Ilang araw na rin ang nakalipas nang matanggap ako sa bago kong trabaho sa kumpanya ni Vincent. Dahil sa kaibigan kong si Elice, nakakuha at nakahanap ako ng bagong pagkakaabalahan—nang dahil rin sa kaibigan ko, hindi ko akalain na siya ang naging tulay upang muli naming makita ni Vincent ang isa’t isa.
Ang bagay na ito ay hindi ko pa nasasabi sa aking mga kaibigan na sina Elice at Francis. Alam ko na ang mga magiging reaksyon nila oras na sabihin ko ang bagay na ito sa kabilang dalawa. Kaya nga lang, dagdag lungkot sa akin ang pag-alis ng aking ina.
Noong nakaraang linggo, nagpaalam sa akin ang inay na uuwi siya ng probinsya para makita at mabisita ang kaniyang kapatid roon. Nais ko sa nang sumama, ngunit tumanggi ang aking ina dahil baka makaistorbo raw siya sa akin.
Ilang araw pa lamang siyang nawawala, ngunit parang ang tagal niya nang wala sa aking tabi. Habang nakatayo ako sa labas ng aming bahay, hawak ang ilang gamit na dadalhin ng akin ina pauwas ng Maynila. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na malungkot at maiyak. Muli na namang mawawalay ang aking ina sa ‘king tabi.
Alam ko na hindi naman siya magtatagal roon. Ngunit, hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili na makaramdam ng lungkot sa tuwing naiisip na aalis siya sa aking tabi. “Nay, sigurado ka po ba na ayaw ninyo akong sumama?” Tanong ko. Napahinto naman ito sa kaniyang ginagawa.
Marahan niyang kinuha ang dala-dala kong bag at tsaka niya iyon ipinatong sa maletang nasa kaniyang tabi. “Jake, ayos lamang ako. Kaya ko ang sarili ko. Tsaka ‘di ba magsisimula ka na sa bago mong trabaho?” Balik na tanong sa aking ina.
Agad kong inakap ang aking ina ng sobrang higpit. Hindi ko alam pero parang ayaw siyang pakawalan ng puso ko sa ginagawa kong pagyakap sa kaniya. “Nay, mami-miss kita ng sobra. Iisipin ko pa lamang na hindi kita makikita ng ilang araw. Parang nadudurog na ang puso ko.”
Marahan namang pinisip ng aking ina ang aking kaliwang pisngi. Dahil doon, bahagyang nawala ang pangambang aking nararamdaman. “Anong sabi ko? Hinding-hindi kita iiwanan. Lagi lang akong nasa tabi ng pinakamamahal kong anak,” huminto ito sa kaniyang pagsasalita.
At nagulat na lamang ako ng bigla na lamang ako nitong hinalikan sa akin noo. “Siya nga pala, sino ba ang bago mong boss? Mabait ba siya? Magpatulong ka na lamang kay Elice sa bago mong trabaho at kumpanya, ha? Nu’ng sa ganun, hindi ka masyadong mahirapan at mapagalitan.”
Nang marinig kong ang tanong niyang iyon. Nawala ang ngiti sa aking labi. “Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa iyo ang bagay na ito, nay. Miski ako nagulat sa nalaman ko. Ang bagong boss ko at ang kumpanya kung saan ako magtatrabaho ngayon—ay pagmamay-ari ni Vincent. At siya rin ang bago kong boss.”
Tulad ng aking inaasahan. Hindi na nagulat pa ang aking ina ng ipagtapat ko sa kaniya ang bagay na iyon. “Tignan mo nga naman ang tadhana. Mapaglaro talaga,” natatawang saad ng aking ina. “Wala na akong dapat pang sabihin sa iyo, Jake. Ikaw na lamang ang makakasagot sa tanong ng puso mo.”
Matapos iyon, bigla ko na lamang naramdaman ang pagyakap sa akin ng aking ina. “Jake, aalis na ako. Ang gusto ko lamang ay lagi kang mag-iingat sa lahat ng oras. Huwag magpapalipas ng gutom. Alagaan mo ang sarili mo dahil wala ako sa tabi mo para gawin iyon, ha? O, siya sige. Aalis na ako.”
Hindi na ako nakapagsalita pa ng agad nang tumalikod ang aking ina. Bitbit ang mga bag na kaniyang dala, mabilis rin itong nakasakay ng tricycle na siyang maghahatid sa aking ina sa terminal ng bus. Habanh patuloy sa paglayo ang sinasakyang tricycle ng aking ina, hindi ko maiwasang sabihin ang mga bagay na ito, “Nawa’y maging maayos ang lahat, 'nay.”
“Jake, you alright? Is there something wrong happened to you?” Dinig kong sunod-sunod na pagtatanong ng isang boses na nagmumula sa aking likuran. Nang lingunin ko ito, isang tao ang hindi ko inaasahang makita.
“Y-yeah! I’m alright.” Saad ko. Dahil sa ginawa niya, agad nanumbalik ang aking ulirat sa katinuan. “What can I do for you, Mr. Tolentino? Sorry for being such a stupid. It’s just that, I didn’t noticed you.” Nag-aalangan kong paghingi ng tawad sa kaniya.
