aking kamay. “Jake, you don’t have to thanked me. Ginawa ko lang kung ano ang tama at dapat,” huminto ito sa kaniyang pagsasalita at marahan akong tinignan nito sa aking mga mata, “marami nang kasalanan sa akin ang pinsan kong si Bianca. She betrayed me many times. Sinaksak niya ako habang nakatalikod ako. I won’t let her fingers lay on my daughter. Masyado na siyang masama, kaya I framed her.”
“Framed her? You mean…” hindi ko na natapos pa ang aking pagsasalita nang agad na pinutol ni Eunice ang aking sasabihin. Sa mga sinabi niya, hindi ko alam na may nakatago rin siyang plano para pagbayarin ni Bianca ang lahat ng mga kasamaang nagawa niya sa aming lahat, at sa sarili nitong pinsan na si Eunice.
“Yes, Jake! I pretended that I was killed by my cousin, Bianca. I made her think that I was death. Sinadya kong magpanggap na patay na ako, to let her think na wala na ako sa buhay niya. Ngunit ang kapalit naman noon, ay ang pagtatago ko sa mga taong mahal ko, kay Dennis… lalong-lalo na kay Cheska, sa anak ko. Ginawa ko iyon kahit mahirap, para lamang magawa ko ang mga plano ko sa kaniya.
“Sakto, nakuha ka nila Dennis, nagulat rin ako nang kasama nila si Cheska. Nang mga sandaling iyon, doon ko na isinagawa ang lahat. Dahil na rin sa tulong mo, Jake at sa pagsasakripisyo mo, nagawa ko ang lahat. Kaya utang ko rin sa iyo ang buhay ko. Jake, you made my plans impossible possible. Kaya sabay nating tatapusin ang larong sinimulan ng aking pinsan. We will give her the life she deserves.” Mahabang pagsasalita nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]
RomanceMatagal na nagkahiwalay sina Vincent at Jake. Simula ng magdesisyon ang mga magulang ni Vincent na ilipat ito ng paaralan. Dahil sa nangyaring paglipat, naiwan na mag-isa si Jake sa paaralan na kung saan noo'y sabay pa silang pumapasok at umuuwi. S...