Chapter 53: Bianca

7 0 0
                                    

Walang mapagsidlan ang tuwa na aking nararamdaman sa mga sandaling ito. Tila daig ko pa ang nanalo sa lotto dahil sa aking nakuhang alas. Hindi ko alam, pero natutuwa ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak sa takot mula sa akin. Natutuwa ako kapag nakikita ko siyang nangangatog na halos ma-ihi sa kaba at takot sa akin.

Sa wakas, isa-isa ko nang magagawa ang mga plano ko. At dahil sa batang ito, sigurado akong mapapasa akin na si Vincent – ang taong mahal na mahal ko. At si Jake, unti-unti ko na siyang aalisin sa buhay at pagmamahal ni Vincent. At lahat ng iyon, papalitan ko ng mga bagong alala.

I will make him happy. I will give him him a child that Jake doesn’t give. We will make a decent and happy family that has a mother and a father. A family where accept and decent in the society. I will eliminate every single detail of Jake from Vincent. I will make sure of it.

“You look so happy today, Bianca?” napabalik na lamang ako sa aking ulirat nang marinig kong magsalita si Dennis mula sa aking gilid, “it seems that your plans are still in the lines. Kaunti na lang, makukuha mo na si Vincent. Edi, matatapos na ang problema mo.” Napatingin ako sa kaniyang sinabi sa akin.

“I am hoping that, Dennis,” wika ko. Umupo ako sa tabi ng natutulog na si Cheska at marahan kong hinimas ang maamo nitong mukha, “kawawa naman itong batang ‘to. Nakatulog na sa kaniyang kakaiyak. And sooner, I’ll be her new mom.” Pagpapatuloy ko.

Narinig ko namang natawa si Dennis sa aking sinabi kaya naman agad itong nagsalita sa akin. “She wouldn’t accept you as her new mom. Noon pa lang, ayaw na sa iyo ng batang iyan. Lalo na ngayon, sa ginawa mo sa kaniya. She will really mad at you.”

Napataas naman ang aking kilay sa mga sinabing iyon sa akin ni Dennis. Marahan kong inalis ang aking kamay sa mukha ni Cheska at tahimik ko na lamang itong pinagmasdan habang mahimbing pa rin sa kaniyang pagtulog.

“I see. Tama ka naman d’yan sa sinabi mo, Dennis. Noon pa lang, ayaw na sa akin ng batang ito. Girlfriend pa lang ako ni Vincent, pero lagi na siyang umaayaw sa akin. Paano ko ba magagawang baguhin ang image ko sa batang ito? For sure, mas lalo siyang magagalit sa akin dahil sa ginawa ko.”

“So, ano na? Ano na ang magiging new plan mo once you eliminated that Jake. You can’t even hurt that child of Vincent. Alalahanin mo, mas mahalaga at mas mahal niya ang batang iyan kumpara sa iyo, Bianca. You should’ve make your plan carefully this time.”

Sa sinabing iyon sa akin ni Dennis, agad akong napa-isip sa mga puwede kong maging hakbang oras na makuha ko si Vincent mula kay Jake. Iniisip ko rin kung sa paanong paraan ko magagawang mapa-amo ang batang si Cheska sa akin. Dahil kay Jake, mas lalong naging malapit ang loob ng bata sa kaniya.

At iyong bagay na ‘yon ang hindi ko magawa kaya iniwan ako ni Vincent. Sabay kaming napatingin ni Dennis nang unti-unting gumalaw mula sa kaniyang pagkakatulog si Cheska. Agad naman kaming nagkatinginang dalawa nang makita naming itong nakadilat na.

“Nasaan po ako? Anong lugar po ito? Saan po ninyo ako dinala, Tita Bianca? Papa! Daddy!” kasunod ng pagdilat ng kaniyang mga mata ang agad nitong pagsasalita at pag-iyak dahil sa kaniyang paghahanap sa Daddy Vincent niya. “Papa Jake! Tulungan ninyo po ako!”

Nang marinig ko ang huling sinabi ng bata. Agad na nang-init ang aking ulo dahil sa kaniyang sinabi. Mabilis akong naglakad palapit sa kaniya at mariin kong hinawakan ang kaniyang baba. “Wala rito ang Papa Jake mo! Kaya puwede tumahimik ka dahil naririndi ako sa ingay at pag-iyak mong bata ka!”

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon