Chapter 55: Vincent

8 1 0
                                    

Habang naglalakad ako papunta sa parking lot ng hospital, mabagal kong nilalakad iyon at hindi ko pa rin maalis sa aking isipan kung tama ba ang ginawa kong iyon kay Jake. Kung tama ba ang desisyon na ginawa ko para sa kaligtasan nilang dalawa. Mabigat ang aking loob na binabaybay ang parking lot ng hospital.

Hindi ko akalain na sa ikalawang pagkakataon ay muli kong iiwanan si Jake. Habang malalim ang aking pag-iisip, muling sumagi sa aking isipan ang ala-ala ng mga sinabi sa akin ni Nanay Amy noong ito ay nabubuhay pa. Hindi ko maiwasang alalahanin an mga iyon at agad akong napahinto sa aking paglalakad.

Marahang hinawakan ni Nanay Amy ang aking kamay bago ito nagsalita sa akin, “Vincent, hijo, h’wag mo sana itong ipaalam kay Jake, ha? Hindi niya alam ang tungkol sa bagay na pagkikita natin. Alam ko na ikaw ang taong tinutukoy niya sa akin. At kahit na hindi niya sabihin sa akin ang bagay na iyon. Nararamdaman ko sa mga ikinikilos ng anak ko.”

 

Sa mga sinabing iyon sa akin ni Nanay Amy, hindi ko naiwasang mapakunot ang aking noo. Napatingin naman ako sa aming kamay na hanggang ngayon ay magkahawak pa rin. “’Nay Amy, ano pong sinasabi ninyo? Wala naman pong namamagitan sa amin ni Jake.” Wika ko sa kaniya.

 

“Hijo, Vincent,” muli nitong pagtawag sa aking pangalan. Muli akong napatingin sa kaniya at hinintay ang susunod niyang sasabihin sa akin, “mahal mo pa ba ang anak kong si Jake? Mahal mo pa ba soya kahit ilang taon na kayong hindi nagkita ng matagal? Matututunan mo pa ba siyang mahalin?” nagulat na lamang ako ng bigla na lamang akong tinanong ni Nanay Amy ng sunod-sunod.

 

Ngunit, ang mas ikinagulat ko pa ay ang pagmamahal na mayroon ako para sa kaniyang anak na si Jake. Yumuko ako rito at pinagmasdan ang aming mga kamay at saka ako nagsalita rito, “Bakit po ninyo itinatanong sa akin ang mga bagay na ito, Nanay Amy? Hindi po ba ay may boyfriend si Jake?” balik na pagtatanong ko sa kaniya.

 

Marahan naman itong bumitaw sa kaniyang pagkakahawak sa aking kamay at na-upo sa isa sa mga upuang narito sa park. Nang makaupo na ito, nakita kong napabuntong-hininga si Nanay Amy bago ito muling magsalita. “Oo, pero nararamdaman ko kay Jake na hindi kasing tindi ng pagmamahal niya sa iyo – ang pagmamahal na mayroon siya para kay Lester.

 

“Maaari nating sabihin na mayroon nga siyang boyfriend. Pero, hindi ko talaga makita sa mga mata ng anak ko ang totoo at tunay na saya. Nakita ko lamang siya nang maging kayo noong nasa high school pa lamang. Doon ko kauna-unahang nakita ang totoong pagmamahal at kasiyahan ni Jake sa tuwing magkasama kayo.”

 

Sa mga sinabing iyon sa akin ni Nanay Amy, tila isa-isang bumabalik sa aking ala-ala ang nakalipas naming relasyon ni Jake noong nasa high school pa lamang kami. Kaya naman, hindi maiwasang magtanong sa kaniya, “’Nay Amy, ‘wag po ninyo masamain ang tanong ko,” saad ko. Nakita ko naman itong tumango sa akin kaya nagpatuloy ako sa aking sasabihin, “may pag-asa pa po ba kaming dalawa ni Jake na magkabalikan? Mahala pa rin po ba ako ni Jake tulad ng pagmamahal niya sa akin noon?”

 

“Oo, mahal na mahal ka pa ng anak ko. Balang araw, muli ninyong makakapiling ang bawat isa. At sa araw na iyon, huwag na huwag ninyong pakakawalan ang isa’t-isa anuman ang unos na dumating sa inyong relasyon at tiyak kong malalampasan ninyo iyon ng magkasama.”

 

“Vincent!” napabalik na lamang ako sa aking ulirat at reyalidad nang isang malakas na boses ng babae ang tumawag sa akin. Agad akong napapunas sa mga bakas ng aking luha sa magkabila kong pisgngi bago ako humarap sa taong tumawag sa akin. “Bakit naman ganun, Vincent? Akala ko ba—”

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon