Chapter 65: Bianca

8 1 0
                                    

“Nasaan na si Jake?! Ilabas ninyo siya at iharap sa akin! Jake! Lumabas ka r’yan! Alam kong nandito at nagtatago lang sa kung saan!” paghahanap ko kay Jake at habang ginagawa ko iyon, ay minabuti ko na isigaw upang ang lahat ng taong narito ay matakot upang ilabas nila agad sa akin si Jake. Habang pinagmamasdan ko ang mukha ng mga emoleyadong narito ni Vincent.

Hindi ko maiwasang matuwa dahil sa kakaibang takot na kanilang nararamdaman sa akin. Lalong-lalo na noong pumasok ako sa opisina kung saan nagtatrabaho si Jake. Nang makapasok ako roon, agad kong itinumba lahat ng gamit na makita ko sa loob ng kanilang opisina, maging ang computer na kaniyang ginagamit.

Sinira ko rin ang mga litratong nakita kong nakadikit sa kaniyang ding-ding na malapit sa kaniyang computer. Hindi ko maatim na makitang masaya at magkasama sina Jake at Vincent maging sa mga litrato. Nang matapos ako na masira ang mga gamit niya, ay agad akong lumabas ng nasabing office at nagpunta ako sa opisina ni Vincent, nagbabaka-sakali ako na baka naroon sa lugar na iyon si Jake.

Habang papalapit ako sa opisina ni Vincent, isang pamilyar na babae ang aking nakitang nakatayo sa harap ng opisina ni Vincent. Nang makalapit na ako sa lugar na iyon, bumungad sa akin ang Executive Assistant ni Vincent na si Elice. Mataray itong nakatingin sa akin at mahigpit na nakahawak sa pintuan. “Anong kailangan mo, Bianca?” mahinang pagtatanong nito sa akin.

Napangiti naman ako sa tanong niyang iyon sa akin. At tulad niya, akin ring itinaas ang aking kilay rito at dahan-dahan na lumaput sa kaniya. “You have nothing to do with me, so back off!” mariin kong sagot sa kaniya. Nang akmang hahawakan ko na ang pintuan, maagap na natapik ni Elice ang aking kamay, “who fo you think you are, Elice? Assistant na ka lang at hindi ikaw ang may-ari nito.”

“Yes, you’re right, I’m his assistant. But it’s my duty to keep his business, the entire company’s se from danger. Lalong-lalo na sa tulad mo, Bianca!” saad nito sa akin. Habang nakahawak ito ng mahigpit sa aking kamay, naramdaman ko ang mas mahigpit nitong paghawak sa akin, “if I were you, aalis na lang ako rito.” Pagpapatuloy na.

Matapos nitong magsalita sa akin ay nakuha ko ang oportunidad upang mabawi ko ang aking kamay sa kaniya. Marahas ko itong itinulak dahilan para matumba si Elice pasandal sa pintuan ng opisina ni Vincent. Dahil sa pangyayaring iyon, hindi ko naiwasan at napigilan ang aking sarili na bahagyang mapatawa dahil sa aking nasaksihan.

“H’wag kang haharang-harang sa dadaanan ko. Kung ayaw mong masaktan pa ulit sa akin!” huminto ako sa aking pagsasalita at naglakad papasok sa opisina ni Vincent. Nang akmang bubuksan ko na ang pintuan, naramdaman ko ang muling paghawak sa akin ni Elice sa binting parte ko, “hindi ka talaga nadadala, ano? Kulang pa ba ang ginawa ko sa iyo?” pagpapatuloy ko.

“I will do everything para hindi ka makapasok sa loob niyan. No matter what happpens, I won’t let you in!” tumayo ito sa aking harapan at muling hinawakan ang aking pulsuhan. Agad naman akong napatingin sa kamay niyang nakahawak sa akin, at maya-maya pa ay dahan-dahan niya akong hinihila palayo, “ano ba?! What do you think you”re doing, Elice?! Wala ba akong karapatang makapasok sa loobng opisina ni Vincent? I am his gilfriend!”

Habang nagsasalita ako rito ay patuloy lamang si Elice sa paghila sa akin palayo sa loob ng opisina ni Vincent. Maya-maya pa ay marahas kong iwinagayway ang aking kamay dahilan upang mabitawan ako ni Elice sa kaniyang pagkakahawak sa akin. “Puwede ba, Elice?! Tigilan mo ako sa mga pakulo mong ‘yan! Hindi ka ba napapagod sa mga ginagawa mo?!” sunod-sunod na pagtatanong ko sa kaniya at nagsimula na akong maglakad muli palapit sa opisina ni Vincent. 

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon