Chapter 62: Jake

7 1 0
                                    

Hindi ko maipaliwanang ang pagod na aking nararamdaman sa aking katawan. Hindi ko alam kung saan ito nanggaling; kung ito ba ay mula sa ginawa ko sa buong maghapon, kung ito ba ay resulta sa pakikipag-talastasan kay Bianca sa bawat araw na lumilipas. Pakiramdam ko ay unti-unti akong nauupos sa pagod na nararamdaman ko.

Wala sa aking loob na napalingon ako sa orasang nakasabit sa ding-ding ng aking kwarto. Nang makita ko ang oras, halos maghahating gabi na rin pala. Napalingon na lamang ako sa taong kasama ko sa aking kwarto nang magsalita ito sa akin. “Jake, parang pagod na pagod ka naman ata? Ano bang ginawa mo kanina sa office at bakit ka ganiyan ha?” sunod-sunod na pagtatanong sa akin ni Elice.

Napahinga na lamang ako ng malalim at bahagya akong tumango mula kay Elice bago ako nagsalita rito, “Ewan ko ba, Elice. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ngayon ang pakiramdam ko. Marahil ay sa sobrang daming gawain kanina sa opisina, idagdag mo pa ang pagmamaldita ni Bianca roon saka ‘yong mga walang katapusan niyang kagagahan.” Wika ko.

“Tama ka nga naman d’yan, kahit naman siguro sino mapapagod sa kaniya ano?” balik na tanong nito sa akin, “ano ba ang ginagawa sa iyo ni Bianca these past few days, Jake? If I kbow she tried to provoke you, isn’t it? She would be thankful dahil hindi ako ang nakakaharap niya, kung hindi, nako! Baka nakatikim na naman sa akin ng sampal de gulat ‘yon, e!”

Sa pagsasalitang iyon ni Elice sa akin, hindi ko mapigipan ang aking sarili na matawa sa kaniya. Kung tutuusin, siya ang mas matapang sa aming tatlong magka-kaibigan. Si Elice ‘yong tipo ng tao na hibdi niya hahayaan na matatapakan ang pagkatao at pride ng mga taong mahalaga sa kaniya. Isang malaking pagkakamali rin na gawin ang mga bagay na iyon sa kaniya dahil talagang lalaban ito sa kahit na sino man, mapa-babae man o mapa-lalaki.

Habang mahina akong tumatawa dahil sa sinabing iyon ni Elice, bahagya na lamang akong napa-iling sa kaniya at saka ako nagsalita, “Bes, ang laki talaga ng galit mo sa taong iyon ano? Ano ba ang ginawa niya sa iyo noon at bakit ganiyan na lamang ang galit at kulo ng dugo mo kay Bianca?” hindi ko maiwasang maitanong ang mga bagay na iyon sa kaniya, marahil ay dala na rin ng aking curiousity kung bakit ko natanong ang mga iyon sa kaniya.

Nakita ko namang tumigil ito sa ginagawa niyang pagskin care sa kaniyang mukha at mariin na tumingin sa akin. Sa ginawang iyon ni Elice, bahagya kong nahagip ang aking paghinga dahil sa kakaibang seryosong tingin sa akin ng aking kaibigan. “Bes, hindi mo ako masisisi sa bagay na iyan. Malaki talaga ang galit ko sa demoñitang ‘yan!” nakita ko namang napahinga ng malalim si Elice bago ito nagpatuloy sa kaniyang pagsasalita, “noong wala ka pa sa kumpanya ni Vincent. During those evil times, Vincent was then evil too. Masungit at strikto na tao.

“Siya ‘yong tipo na hinding-hindi mo gugustuhin na makita o makasalubong man lang sa hallway o sa kahit saang parte ng kumpanya. Bakit? Simple lang, dahil galit siya sa mundo noon. When it comes to Bianca, that witch. I don’t know what words do exactly fit in her to describe what she really was back then. Ang feeling niya kasi noon, kaniya ang buong kumpanya, isa ako sa mga sinaktan niya dahil sa pagmamataas na ginawa niya.”

Matapos kong marinig ang mahabang pagkukuwento sa akin ni Elice kung bakit sagad ba buto ang galit at inis nito kay Bianca. Doon pala nag-ugat ang kaniyang galit dahil sa mga ginawa ni Bianca sa kaniya from the past. Ngunit, hindi rin nakaligtas sa aking pandinig ang naging pakikitungo ni Vincent sa kaniyang mga empleyado noon. Hindi ko rin alam na magagawa iyon ni Vincent sa kanila, sa kaibigan ko.

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon