Hindi ko maiwasan ang matawa habang naglalakad ako papasok sa abandonadong gusali. Hindi lingid sa kaalaman ni Vincent na wala akong kahit na anong alam pagdating sa business na kaniyang ginagawa. Ang buo kong akala ay matalino at wais siya sa lahat ng desisyon na kaniyang ginagawa.
Mukhang nagkamali ata ako ng character profile sa kaniya. He even don’t know me yet he approved my proposal as his new business partner. And I will do everything to make him fall from the top where he in now. Hindi niya deserve ang manatili sa itaas, habang ako ay narito at patuloy na nangungulila kay Eunice.
Nang muling sumagi sa aking isip iyon, hindi ko maiwasan ang mga panahon na magkasama kami bago ako iniwan ni Eunice at sumama kay Vincent. Noong mga sandaling iyon, hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Gusto kong magwala dahil nawala ang taong mahal na mahal ko. Ngunit, agad ring pumasok sa aking isipan na wala pa akong maipagmamalaki kay Eunice.
Habang nakatingin ako sa tubig ng sapa, marahan akong pumulot ng mga bato upang ipukol iyon sa tubig. Ilang araw na ang nakalipas, hindi pa rin nagpapakita sa akin si Eunice. Hindi ko alam ang kaniyang dahilan kung bakit naging ganito kalamig sa akin ang taong mahal ko. Noong mga sandaling ito, wala akong kahit na isang ideya na maaari niyang ikagalit sa akin at bakit hindi siya nagpapakita sa akin.
Lumipas pa ang ilang oras ng aking paghihintay. At mula sa ‘di kalayuan mula sa aking kinauupuan, isang pamilyar na babae ang aking agad na nakita. Nang makita siya ng aking mga mata, awtomatikong napangiti ang aking labi at dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya upang salubungin ito.
Nang makita niya ako, nakita ko ang kaniyang labi na nakangiti rin habang papalapit sa akin. Nang magkalapit na kami sa isa’t-isa, mabilis ko itong inakap ng mahigpit. Walang mapagsidlan ang aking tuwa nang muli kong mahagkan ang babaeng aking nagugustuhan. “I’ve missed you so much, Eunice. Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?” tanong ko sa kaniya.
Marahan naman niyang kinurot ang aking pisngi, dahil sa kaniyang ginawa, hindi ko napigilan ang aking sarili na hagkan ang kaniyang labi. Ngunit, mas nagulat ako ng sagutin ni Eunice ang aking paghalik sa kaniya. Agad akong humiwalay sa aming halikan dahil unti-unting lumalalim ang aking nararamdamang libido. Ayokong gawin ang bagay na ito sa hindi legal at pormal na paraan.
Mahal ko si Eunice at gusto ko na gawin namin ang bagay na ito kapag kami ay kasal nang dalawa. Lubos-lubos ko siyang ginagalang at nirerespeto. Mataas rin ang tingin ko sa babaeng mahal ko na halos sambahin ko na dahip sa kabaitan niya sa akin. Kahit na alam ko na tila kami isang langit at lupa na kahit kaipan ay hindi puwedeng magtagpo.
“I’ve missed you, too,” sagot niya sa akin. Hindi ko nagawang sumagot sa kaniya dahil naalala ko ang agwat ng aming pamumuhay. Kaya naman ng walang sagot itong nakuha sa akin, agad itong nagsalitang muli, “Dennis, ayos ka lamang ba? Iniisip mo na naman ba ang estado ng mga pamumuhay natin?” balik na tanong niya sa akin.
Bago ako sumagot sa tanong niyang iyon, isang malalim na paghinga ang aking ginawa, “Pasensya na, Eunice. Hindi ko lang maiwasang isipin,” pagsagot ko sa kaniya habang nakayuko sa harapan niya, “para kasi tayong langit at lupa, lalo na sa estado ng buhay natin. Alam ko naman na against sa akin ang mga magulang mo, ganun rin ‘yong mga magulang ko.
BINABASA MO ANG
Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]
RomanceMatagal na nagkahiwalay sina Vincent at Jake. Simula ng magdesisyon ang mga magulang ni Vincent na ilipat ito ng paaralan. Dahil sa nangyaring paglipat, naiwan na mag-isa si Jake sa paaralan na kung saan noo'y sabay pa silang pumapasok at umuuwi. S...