“No, it’’s okay then,” nakita ko naman na may inilapag ito sa aking working table. Mga dokumentong sa tingin ko ay importante. “Jake, please, help me with this. Pagawa naman nito dahil sobrang importante lang ng mga documents na ito. Will you help me?”
Napakunot-noo naman ako ng pakiramdam ko ay siya pa ang nakikusap sa akin na tulungan siya. “Mr. Tolentino, ikaw ho ang boss. Kahit tumanggi ako o hindi, wala akong karapatan na tanggihan ang request ninyo.”
Napakamot naman siya sa kaniyang ulo na sinamahan niya pa ng ngiting nakakaasar. “Okay. Thank you. I will treat you a dinner date later.” Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Kaya naman, agad akong napatingin sa mga taong katabi ko baka narinig nila ang sinabi ni Vincent sa akin.
Matapos niyang sabihin iyon ay agad rin siyang umalis. Hindi na ako nakapagsalita ng bigla na lamang siyang nawala sa aking paningin. Napabuntong-hininga na lamang ako sa naging kilos ng lalaking iyon. Kahit kailan talaga.
“Hi! Ikaw pala si Jake. ‘Yong bago rito sa department namin. By the way, ako nga pala si Karyle. Medyo bago-bago lang ako rito.” Nagulat naman ako ng may taong biglang nagsalita mula sa aking gilid. Agad naman akong napatingin sa gawing iyon at tumambad sa akin ang isang magandang babae.
Napangiti naman ako ng parang naiilang sa kaniya. “Hello, ako nga pala si Jake. Bago lang rin dito.” Saad ko nang nauutal sa kaniya. Nakita ko namang ngumiti ito sa akin pabalik.
“Siya nga pala, kumusta ka naman? I mean, ‘yong buhay mo? Kung hindi ka ba sinungitan ni Mr. Tolentino noong inintervie ka niya?” Sa naging tanong na iyon sa akin ni Karyle. Agad na napakunot-noo ako.
“Bakit naman?” Balik kong tanong sa kaniya. “Ito kasi ang usap-usapan rito. Masuwerte pa nga ako dahil hindi ako natapat sa kaniya noon. Pero, ito na nga. Ang sabi nila, sobrang sama raw ng ugali ni Mr. Tolentino. Dahilan daw noon ay ‘yong pagkamatay ng kaniyang asawa.”
Nananatili pa rin akong walang kibo at naghihintay sa mga susunod na sasabihin ni Karyle. Kinuha ko na rin ang pagkakataon na ito upang malaman kung may katotohanan nga ang nababalitaan kong iyon. Nabanggi na rin ito sa akin ni Elice noong minsa’y nagkausap kaming dalawa.
“Masama ang ugali ni Mr. Tolentino. Minsan, pahihirapan ka niya lalo’t ‘yan ay baguhan ka lang. Plus, isama mo iyong impakta niyang fianceè. Pakiramdam ko nga nagmula iyon sa impyerno dahil sa sobrang kasamaan ng pag-uugali.”
“Bakit mo naman nasabi ang mga bagay na iyan?” Hindi ko pa naman lubos na kilala ang taong tinutukoy niya. Ngunit, mababakas roon ang matinding inis at galit sa boses ni Karyle. Isang beses ko pa lamang itong nakita, noong nag-usap kaming dalawa ni Vincent. Hindi ko akalain na siya pala ang fianceè ng taong iyon.
“Paanong hindi namin masasabi an mga bagay na iyon? Tunay nga talaga na wala ka pang alam sa mga nangyayari dito sa loob ng building na ito,” Kapwa kami napalingon ni Karyle ng may isang ‘di pamilyar na boses ang nagsalita mula sa kabilang mesa.
Akmang magsasalita na sana si Karyle nang bigla itong nagsalita. Dahil sa kaniyang ginawa, agad na napahinto si Karyle sa balak niyang sasabihin at napatingin na lamang ito sa akin.
“By the way, ako pala si Zammy. Nice to meet you, Jake. The longer you stay here, the more things you’ll get to (know). Kaya ang maipapayo ko sa ‘yo, huwag lang susunod sa kahit na anong sabihin niya. She’s not our boss here so that, she has nothing to do with us. Kahit siya pa ang fianceè ni Mr. Tolentino…”
Naputol ang pagkukuwento ni Zammy sa amin ni Karyl. Nang may isang boses babbae ang bigla na lamang nagsalita mula sa likurang bahagi namin. Narinig kong bumulong si Zammy, sapat na ang lakat na iyon upang aking marinig, “Speaking of the devil.”
“Oras ng trabaho ngayon hindi ba? Bakit parang nalilibang yata kayong tatlo sa ginagawa ninyong pag-uusap? Mas importante ba ‘yan kaysa sa sasahurin ninyo?”
BINABASA MO ANG
Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]
RomanceMatagal na nagkahiwalay sina Vincent at Jake. Simula ng magdesisyon ang mga magulang ni Vincent na ilipat ito ng paaralan. Dahil sa nangyaring paglipat, naiwan na mag-isa si Jake sa paaralan na kung saan noo'y sabay pa silang pumapasok at umuuwi. S...