Chapter 32: Vincent

50 13 0
                                    

“How’s the development of our proposals, Ms. Ybañzez?” tanong ko sa babaeng nasa aking harapan. Nang tignan ko ito, tanging pagtitig lamang ang ginagawa nito sa akin.

Napakunot-noo naman ako dahil sa pagtitig na kaniyang ginagawa sa akin. Kaya naman muli akong nagwika rito, na siyang ikinagulat nito. “Ms. Ybañez, you okay? You look so messy today. Are you really okay?” sunod-sunod na tanong ko rito.

Agad itong napatingin sa akin na tila parang nakakita ng multo, “Sir, sorry. Hindi lang po ako nakatulog kagabi. Pasensya na po,” magalang nitong paghingi sa akin ng paumanhin.

Tanging pagtango lamang ang aking naisagot sa kaniya. Bago ako magwika, humugot muna ako ng isang malalim na buntong-hininga, “May I know the reason kung bakit ka puyat ngayon? Saka, nasa oras ka ng trabaho mo, wala ka sa sarili.”

“Sir, sorry na nga po, e…” napakamot naman ito sa kaniyang ulo dahilan upang mapahinto siya sa kaniyang sasabihin, “… si Jake kasi. Siya yong dahilan kung bakit ako puyat at wala sa sarili,” pagpapatuloy nito.

Agad naman akong nagtaka at napa-isip sa sinabing iyon sa akin ni Elice. Muling pumasok sa aking isipan na ilang linggo na rin ang nakakaraan nang mailibing ang nanay ni Jake na si Nanay Amy. Ilang linggo na ring pilit lumalaban si Jake para lamang maibsan ang pangungulilang kaniyang nararamdaman.

At sa mga linggong iyon, ni hindi ako umalis sa tabi ni Jake. Palagi akong nasa kaniya, kung minsan ay naroon siya sa aming bahay; doon na kumakain, naliligo, at natutulog. Masaya rin ako kahit na naroon siya, nalilibang siya sa anak kong si Cheska. Na talaga namang kasundong-kasundo niya. Tila para silang mag-amang dalawa kung titignan.

“Anyways, sir…” agad akong napabalik sa aking ulirat nang marinig ko ang boses ni Elice na nagsalita, “according to our team, so far, maayos ang itinatakbo ng proposals. Maganda raw ang development ng mga iyon.” Saad nito sa akin.

Napatango na lamang ako habang nakahawak sa aking baba at marahan na tumatango rito. “Siya nga pala,” huminto ako sa aking pagsasalita at marahan na tumingin kay Elice, “kumusta na si Jake? Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita na dalawa,” tanong ko rito.

Agad namang nagmadali umupo sa aking harapang bangkuan si Elice, at doon, ito ay tumingin sa akin na animo’y nag-iimbestiga. “Nag-aalala ka po ba sa kaibigan ko, Sir Vincent?” nanunuyang pagsasalita nito sa akin, “don’t you worry, sir. Nasa mabuti siyang kamay. Kaso…”

Agad na pinutol ni Elice ang kaniyang sasabihin na siyang naging dahilan ko upang mag-alala at mag-isip. “Kaso, ano? May nangyari ba kay Jake, Elice? Tell me.” Sunod-sunod na pagtatanong ko rito.

Nang makita ko ang kaniyang ekspresyon na kanina lamang ay nang-iinis, ngayon ay tila ito’y nawalan ng sigla. Hindi rin nakaligtas sa akin ang paghawak niya sa kaniyang mga kamay, nahinuha ko ang isang bagay. May kung ano kay Elice na tila pumipigil na may sabihin ito sa akin.

Kaya naman, wala na akong nagawa kundi ang gamitin ang posisyon ko at ang awtoridad ko upang malaman ang itinatago sa akin ni Elice. Ito lamang ang nakikita kong paraan upang malaman kung bakit naging ganito ang kaniyang reaksyon.

Tumayo muna ako bago ako nagsalita kay Elice, hindi man maganda ang naisip kong paraan, ngunit ito lamang ang alam ko para magsalita siya. “As your boss, I would like to ask how’s Jake and what happened to him? Is there something happened? Speak up, Elice. I need to know what happened to my boyfriend.”

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon