Dalawang linggo nang walang paramdam sa akin si Lester. At sa mga linggong iyon, wala rin akong nakuhang tawag at messages man lang mula sa kaniya. Nag-aalala ako para sa kaniya, ayoko na maging ganito kaming dalawa ni Lester. Nahihirapan ako na ganito ang set up namin ni Lester.
Habang nasa malalim akong pag-iisip, napukaw na lamang ang aking isipan ng marinig ko ang pagtunog ng elevator. Nang makita kong naglabasan na ang mga taong sakay nito, madali akong pumasok at pinindot ang eight floor, kung saan ako pupunta.
Ngunit, nang akmang magsasara na ang pintuan ng elevator, isang kamay ng lalaki ang humarang doon dahilan upang muli iyong magbukas. Sa aking nakita, hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko. Bigla ko na lamang naramdaman na nangatog ang aking buong katawan dahil muli kong nakita si Lester.
“Lester… mahal…” Sambit ko. Agad akong yumakap sa kaniya. Ngunit, laking gulat ko ng marahan niya akong inilayo sa kaniya. “Galit ka pa rin ba sa akin? Akala ko ba…” Napayuko na lamang ako sa gilid nito ng bahagya siyang umusog mula sa akin palayo.
“Hindi naman ako galit sa ‘yo, Jake. Siguro, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang matanggap ang mga nangyari sa atin.” Matapos niyang magsalita, nakita kong kinuha niya ang kaniyang cell phone.
At mula sa aking kinatatayuan, kita kong may kausap ito sa kaniyang telepono. “Hanggang kailan mo ba balak akong ganituhin, Lester? Sobra na akong nahihirapan sa ganitong set up natin. Lester naman!” Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na makapagtaas ng boses sa kaniya.
Dahil sa nagawa kong pagsigaw, nakuha ko ang atensyon ni Lester na kasalukuyang nakatuon sa kaniyang kausap sa cell phone. “Nahihirapan ka? Puwede ka namang umayaw na, Jake. Sa tingin mo ba, madili rin para sa akin ang ganitong set up natin? Nahihirapan rin ako.”
“Tama ba ang narinig ko? Totoo ba, Lester? Pinabibitaw mo na ako sa relasyon natin? Lester, ito ba ang purpose mo kung bakit ginusto mong magcool off tayong dalawa? Ito ba?” Hindi ako makapaniwala ng sabihin niya sa akin ang bagay na iyon.
Ibayong kaba at takot ang biglang gumuhit sa aking puso sa binitawan niyang salita sa akin. Sa simpleng pagkakamali ko, tila para bang nakapatay ako sa ginawa kong pagtatago sa kaniya ng totoo.
“Hindi ko sinasabi na bumitaw ka. O, maghiwalay tayo. Mahal pa rin kita, Jake. Hindi ko lang kasi maintindihan, kasi…” Hindi na natapos pa ang sasabihin ni Lester ng agad akong nagsalita.
“Kasi? Anong kasi, Lester? Alin ang hindi mo maintindihan? Sabihin mo naman sa akin, Lester. Hindi naman ako manghuhula para hulaan ang bagay na hindi mo maintindihan.” Saad ko.
“Naguguluhan ako kung bakit minahal kita ng sobra. Dahil sa pagmamahal ko sa ‘yo, nakalimutan ko na ang sarili ko. Nakalimutan ko nang maging masaya. Siguro, mas mabuti pa na… tapusin na natin ang lahat sa atin.”
Sa mga narinig ko sa kaniya, para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Bigla na lamang nag-unahan sa pagtulo ang aking luha mula sa aking mata. Habang patuloy sa pagdaloy ang aking mga luha, ay siyang ring pag-iling ng aking ulo. Sa paniniwala na niloloko lamang ako ni Lester.
Ngunit, bakas sa mga binitawan niyang mga salita ang pagkaseryoso at totoo niya sa mga iyon. Kaya naman, inayos ko ang aking sarili, pinunasan ko ang aking mga luha. At mariin ko siyang tinignan. “Tignan mo ako sa aking mga mata, Lester.” Pagsasalita ko.
Nakita ko namang itong dahan-dahan na tumingin sa akin. Siguro, dito na nga nagtatapos ang relasyon naming dalawa ni Lester. Wala na akong magagawa kundi ang ibigay ang gusto niya. “If that’s what you want. I will set you free. Mula ngayon, malaya ka na. Pinapalaya na kita.” Pagpapatuloy ko.
Matapos iyon, agad na nagbukas ang pintuan ng elevator. Lumabas agad ako at hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sasabihin sa akin. Naging lakad-takbo ang naging sistema ko makarating lamang sa aming opisina. Nang marating ko na ang aming kuwarto, nakita kong naroon na sina Karyle at Zammy, pati na rin ang iba ko pang kasamahan rito sa trabaho.
BINABASA MO ANG
Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]
RomanceMatagal na nagkahiwalay sina Vincent at Jake. Simula ng magdesisyon ang mga magulang ni Vincent na ilipat ito ng paaralan. Dahil sa nangyaring paglipat, naiwan na mag-isa si Jake sa paaralan na kung saan noo'y sabay pa silang pumapasok at umuuwi. S...