Hind ko alam kung ano ang aking dapat na maramdaman matapos kong makita ng aking dalawang mata kung paano bumulagta sa aking harapan si Jake. Bigla akong nawalan ng hininga dahil sa aking nakita, tila mabilis na huminto ang oras sa buo kong paligid nang makita kong nakatingin sa akin si Jake habang nakabulagta ito sa simento.
Dahil sa aking nakita, hindi ko napigilan ang aking sarili na sumigaw dahil sa tindi ng takot at pag-aalala sa nangyaring iyon kay Jake. Nang marinig ko ang aking mga kasama mula sa aking likuran, mabilis silang tumakbo dala ang kanilang mga baril, at agad nila iyon itinutok kina Dennis at Bianca, maging sa limang lalaking nakapalibot sa kanilang dalawa.
Matapos ang aking ginawa, agad naming nakuha ang atensyon nina Bianca at Dennis, huli bago sila makakilos lahat nang tuluyan na kaming lumabas sa aming pagtatago. Agad kong pinuntahan si Jake na kasalukuyang naliligo sa sarili nitong dugo. Hindi ko magawang mahawakan si Jake dahil sa raming sugat at pasa nito sa iba’t-ibang parte ng kaniyang katawan.
Habang si Albert naman ay mabilis na nilapitan si Cheska upang tanggalin ang gapos ng aking anak sa katawan nito. Napa-iling na lamang ako at napaluhod sa naghihingalong si Jake. Hindi ko alam kung bakit ayaw sumunod ng aking kamay na hawaka si Jake. Maging si Elice rin ay tila nabigla sa kaniyang nakitang kalagayan ni Jake. Maya-maya pa ay agad naming nakita na paparatin ang rescuers.
Habang mag-ingat nilang inilalagay si Jake sa isang mahaba at makitid na higaan, hindi ko napigilan ang aking sarili na umiyak nang husto dahil sa tindi na kaniyang natamo sa pagpapahirap na ginawa sa kaniya nina Bianca at Dennis. Mabilis na isinalay ng rescuers si Jake sa ambulance, tanging pagtango lamang ang aking nagawa kay Elice upang siya na ang sumama sa mga iyon.
Nang umalis na sila upang magpunta sa pinakamalapit ma hospital, dahan-dahan kong nilingon sina Bianca at Dennis na kasalukuyang hawak-hawak ng mga pulis. Marahan akong naglakad sa kanilang harapan, at nang nasa harapan nila akong dalawa. Walang sabi kong sinuntok ng malakas ang mukha ni Dennis. Dahil sa aking ginawa, marahas itong napahiga sa simento, hindi rin nakaligtas sa akin ang pagkagulat ni Bianca.
“Kulang na kulang pa ang suntok na iyan sa ginawa ninyong dalawa ni Bianca kay, Jake!” sinakyan ko si Dennis at marahas kong pinaulanan ito ng suntok. Hindi ako magawang awatin ng mga pulis dahil sa galit na aking nararamdaman sa mga sandaling ito, maging si Albert ay tanging nakatingin lamang sa aming dalawa, “hayop kayo! Hayop kayong dalawa! Dapat sa inyo, pinapatay at hindi na hinahayaan pang mabuhay!” matapos kong sabihin iyon, muki kong pinagsusuntok si Dennis sa kaniyang mukha.
Sa pagkakataong iyon, nang makita ng mga pulis ang duguang mukha ni Dennis, ay saka pa lamang nila ako inawat at itinayo sa ibabaw ni Dennis. Habol-habol ko ang aking paghinga habang mariin kong pinagmamasdan si Dennis. Nang madako ang tingin ko kay Bianca, mabilis at maagap itong nag-iba ng direksyon ng kaniyang tingin. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at nang magkaharap kaming dalawa.
Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kaniyang buong karawan, hindi rin nakaligtas sa akin ang pamumutla niya habang patuloy siya sa pag-iwas niya ng tingin sa akin. “Are you happy now, Bianca? Masaya ka na ba na halos patayin mo na si Jake sa ginawa ninyong dalawa ni Dennis?! No wonder, kasi experienced ka na sa pagpatay. Kay Eunice pa lang, Bianca. You’re s evil!” saad ko sa kaniya.
Wala akong nakitang pagmamaka-awa sa kaniyang mukha. Maya-maya pa ay narinig ko itong sumagot sa akin. “To tell you frankly, Vincent? Yes, I am happy now! Because finally, I’ve finished him so badly! Oo, I killed Eunice because of you! And I would do the dame thing to Jake as I did to Eunice. It was so easy for me to take their lives away from them, Vincent. You made me do it! You made—” hindi na natapos pa ni Bianca ang kaniyang pagsasalita nang dumapo sa kaNiyang pisngi ang aking palad.
BINABASA MO ANG
Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]
RomanceMatagal na nagkahiwalay sina Vincent at Jake. Simula ng magdesisyon ang mga magulang ni Vincent na ilipat ito ng paaralan. Dahil sa nangyaring paglipat, naiwan na mag-isa si Jake sa paaralan na kung saan noo'y sabay pa silang pumapasok at umuuwi. S...