Chapter 37: Leona

11 0 0
                                    

Habang abala ako sa aking pagluluto para sa kakainin ko mamayang hapunan. Tatlong magkakasunod na pagkatok ang aking narinig mula sa labas ng aking bahay. Agad kong inilapag ang sandok na aking hawak at mabilis na nagtungo sa pintuan.

 

“Sino ‘yan? Sandaling lang,” pagsasalita ko habang papalapit sa pinto, “Oh?! Lester, lasing na lasing ka. Ano bang nangyari sa iyo?” tanong ko sa kaniya. Wala akong sagot na nakuha mula rito. Kaya naman, agad ko itong inakaya at dahan-dahan naming tinungo ang sala ng aking bahay. Upang doon muna siya makaupo.

 

Nang makaupo na kami, agad akong tumayo upang patayin ang kalan upang hindi masayang ang aking niluluto. Matapos kong mapatay iyon, agad akong nagpunta kay Lester na may dalang bimpo at may maliit na palanggana upang linisan ito.

 

“Jake… why did you do this to me? Minahal kita nang higit pa sa buhay ko. Sinubak kong paligayahin ka sa abot ng makakaya ko. Pero, bakit hindi mo pinapansin ang effort ko? Bakit pakiramdam ko ay balewala sa iyo ang lahat ng iyon?”

 

Sa mga narinig kong iyon mula kay Lester. Alam ko na ang rason kung bakit ito lasing na lasing. Si Jake. Siya ang dahilan kung bakit nagkakaganito si Lester ngayon. Siya ang dahilan kung bakit nasasaktan ang taong mahalaga sa akin.

 

Noon, gustong-gusto ko na maging kami. High school pa lamang hanggang sa magcollege kami. Siya lamang ang lalaking minahal ko noon hanggang ngayon. Maraming lalaki ang nagpaparamdam sa akin. Ngunit ni isa sa kanila ang nagpaparamdam n kakaibang saya tulad ng kay Lester.

 

Nang malaman kong may pinipormahan ito, halos gumunaw ang mundo ko. Hindi ko matanggap na may ibang tao na siyang minamahal. Ang buo kong akala ay para sa akin iyon kung bakit lagi siyang nag-aayos. Ngunit hindi pala ang ako ang dahilan noon. Lagi siyang masaya, at palagi ting kinikilig kapag magkasama kami.

 

Pero, laking gulat ko nang malaman ko ang taong kinokortihan ni Lester. Isang lalaki. Isang lalaki ang nagpapasaya sa kaniya. Isang lalaki ang nakabihag sa puso ng lalaking mahal ko. Nang mga sandaling iyon, masakit man sa akin. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang katotohanang iyon. Tanging pagsuporta na lamang ang magagawa ko para sa taong mahal ko.

 

“Lester… ano bang problema? Bakit lasing na lasing ka ngayon? Please, tell me. Baka may maitutulong ako sa iyo.” Hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding awa sa kaniya. Nagsimula na rin akong mag-alala dahil isa-isa nang nag-uunahan ang pagtulo ng kaniyang luha.

 

“I thought I was good enough. I thought he loved me so much. I thought I was important to him. But, in the end, I was the one who give the love to our relationship,” tumingin ito sa akin at naramdaman ko ang malamig niyan palad na nakahawak na sa aking mukha, “bakit hindi niya ako magawang mahalin? ‘Yong talagang ako? ‘Yong wala si Vincent. ‘Yong talagang ako, as Lester. Bakit hindi na lang ako.”

 

Awtomatikong unarko ang dalawa kong kaay sa kaniyang likod. Habang mahigpit akong naka-akap sa kaniya marahan kong hinihimas ang kaniyang likod upang mapakalma ito. “Everything will be fine, Lester.” Wika ko.

 

“Until when? Kapag napagod na ako? Kapag nakita kong tuluyan na siyang masata sa ibang tao?” balik na tanong nito sa akin. Hindi ako sumagot sa tanong niya. Bagkus, patuloy lamang ako sa pagpapakalma sa kaniya.

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon