Chapter 72: Jake

9 0 0
                                    

Hirap na hirap na ako sa mga pagpapahirap sa akin nina Bianca at Dennis. Sa bawat araw na nagdaraan, walang segundo nila akong binubugbog at pinahihirapan. Maging ang mga lalaking nagbabantay sa akin, ay hindi ko na rin masikmura ang pambababoy na kanilang ginagawa sa akin. Araw-araw nilang pinagpapasa-pasahan ang aking katawan. Hindi nila ako tinitigilan hangga’t hindi ako nawawalan ng lakas at malay.

 

Habang ginagawa iyon sa akinng limang lalaki, pakiramdam ko ay unti-unti nila akong pinapatay. Sa ginagawa nilang paggamit sa aking katawan, halos hindi ko na makilala ang sarili ko sa sobrang dumi. Ginagawa nila iyon habang pinanonood ako nina Bianca at Dennis. Tila iba ang saya sa kanilang labi habang pinanonood nila ako na nilalapastangan ng kanilang limang tauhan.

 

Hindi ko na magawang maipagtanggol ang aking sarili dahil maging ako ay wala nang lakas pa para sa bagay na iyon. Hinahayaan ko na lamang ang mga ginagawa nila sa akin, kung ayon ang magpapasaya sa kanila. Pagod na rin ako, pagod na pagod na ako sa ginagawa nila sa akin. Ngunit, hindi ko magawang bumigay dahil sa batang kasama ko… si Cheska.

 

Naaawa ako sa bata, kaya kahit sobra nang nahihirapan ang katawan lupa ko. Ginagawa ko pa rin ang lahat ng makakaya ko para protektahan si Cheska. Ako ang lahat na sumasagot sa mga parusa ng bata, ‘wag lamang siyang masaktan. Hindi ko kakayanin na pati siya ay maranasan kung ano ang nararanasan ko sa mga kamay nina Bianca at Dennis.

 

Napatigil na lamang ako sa aking pag-iyak nang nakita kong pumasok si Dennis sa aking silid. Tumayo ito sa tabi ng pintuan habang mariin akong pinagmamasdan nito. Napa-iwas na lamang ako ng aking tingin at yumuko na lamang at pinagmasdan ang aking mga kamay na parehas nakakadena. “Napahanga mo ako sa tibay ng loob mo, Jake.”

 

Bahagya naman akong napatingin sa kaniya at saka ako nagsalita rito, “Hindi, Dennis. You’re wrong. Pagod na pagod na ako, hirap na hirap na rin ako. Bakit ba ayaw pa ninyo akong patayin? Para wala na kayong problema. Hindi ‘yong pinahihirapan niyo pa ako ng husto,” huminto ako sa aking pagsasalita at tumayo ako at bahagyang lumapit kay Dennis, “tapusin mo na ako hangga’t may pagkakataon ka pang gawin ang bagay na iyon.” Pagpapatuloy ko.

 

“I can’t, Jake. I won’t do that. Masaya pa ako na nakikita kitang nahihirapan sa araw-araw. It always made my day,” lumapit sa akin si Dennis at marahas na hinawakan nito ang aking buhok sa likuran ng aking ulo, “stop asking me to give you an easy death wish. Of course, you have to suffer at first, but later on, Bianca will give it to you, as you wish it.”

 

“Bakit ba ninyo ginagawa ito sa akin? Bakit ba ninyo ako pinahihirapan ng ganito? Puwede ba na ako na lang ang pahirapan at saktan ninyong lahat? ‘Wag na ang batang walang kamalay-malay! Hindi na ba kayo naawa kay Cheska? Pati siya ay pinagmamalupitan ninyong dalawa ni Bianca. Ang sasama ninyong dalawa.” Saad ko.

 

Isang malakas na sampal ang aking natanggap mula sa kaniya at mariin nitong hinawakan ang aking baba matapos niya akong sampalin. “’Wag na ‘wag m akong tuturuan sa mga gagawin ko, at sa mga nais kong gawin sa iyo, Jake. Wala kang karapatan na gawin iyon at lalong-lalo na wala kang kakayahan na utusan ako sa gusto mong mangyari. Naiintindihan mo ba ako?!” sunod-sunod na pagsasalita nito sa akin.

 

Matapos nitong magsalita ay marahas akong itinulak ni Dennis dahilan upang muli akong mapahiga sa aking kinauupuan. Matapos iyon, agad siyang lumabas ng aking silid at nakita kong ini-lock nito ang silid ko mula sa labas. Napahinga na lamang ako ng malalim sa ginawa niya sa akin. At sa hindi ko malamang dahilan, bigla na lamang naglandas ang aking luha paibaba sa aking magkabilang pisngi.

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon