Matapos kong paalisin sina Bianca at Lester sa opisina nila Jake. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naalis sa akin ang galit na nagsisimulang mabuhay sa aking dibdib. Hindi ko rin maiwasang maikuyom ang aking mga kamao dahip sa nakikita kong ginagawang pagpapahiya sa boyfriend ko.
“This will be the last time na magkikita tayong dalawa, Bianca. At ito na rin ang huling beses mong makakatungtong sa kumpanya ko. Kung hindi, wala akong atubiling ipakulong ka.” May riin kong pagsasalita sa kaniya.
“Bitawan ninyo ako!” pagpupumiglas niya sa mga guard na nakahawak sa kaniyang braso. “Talaga, Vincent? Magagawa mo ‘yon sa akin. Ano ba ang pinakain sa iyo ng Jake na ‘yan, at bakit ka naging ganiyan?” pagpapatuloy niya.
Napalingon naman ako kay Jake na nasa aking gilid, mahigpit kong hinawakan ang kaniyang kamay saka ako nagpatuloy sa aking pagsasalita. “Wala, tangging pagmamahal niya lang ang ibinigay niya sa akin,” marahan kong ipinagdikot ang aming mga labi, habang nasa harapan kami nina Lester at Bianca, “kaya huwag kang magkakamaling ipahiya mo ulit si Jake. Kung hindi, ako na ang makakalaban mo.”
“Ang baboy ninyo! Mga imoral!” dalawang magkasunod na pagsigaw ang aming narinig ni Jake mula kay Bianca. Agad namang napayuko si Jake sa aking tabi, habang patuloy pa rin sa pagsasalita si Bianca. “Mga bakla! Vincent, hindi ka liligaya sa kaniya. He’ll never give the good and decent family – a child. He’ll never give the good satisfaction as I am. Think carefully, Vincent.”
“Hindi ko na dapat pang pag-isipan ang bagay na ito, Bianca. ‘Coz I’m already made my decision, in fact, we’re now officially as boyfriends. You heard it right, Jake has accepted my proposal.” Mahaba kong lintaya sa kaniya.
Bakas sa mukha ni Bianca at Lester ang inist at pagkabigla, ngunit alam ko na nakarating na rin ang balitang iyon sa kanila bago pa man ito nangyari.
“Jake, is it true? Totoo bang sinagot mo na si Vincent?” Pagkukumpira ni Lester kay Jake. Lumingon naman ako sa kaniya at napatingin ito sa aking mata. Tumango na lamang ako sa kaniya, senyales na pumapayag akong sabihin ang bagay na iyo sa kanila.
“Oo, Lester. Kami na ni Vincent,” pagsasalita ni Jake, “kaya sana, tumigil na kayong dalawa ni Bianca sa panggugulo ninyo sa akin – sa amin ni Vincent at sa mga taong naririto. Matuto kayong tumanggap ng reyalidad ng buhay.”
Ilang segundo lamang ang lumipas, hindi ko agad nakita ang mabilis na paglipat ni Bianca sa aming harapan. Nakita ko na lamang na sinampal ni Bianca ng malakas si Jake sa pisngi nito. Napahawak na lamang si Jake sa parteng iyon. Hindi ko magawang makapagsalita at makapagreact dahil sa mabilis na pangyayari.
“Ang lakas mong magsalita, hindi ka ba naging ganiyan?” galit na pagsasalita ni Bianca. Agad ko siyang hinawakan ng mahigpit sa braso, ngunit nagawa niyang tabigin ang aking kamay. “Huwag kang makikialam, Vincent,” wika nito habang nakatingin kay Jake, “wala kang karapatang magsalita, because in the first place, you were the one who ruined my relationship with Vincent. Dahil kung hindi ka naman dumating, masaya pa sana kaming dalawa – na nagsasama...
“…kaya ‘wag kang umasta na biktima ka sa sitwasyong ito. Sa ngayon, hahayaan kitang maging masaya at malaya. I will set you free for awhile. Pero, hindi pa rin ako titigil hangga’t hindi ko nababawi sa iyo si Vincent. Tandaan mo ‘yan, Jake.”
BINABASA MO ANG
Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]
RomanceMatagal na nagkahiwalay sina Vincent at Jake. Simula ng magdesisyon ang mga magulang ni Vincent na ilipat ito ng paaralan. Dahil sa nangyaring paglipat, naiwan na mag-isa si Jake sa paaralan na kung saan noo'y sabay pa silang pumapasok at umuuwi. S...