Chapter 63: Jake

10 1 0
                                    

Matapos naming magkuwentuhang dalawa ni Elice kagabi, kapwa na kami natulog at nagpahinga na dalawa. Nitong kaninang umaga lamang, nauna nang umalis sa akin si Elice para sa trabaho. Nagsabi naman ako sa kaniya na magha-halfday lamang ako dahil nais kong bisitahin sa hospital si Lester at si Leona. Nang makarating na ako ng hospital, hindi ko naabutan si Leona roon.

Tanging ang kaibigan ko lamang na si Francis ang naroon na tahimik na nagbabantay kay Lester, habang si Leona naman raw ay umuwi upang magpahinga at kumuha ng damit niya. Naikuwento rin sa akin ni Francis na makalipas ang halos tatlong linggo nilang pananatili sa hospital, ay hindi pa rin daw nagawang gumising o magpakita ng senyales na may malay na ito mula sa kaniyang pagkaka-coma.

Nang marinig ko ang sinabi niyang iyon, agad na nawala ang ngiti at saya sa aking labi at agad iyong napalitan ng lungkot. Dahil doon, muli kong naramdaman ang guilt sa aking dibdib. Dahil sa akin, kaya narito si Lester at hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay. Ngunit, agad ring naglandas sa aking isip na maaari kong maiganti si Lester kay Bianca. Lalo pa ngayon at may hawak na kaming ebidensyang laban sa kaniya.

Matapos ang pananaliti ko roon ng halos dalawangpung minuto, agad rin akong nagpaalam kay Francis para pumunta naman ako sa bahay ni Vincent para bisitahin sina Cheska, Manang Dorry at Manong Ernie. Ngumiti lamang sa akin ang kaibigan at nagsabi ito na siya na lamang ang magbabantay pansamantala kay Lester habang hinihintay niya si Leona na makabalik.

Ngayon habang naglalakad ako papunta sa bahay ni Vincent. At nasa harapan na ako ng kaniyang bahay. Naabutan ko na bukas ang gate ng bahay, kaya naman dahan-dahan akong pumasok at naglakad papasok sa bahay. Nang maisarado ko ang gate ng maingat at walang ingay. Agad kong tinungo ko ang pintuan ng kanilang bahay, at habang naglalakad ako, ilang boses ang aking narinig na nagsisigawan at tila mayroon pang umiiyak.

Nang marinig ko ang mga boses at paghiyaw na iyon, mabilis akong naglakad para makita ang nangyayari sa loob ng bahay. Nang makapasok na ako roon, naabutan ko ang ginagawang kawalang-hiyaan ni Bianca sa dalawang matanda, habang ang batang si Cheska naman ay umiiyak sa isang sulok at tila may mga pasa ito sa kaniyang katawan. Nang makita ko iyon, agad akong naglakad palapit sa kaniya.

“Bianca!” habang naglalakad ako ay siya namang pagsigaw ko sa kaniyang pangalan upang mapigilan ko ang pag-akmang sampal nito sa dalawang matanda, “alam ba ni Vincent ang mga ginagawa mo sa anak niya? !At sa dalawang matanda na itinuring niyang mga magulang?! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!” hindi ko napigilan ang aking sarili na sigawan ito.

Nang makalapit ako sa kanila, agad kong nilapitan sina Manang Dorry at Manong Ernie. Marahan kong inalalayan si Manang Dorry na makatayo mula sa pagkakahiga nito sa sahig, habang si Manong Ernie naman ay mabilis na kinuha si Cheska at lumugar ang mga ito sa aking likuran. Hindi ko maiwasang mag-init dahil sa nakikita ko sa mga sandaling ito.

Mabilis na umakyat ang aking dugo sa aking ulo. At sa mga sandaling ito, nais kong bigyan ng isang malakas na suntok si Bianca sa kaniyang panga dahil sa ginagawa niyang pagmamalupit sa mga taong narito sa sariling bahay ni Vincent. Dahan-dahan kong inalalayan si Manang Dorry na makaupo sa sofa habang tahimik naman at marahang umiiyak si Cheska na sumunod sa akin.

Nang makaupo na sila roon. Narinig ko namang nagsalita si Bianca sa akin, nagulat na lamang ako ng mariin niyang hinawakan ang aking pulsuhan. Dahilan upang mabitawan ko sa aking pagkakahawak si Manang Dorry. “Ang kapal rin talaga ng mukha mo, Jake, ano? Hiwalay na kayo ni Vincent, pero ito ikaw, nakikialam pa rin. Ito ba ang itinuro sa iyo ng wala mong kuwentang namatay na Nanay Amy mo? Ang makialam sa buhay ng ibang tao?” sunod-sunod na pagtatanong nito sa akin.

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon