Ilang araw na kaming nakakulong rito ni Bianca. At sa bawat araw na nagdaraan, pakiramdam ko ay unti-unti akong nauupos rito sa loob ng selda. Simula noong araw na ipinasok ako rito, bawat arae akong nakakaranas ng iba’t-ibang klase ng bugbog mula sa mga kasama ko rito sa loob. Gusto ko na lamang mamatay sa tuwing ginagawa nila sa akin ang bagay na iyon.
Ngunit, agad ring pumasok sa aking ang paghihiganti ko kay Vincent oras na makalabas ako sa lugar na ito. Napabalik na lamang ako sa aking ulirat nang maramdaman ko ang bahagyang pagtapik sa akin ng isang lalaki na kasama ko rito sa selda. Napalingon naman ako sa kaniya at may kung ano itong iniabot sa akin.
Agad ko namang kinuha ang bagay na iyon at binuksan ang papel na kaniyang binigay sa akin. Nang makita ko ang isang tila lambat na pangkuskos, agad akong nagtanong sa kaniya, “Bryle, ano ito? Bakit mo ibinibigay sa akin ang lambat na ito?” sunod-sunod na pagtatanong ko sa kaniya.
“Ikaw ang gusto ni Boss Alvin na magkuskos ng kaniyang likod. Ayaw mo ba?” balik na tanong sa akin nito. Napa-iling naman ako sa sinabi niyang iyon sa akin, “gusto mo atang masaktan, Dennis, e? Ano? Lalaban ka na? Kaya mo na ba kaming lahat rito?” matapos niyang magtanong sa akin, isang malakas na suntok sa aking sikmura ang aking natanggap mula sa kaniya.
Dahil sa ginawang iyon sa akin ni Bryle, napaluhod ako habang nakahawak sa aking sikmura. Napa-ubo rin ako dahil pakiramdam ko ay sandaling huminto ang daanan ng hangin na siya namang nagpapasikip sa aking dibdib para makahinga ng maayos. Dahan-dahan akong nagtaas ng aking tingin, at nakita kong nakangisi lamang sa akin si Bryle habang pinagmamasdan ako.
Matapos iyon, marahan akong tumayo at naglakad papunta sa puwesto kung nasaan ang Boss Alvin. Nang kaharap ko na ito, isamg mariin na pagtitig ang kaniyang ginawa sa akin. Hindi agad ako umupo, bagkus ay hinintay ko na siya ang magpa-upo sa akin. Maya-maya ay narinig ko itong magsalita sa akin, “Sige ma, maupo ka na.”
Dahan-dahan naman akong naupo sa kaniyang harapan. Bago ako magpatuloy sa aking gagawin sa kaniya, maingat akong nagtanong kay Boss Alvin, “Ano po bang gagawin ko sa iyo, Boss Alvin? Wala kasi akong alam sa mga ganitong gawain. Totoo po ang sinasabi ko sa iyo. Talagang wala -alam-alam sa ganito.”
“Hindi kita pinapunta rito, para pagawain kita nang kung anu-ano. May gusto lamang akong itanong sa iyo,” tanong nito sa akin. Nakita ko naman na maingat akong tinitignan nito mula sa aking ulo hanggang sa aking paa. “Bakit ka napunta sa lugar na ito? Base kasi sa itsura mo, hindi ka gagawa ng kahit na anong kalokohan. Hindi ko talaga lubos maisip na sa ganda mong lalaki, at naririto lamang sa masikip at mabahong lugar tulad nito.”
Napayuko naman ako matapos niyang magsalita sa akin. Nang marinig ko ang mga sinabi ni Alvin sa akin, hindi ko maiwasang mapa-ngiti dahil sa mga sinabi niya sa akin, “Ipinakulong ako ng ex-husband ng ex-girlfriend ko. Natatakot siya na magantigan ko siya at balikan. Kaya, eto… eto ang ginawa niya sa akin.”
Tumango-tango naman sa akin si Alvin matapos niyang malaman ang rason kung bakit ako napasok sa kulungan. “Alam mo, Dennis. Ayan rin ang rason kung bakit ako nakuling at nalagak dito ng matagal. Ang kaibahan nga lang nating dalawa ay… pinatay ko ang taong kina-iinisan ko ng sobra. Pero ikaw, huwag naman sanang dumating ang buhay mo sa ganun punto.”
Tanging pagtango na lamang ang aking nagawa sa kaniya matapos nitong magsalita. Maya-maya pa ay naisipan ko itong tanungin tungkol sa kanilang polisiyang sila-sila lamang ang may gawa. “Puwede ba akong magtanong sa iyo, Boss Alvin?” tanong ko. Nakita ko naman itong tumango sa akin, “Bakit ba ninyo ginagawa na mangbugbog sa mga taong bagong pasok sa mga selda… tulad ko.”
BINABASA MO ANG
Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]
RomanceMatagal na nagkahiwalay sina Vincent at Jake. Simula ng magdesisyon ang mga magulang ni Vincent na ilipat ito ng paaralan. Dahil sa nangyaring paglipat, naiwan na mag-isa si Jake sa paaralan na kung saan noo'y sabay pa silang pumapasok at umuuwi. S...