“Bakit hindi ko man lang nagawang maisip ang bagay na iyon? Hindi ko man lang nagawang maisip na baka si Bianca ang nasa likod ng insidenteng iyon? I was blind then, I thought Bianca was good enough and true. Pero, lahatpala ng iyon ay hindi totoo at pawang pakitang tao lamang sa aking harapan.” Wika ni Vincent sa akin.
Napahinga ako ng malalim bago ako nagsalita sa kanilang harapan at marahan akong tumingin kay Vincent, “Maging ako, hindi ko rin inaasahan na magagawa iyon ng sarili kong pinsan sa akin. It was a big surprised na siya pala ang nasa likodng aksidente ko,” hindi ko maiwasang mapa-iling nang mapahinto ako sa aking pagsasalita, “of all people, siya pa talaga ang mangta-traydor sa akin, na sarili ko pang kadugo.”
“Vincent,” matapos kong magsalita, napatingin ako sa babaeng nasa tabi ngayon ni Vincent nang tawagin niya ito, “noong araw na nai-kuwento mo sa akin ang aksidenteng iyon. Agad na pumasok sa isipan ko na baka sadya ang bagay na iyon. At hindi nga ako nagkamali, may tao ngang gumawa nu’n at ’yon si Bianca. Umpisa pa lamang, iba na ang pakiramdam ko sa babaeng ‘yon.” Pagpapatuloy ng babae na nagngangalang Elice.
Bakas sa bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig ang matinding gigil at galit, marahil ay sa ginawa ng aking pinsan sa kaibigan niyang si Jake. Nang akmang magsasalita si Vincent, agad akong nagwika. Dahil pakiramdam ko ay responsible ako sa Bianca kay Jake. “Elice, right? Ako na ang humihingi ng paumanhin sa lahat ng nagawa ng pinsan ko sa inyo, lalo na kay Jake.
“I know that Jake have suffered so much. And I felt like I am responsible for what my cousin, Bianca, did to you guys. Kaya ako na ang humihingi ng despensa sa lahat-lahat ng damages na nagawa niya sa inyo.” Mahabang paglintanyako sa kanilang lahat. Matapos kong magsalita, naramdaman ko ang pagtapik ni Vincent sa aking balikat.
Dahil sa ginawa niyang iyon, agad akong napatingin sa kaniya at tanging pagtango lamang ang ginawa noya sa akin bago ito nagsalita. “Eunice, kung ano man angginawa ni Bianca sa akin, kay Cheska, kay Jake, o maging sa aming lahat. Labas ka rito. Wala kang dapat ikahingi mg tawad sa amin. Dahil maging ikaw, ay naging biktima ka rin niya—na halos patayin ka na niya sa ginawa niya sa iyo. Eunice, ‘wag mo nang gagawin ulit iyon.”
“But, I just can’t ignore it, Vincent. Ako ang mas nahihiya sa ginawa ni Bianca sa inyo. Because of her, nasa loob ngayon ng operating room si Jake. Because of her, traumatized ang anak ko. Because of her, she ruined Dennis’ life. Because of her, muntik na akong mamatay. And I can’t let her escape! Sisiguraduhin ko na pagbabayaran niya ang lahat ng ginawa sa akin, at sa inyo.”
“Maiba ako, Eunice,” sabay-sabay kaming napatingin kay Albert nang magsalita ito, “since, nai-kuwento mo sa amin kung paano ka nakaligtas sa aksidenteng iyon. Kumusta naman ang buhay mo nitong mga nakaraang mga taon? Bakit ngayon ka lamang nagpakita kina Vincent at Cheska? Bakit hindi pa noon?” sunod-sunod na pagtatanong sa akin ni Albert.
Sa mga narinig kong iyon mula sa kaniya, agad akong napayuko sa kanilang lahat bago ako nagsalita at sagutin ang mga katanungang iyon sa akin ni Albert. “Albert, hindi naging madali ang buhay ko matapos ang aksidenteng iyon. Oo, nakaligtas nga ako, pero may mga pagsubok at problema pa rin akong pinagdaanan noon. Mahirap para sa akin ang lahat ng nangyarin sa mga nakalipas na taon. Naroon ‘yong halos mawala na ako sa aking sarili dahil gabi-gabi ay binabangungot ako ng pangyayari.
“Naroon ‘yong halos pati sarili ko ay saktan ko na dahil natatakot ako na balikan akong muli ni Bianca at gawin niya ulit sa akin ang ginawa niya noon. Mas lalong hindi naging madali ang buhay ko noong nakita ng dalawang mata ang paglisan ng dalawang taong na sila ang nagsilbi kong ikatlong pamilya. Sa bawat araw na nagdaraan, iniisip ko kung anong pagkakamali ang mga nagawa ko.
BINABASA MO ANG
Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]
RomanceMatagal na nagkahiwalay sina Vincent at Jake. Simula ng magdesisyon ang mga magulang ni Vincent na ilipat ito ng paaralan. Dahil sa nangyaring paglipat, naiwan na mag-isa si Jake sa paaralan na kung saan noo'y sabay pa silang pumapasok at umuuwi. S...