Hanggang sa mga sandaling ito, hindi ako makapaniwala na sasabihin sa akin ni Vincent ang bagay na iyon. Hindi ko mapigilang masaktan sa salitang iyon. It was my first time hearing those words came from him. Para akong inihulog sa balon dahil sa narinig ko sa kaniya.
“Are you really sure with this, Vincent? Ito ba talaga ang nakikita mong solusyon sa problema nating dalawa?” sunod-sunod na pagtatanong ko rito habang ang aking luha ay nagsimula nang tumulo mula sa aking mga mata.
Sa mga oras na ito, hindi ko maipaliwanag ang hapdi at sakit na nararamdaman ko. Marahil ay sadyang mali lamang ang pagbibigay interpretasyon ni Vincent sa nakita niya kanina. Gayunman, bakit ganito niya ako tratuhin? Na para bang nagtaksil ako sa aming relasyon? Na parang napakalaking pagkakamali ang nagawa ko na tila wala nang kapatawaran pa.
Matapos kong magsalita sa kaniya, nakalipas na ang ilang minuto ngunit wala akong sagot o kahit na anong salitang narinig mula sa kaniya. Kaya kinuha kong muli ang pagkakataong ito upang makapagsalita sa kaniya. Lumapit ako ng bahagy sa kaniya.
Unti-unti kong sinubukang hawakan ang kamay ni Vincent. Ngunit nang magtatagpo ang aming mga kamay, agad niya iyong iniwas sa akin. Kaya naman, dahan-dahan ko ring inalis ang aking kamay at yumuko na lamang sa kaniyang harapan.
“Kung ayon ang nakikita mong solusyon sa ating relasyon para maayos ito. Sige, pumapayag ako. Tutal, ako naman ang puno’t-dulo ng gulong ito. I have to be responsible enough for what actions I made. Ito na nga siguro ‘yong karma ko sa nagawa kong mali kay Lester.”
Saad ko sa kaniya. Marahan akong naglakad papunta sa ikalawang palapag ng aking bahay. Habang binabaybay ko ang hagdanan, patuloy pa rin sa pagtulo ang aking mga luha. Nagsisimula na ring manikip ang aking dibdib dahil sa lubos ng pagtangis.
Imbes na huminto at tumigil sa aking ginagawa, nagpatuloy na lamang akong pumanik sa aking kuwarto. Nang makapasok ako roon, agad kong isinara ang pintuan at sa likod ng pintong iyon, marahas akong napasandal at napaupo na lamang sa lapag.
At sa loob ng aking kuwarto, doon ko inilabas ang lahat ng aking nararamdaman, doon ko na rin ibinuhos ang buo kong pag-iyak. “Ano bang mali sa akin? Ano bang mali na dapat ayusin at baguhin? Naging maling tao ba ako para sa kanila? Naging malaki ba ang pagkakamaling nagawa ko?
“Putangina! Bakit ko kailangan maramdaman ang lahat nang ito?! Bakit kailangan kong mahirap?! Gusto ko lang naman magmahal, maging masaya, at mahalin rin ng pabalik! Gusto ko lang rin ayusin ‘yong gusot na nagawa ko from the past. Because I know this is I least I can do to help Lester, to help him moving forward.”
Agad akong napahawak sa aking mukha, hindi ko na alam ang dapat kong gawin sa mga sandaling ito. Si Vincent, akala ko ay nauunawaan niya ako. Ngunit, bakit sa pagkakataong ito, hindi niya ako magawang maintindihan kahit kaunti lamang?
Ganun na lamang ba kalalim ang rason niya para hindi niya ako maunawaan? Sa mga katanungang ibinabato ko sa akin sarili. Kahit ni isang sagot sa aking ang walang lumalabas sa aking utak. Ilang sandali pa, nakarinig ako ng tatlong magkakasunod na pagkatok sa labas ng kuwarto ko.
Hindi ko na inabala pa ang aking sarili na tumayo at buksan ang pintuan, dahil alam ko kung sino ang taong nasa likod nu’n. ilang segundo pa ang nakaraan, narinig ko itong nagsalita mula sa labas.
BINABASA MO ANG
Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]
RomanceMatagal na nagkahiwalay sina Vincent at Jake. Simula ng magdesisyon ang mga magulang ni Vincent na ilipat ito ng paaralan. Dahil sa nangyaring paglipat, naiwan na mag-isa si Jake sa paaralan na kung saan noo'y sabay pa silang pumapasok at umuuwi. S...