Chapter 10: Jake

69 27 0
                                    

“Ah, Jake?” Habang naglalakad kaming dalawa ni Lester. Narinig ko itong tinawag ako. Agad naman akong napatingin sa kaniya na may tingin na nagtatanong. “Salamat, at hindi ka na galit sa akin.” Pagpapatuloy nito.

Huminto naman ako sa paglalakad, agad rin naman itong napahinto at bahagyang humarap sa akin. Nananatiling magkahawak ang aming kamay. Bahagya ko iyong itinaas at marahan na hinawakan ng may sapat na higpit.

“Lester, ano ka ba? Tapos na ‘yon. Ayoko lamang na sa maliit na bagay, nagkakasira tayong dalawa. Ayokong palakihin ang mga bagay na hindi naman makakatulong sa relasyon nating dalawa.” Saad ko rito.

Nakita ko namang itong napangiti sa aking sinabi. Kaya naman, awtomatikong napangiti na rin ako sa kaniya. “Hindi talaga ako nagkamali na minahal kita. Salamat at nakilala kita, Jake.” Ani nito sa’kin.

“Hindi rin naman ako nagkamali sa ‘yo na bigyan ka ng pagkakataon para mahalin ako. Ngayong magkasama na tayong dalawa, hayaan mo na suklian ko ang pagmamahal na ibinibigay mo sa akin. Hayaan mo na iparamdam ko sa ‘yo iyon, Lester.”

“Jake, hindi naman importante sa akin ‘yan. Ang mahalaga, mahal natin ang isa’t isa. Hindi mo na kailangan pang patunayan ang sarili mo sa akin. Dahil sapat na ang puso mo, para maramdaman ko ang pagmamahal na inaalay mo sa akin.”

Matapos magsalita ni Lester, isang banayad at matamis na halik ang ginawa ni Lester sa aking labi. Kusang napapikit ang aking mga mata sa halik na iyon ni Lester. Para bang, lumulutang ako sa kalangitan dahil sa kakaibang pakiramdam dulot ng kaniyang halik.

Ilang segundo pa ang lumipas nang tuluyang bumitaw si Lester sa kaniyang paghalik sa aking labi. Nang magkatitigan kaming dalawa, may mga salita sa kaniyang mga mata na hindi ko mahinuha kung ano ang mga iyon.

“Jake, tara na? Palubog na ang araw. Mamaya na lamang natin ito ipagpatuloy, medyo nabitin rin ako.” Nang marinig ko ang sinabing iyon ni Lester, isang malakas na hampas ang aking nagawa sa kaniyang balikat. Narinig ko naman ang kaniyang pagdaing. Ngunit, hindi ko na lamang iyon pinansin.

“Ano, isa pa? Sa kabila naman, gusto mo?” Akmang hahampasin ko pa ang kabilang balikat nito nang agad siyang humakbang palayo sa akin. “Masyado ka kasi, e. Ang hilig-hilig mong lalaki ka.” Dagdag ko.

“Bakit? Gustong-gusto mo naman, ha? Halos magmakaawa ka nga dahil sa kakaibang sarap na nararamdaman mo kapag ginagawa natin ‘yon. ‘Wag kang magsinungaling, Jake!” Naestatwa ako sa sinabing iyon ni Lester sa akin.

Hindi ko akalain na magagawa niyang sabihin ang mga iyon sa publiko. Agad akong napatingin sa aming paligid. Nang wala akong nakitang tao, awtomatikong lumipat ang aking mga mata kay Lester.

“Tsk! Ewan sa ‘yo,” napaikot na lamang ako ng aking paningin sa lalaking kasalukuyang nakangiti pa rin sa aking harapan. Ilang hakbang pa ang aking nagawa nang bigla na lamang akong napahinto. “Hindi ka sa kuwarto ko matutulog. Doon ka sa sala namin.” Matapos kong sabihin iyon ay agad na rin akong naglakad.

Hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sasabihin. At habang naglalakad ako ng mabilis, ramdam ko sa aking likuran na mabilis ring naglalakad si Lester upang habulin ako. “Jake, sandali lang naman! Hindi ka naman mabiro.” Sigaw nito.

Imbes na huminto ako sa aking paglalakad at bigyan iyon ng pansin, mas minabuti ko na lamang na ipagpatuloy ang aking paglalakad. Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang naririnig ko ang pagsigaw ni Lester mula sa aking likuran.

Ilang minuto pa ang lumipas, nang marating na namin ng tuluyan ang aming bahay. Kapwa kami hingal at pagod na dalawa dahil sa pagtakbo’t lakad na aming ginawa. Akmang bubuksan ko na ang aming gate, nang bigla na lamang nagbukas ang aming pinto at lumabas roon ang aking Ina.

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon