Chapter 80: Jake

13 1 0
                                    

“Hintayin ninyo na lamang po siya rito,” magalang na pagsagot sa aming dalawa ni Eunice ng isang pulis na siyang sumundo sa taong sadya namin sa kulungan. Habang hinihintay naman siyang dumating. Hindi ko malaman kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito. Unti-unti ko ring nararamdaman na hindi ako nagiging komportable sa lugar kung nasaan kami ngayong dalawa ni Eunice.

Tila mas lalong tumitindi ang pagkabilasa na aming nararamdaman habang hinihintay namin ang taong iyon. Habang nararamdaman ko iyon, marahan akong napahawak sa aking dibdib at malalim akong napahinga. Nang mapansin ako ni Eunice sa aking estado, agad itong tumayo upang tignan kung ano ang nangyayayri sa akin.

“Jake, ayos ka lamang ba? Anong nangyayari sa iyo? Jake! Gusto mo bang dalhin kita ngayon sa hospital para agad nating malaman kung ano ‘yang nararamdaman mo? We can postpone our visit naman. Your health is more important than this visit.” Bakas sa pagsasalita at tono ng boses ni Eunice ang matinding pag-aalala sa akin. Kaya naman, agad akong umiling sa kaniya at marahan na hinawakan ang kaniyang kamay upang kumalma ito.

Nang gawin ko iyon, naramdaman ko ang bahagya nitong paghugot ng isang malalim na paghinga. Matapos iyon, dahan-dahan akong tumingin sa kaniya at saka ako nagwika rito, “Hindi na kailangan, Eunice. I am perfectly fine. Siguro kaya lang ako nagkakaganito, marahil ay sa naging trauma ko kay Dennis at Bianca. Hindi rin kasi naging madali ‘yong nangyari sa akin,” huminto ako sa aking pagsasalita at bahagyang yumuko sa harapan ni Eunice, “sa totoo lang, natatakot pa rin akong makita at makausap sina Bianca at Dennis. Pakiramdam ko kapag makikita o nakikita ko silang dalawa, parang tila bumabalik lahat. ‘Yong hirap ko, ‘yong sakit, at ‘yong pakiikipaglaban ko para sa kaligtasan ni Cheska at ng buhay ko. Pasensya na, Eunice, kung napag-alalal pa kita.” Pagpapatuloy ko sa aking pagsasalita.

Matapos kong sabihin iyon kay Eunice, nang akma itong magsasalitang muli sa akin. Isang boses ng lalaki ang aming narinig. Kapwa kami napalingong dalawa sa pinagmulan ng boses. At agad na tumambad sa amin si Dennis. Nang makita ko ito ay may malawak na pagkakangiti sa kaniyang labi. Ngunit, nang makita ako nito, agad na naglaho ang ngiti sa kaniyang labi at napalitan iyon ng matinding kalungkutan. “Jake…” tanging pagbanggit lamang ng aking pangalan ang aking narinig mula sa kaniya.

…..

“Dennis,” mahinang sambit ko sa kaniyang pangalana. Mahina ang naging pagtawag ko sa kaboya, ngunit sapat na ang lakas na iyon upang marinig ako ni Dennis sa pagtawag ko sa kaniya, “kumusta ka na?” hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isipan at ayon ang lumabas sa aking bibig.

Nang marinig iyon ni Dennis, nakita ko naman itong naglakad papunta sa mesa kung saan kami naka-upong dalawa ni Eunice. Nang makalapit na ito sa amin, dahan-dahan siyang naupo at saka ito nagsalita sa akin, “Nahihiya akong humarap sa iyo ngayon, Jake, matapos nang ginawa ko sa iyo. Nahihiya rin ako na sa kabila ng ginawa ko, heto ka at kinu-kumusta pa rin ako.

“Sa totoo lang, Jake, sobrang laki ng pagsisisi ko sa lahat ng ginawa ko sa iyo. Masyado akong nagpadala sa emosyon at galit ko kay Vincent, dahil sa ginawa niyang pag-agaw sa babaeng mahal ko. Hinayaan ko rin si Bianca na malason nito ang utak ko. Nang mapasok ako rito, walang araw o segundo o minuto akong nagsisisi. Ako lang pala ang sumira sa sarili kong buhay. Muntikan pa akong makapatay ng isang inosenteng tao, na tulad mo.

“Kaya nang makulong ako rito, sinabi ko talaga sa sarili ko na, ‘deserve ko ito’ dahil ito ‘yong kabayaran sa lahat ng ginawa ko sa iyo, at kay Vincent. Jake, I am not asking for your forgiveness. Dahil alam ko na walang kapatawaran ang ginawa ko. I just wanted you to know na ito ‘yong narealize ko. Jake, I am sincerely saying sorry for all the bad things I’ve done to you. I even putted your life in danger. I was one of the causes of your death. I should’ve pay you.”

Sa mga narinig kong salita mula kay Dennis, ramdam na ramdam ko sa bawat salitang lumalabas at binibigkas ng kaniyang bibig ay pawang katotohanan lamang. Hindi ko naramdaman ang pagkaplastik sa kaniyang mga sinabi. Bagkus, agad na gumaan ang aking loob at pakiramdam sa kaniya matapos kong marinig ang lahat nang kaniyang sinabi sa akin.

“Dennis, hindi ako nagpunta rito para ipamukha sa iyo ang lahat ng pagkakamali na ginawa mo sa akin at sa sarili mo,” wika ko, marahan kong hinawakan ang kamay nito at agad naman itong napatingin sa akin, saka ako muling nagpatuloy sa aking pagsasalita sa kaniya, “sapat na sa akin na nagsisisi ka sa lahat ng nagawa mo. Tao ako, hindi ako Diyos.

“Anuman ang nangyari sa atin mula sa madilim at masalimuot na nakaraan, pinapatawad ko na ‘yon, maging ikaw rin, Dennis.” Wika ko. Nang matapos kong magsalita sa kaniya, mabilis kong nasilayan ang kaniyang ngiti. Maging si Eunice rin na nakaupo sa aking tabi ay naramdaman ko ang pagngiti dahil sa naging pag-uusap namig dalawa ni Dennis.

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon