Chapter 15: Jake

54 21 0
                                    

“Ano bang ginagawa natin sa magarang lugar na ‘to? Tsaka sino ba ‘yang batang iyan?” Sunod-sunod na pagtatanong sa akin ni Elice habang patuloy kami sa paglalakad na tatlo. Hindi ko alam na darating si Elice at pupuntahan niya pala ako sa aming bahay ngayon araw.

Kaysa naman paghintayin ko siya, isinama ko na lamang muna siya sa paghatid sa batang si Cheska sa kanilang bahay. “Ssshhh! Ano ka ba, Elice? ‘Wag ka ngang maingay,” pagsaway ko sa aking kaibigan. “Kailangan nating ihatid si Cheska sa kanilang bahay. Alam ko naman na sobra nang nag-aalala ang kaniyang mga magulang.” Pagpapatuloy ko.

“Teka!” Napahinto ako sa aming paglalakad ng bigla na lamang akong pigilan ni Elice. “Paano mo nga ba nakuha ang batang iyan? Tsaka, bakit sa inyo natulog?” Taka nitong tanong sa akin.

Napahinga naman ako ng malalim sa mga naging katanungan nito sa akin. Base sa ekspresyong nakikita ko sa kaniya, halatang hindi niya talaga alam ang ibig kong ipahiwatig.

“As if naman na pababayaan ko ang bata sa gitna ng gabi? Maraming sira ang ulo, baka kapag pinabayaan ko ang bata sa kalsada. Baka kung ano ang mangyari sa kaniya.”

“That’s it! You don’t even know that kid. Baka mamaya her parents are killers or something that might hurt or harm you. Hindi natin kilala ang batang iyan.” Pagpilit nito sa akin.

Napa-iling na lamang ako sa naging punto niya. “Elice, she’s still a kid. Kahit na anong rason pa, hindi ko puwedeng pabayaan iyan. Tsaka, ang kuwento niya sa akin. Kaya raw siya lumayas sa kanila ay hindi niya raw gusto ang pakakasalan ng papa niya.”

“Dahil lang doon?! Jusko! Layasera pala ang batang ito.” Pilit ko mang itago, ngunit hindi ko napigilan ang aking pagngisi sa sinabing iyon ni Elice. “Well, baka sinasaktan siya or what.” Umiling na lamang ako sa kaniya.

Ilang sandali pa, narating na rin namin ang tirahan ng batang si Cheska. Medyo malayo ang kanilang bahay. At habang naglalakad kami sa isang magarang subdivision, hindi ko maiwasang humanga sa magagarang bahay na aming nadadaanan.

Ang gaganda. Parang naglalakad ako sa isang exclusive subdivision na animo’y hindi ako puwedeng umapak. Ilang segundo pa ang lumipas, narinig kong may itinuro si Cheska sa amin ‘di kalayuan sa aming kinatatayuan.

“Ayon na po ‘yong bahay namin, Tito Jake!” Agad naman kaming napatingin ni Elice sa itinurong iyon sa amin ni Cheska. Nang makita ko ang bahay na iyon, napanga-nga ako sa ganda ng kanilang bahay. “Tito Jake, gusto mo po bang pumasok sa bahay namin?”

“A-ayos lang ba…?” Utal kong tanong pabalik sa bata. Nakita ko namang itong ngumiti at tumango sa akin. Kaya naman agad nang naunang naglakad sa amin si Cheska at agad rin nitong pinindot ang doorbell ng kanilang bahay.

“Ayan, Tito Jake, palabas na po si Manang Dory. Wait lang po, ah?” Bakas sa kaniyang labi ang tuwa at excitement sa pag-uwi sa kanilang bahay.

Ngunit, tama ba ang narinig kong sinabi niya, ‘Manag Dory’ hindi ako maaaring magkamali. Siya iyong kasamabahay nila Vincent at ang mismong nagpalaki sa kaniya.

Nagulat na lamang ako ng bigla akong tinapik ni Cheska sa aking kamay. Agad naman akong napatingin sa bata at nang tignan ko ito, agad na itinuro ang taong nasa aming harapan.

“Ano ka ba, apo? Masyo mo kaming pinag-alala ng husto. Saan ka ba nagpunta? Halos buong gabi ka naming hinahanap. Ano ba ang naisipan mong bata ka at naglayas ka?” Sunod-sunod na pagtatanong ng matandang babae sa batang si Cheska.

Hindi ko naman ito masisisi. Dahil kahit ako ay natakot sa ginawang iyon ni Cheska. Ngunit, may sapat na rason ang bata kaya niya iyon nagawa. Pero, hindi ko pa rin maiaalis sa matanda ang matindi nitong pag-aalala.

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon