Chapter 26: Lester

39 14 0
                                    

“Hanggang kailan, Jake? Hanggang kailan mo balak ipilit na itago sa akin ang katotohanan? Ang tagal kong gustong malaman ang taong karibal ko sa ‘yo – na halos nagmukha na akong tanga para lamang magawang palitan siya d’yan sa puso mo. Pero, wala, e.”

Sa halos ilang taong naming magnobyo, ni hindi sumagi sa isipan ni Jake na sabihin at ipagtapat sa akin ang lahat ng ito. Ni hindi niya nga nagawang sabihin sa akin ang pangalan ng taong matagal ko nang pinagseselosan sa kaniya.

Ganito pala. Ganito pala kasakit na pagkaitan ng totoong pagmamahal. Na halos ikadurog ng puso ko ang mga nalaman ko na ang boss ko pala, siya pala ang ex-boyfriend ng taong pinakamamahal ko. Siya pala ‘yong taong kaisa-isang kinatatakutan kong makita ni Jake muli.

“Vincent, is it necessary for you to know my past? Matagal nang nangyari iyon. At sa loob ng maraming taon na hindi kami nagkikita at nagkakausap, kasabay rin noon ang pagputol ko sa lahat ng maaari naming maging koneksyon sa isa’t isa.”

Napa-iling na lamang ako habang patuloy si Jake sa kaniyang pagpapaliwanag sa akin. “Yes, it is. Para sa akin, mahalaga na malaman ko ang bagay na iyon, Jake. How many times I have asked you about his true identity – even his name. Pero, hindi mo nagawang sagutin ang lahat ng iyon. You can’t even tell me his name. Ayon man lang dapat alam ko.”

Napahawak na lamang ako sa aking ulo. Pakiramdam ko ay parang binibiyak ang ulo ko dahil sa sobrang sakit. Kahit isa sa mga nangyari, walang maiproseso ang utak ko ng maayos. Hindi ko na rin napigilang maglandas ang aking luha pababa sa aking pisngin. Marahil ay sa matinding sama ng loob at sakit na aking nararamdaman sa mga sandalin ito.

“Lester, naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Naiintindihan mo ba ang mga sinasabi ko? Ilang beses ko pa ba dapat na ulit-ulitin sa ‘yo na wala na kaming dalawa. Na matagal na kaming tapos ni Vincent. Mahirap bang unawain ang bagay na iyon?” Saad ni Jake sa akin.

Sa tindi ng aking paghikbi, hindi ko magawang makabuo ng mga salita. Hindi ko rin magawang maidepensa ang aking sarili mula kay Jake. Ano ba ang mali kong nagawa para pagdaanan ko ang bagay na ito. Ang alam ko lamang ay minahal ko si Jake ng totoo at ng buong puso ko.

Ibinigay ko sa kaniya ang lahat ng bagay na magpapasaya sa kaniya, kahit siya namang maaaring maging kalungkutan ko. Pero, hindi pa rin papa naging sapat ang lahat ng iyon. Mahirap rin sa tulad ko, na may karibal sa puso ni Jake. Lalo pa’t ito ang siyang naging unang minahal ng taong mahal ko.

“Jake, may dapat pa ba akong malaman bukod sa bagay na ito? Baka may itinatago ka pa diyan. Sabihin mo na. Para isang sakitan na lang ang maramdaman ng puso ko.”

“Lester? Pinagdududahan mo na ba ako ngayon? Wala ka na bang tiwala sa akin? Isang beses lang akong nagtago at naglihim sa ‘yo ng totoo. Bakit parang ganun lamang nawala na agad ang tiwala mo sa akin?” Napaluhod na lamang ako sa harapan ni Jake habang patuloy ang aking mga mata sa pagluha.

“Isang beses ka lang nagkamali, oo. Pero, iyong isang beses na iyon, libo-libong karayom ang sabay-sabay na tumusok sa puso ko. Hindi naman ako masasaktan ng ganito, kung hindi mo ako pinagtaguan ng katotohanan.” Sagot ko sa kaniya.

Napayuko na lamang si Jake ng marinig niya iyon mula sa akin. Nang wala akong salita na narinig mula sa kaniya. Kinuha ko na ang pagkakataong iyon upang muling makapagwika sa kaniya, “Jake, isang beses lamang tayo nagkamali sa relasyon natin. Pero iyon isang beses na iyon, hindi na maibabalik pa ang nawalang tiwala.”

“Anong ibig mong sabihin, Lester?” Tanong sa akin ni Jake. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod ko sa kaniyang harapan. Inayos ko ang aking sarili at marahan na tumingin kay Jake. Habang pinagmamasdan ko ang mukha niya, hindi ko mapigilan ang sarili ko na patuloy na mahulog sa kaniya. Tanging sa kaniya ko lamang naramdaman ang kakaibang pagmamahal na ito. “Anong gagawin mo, Lester? ‘Wag mong sabihing…”

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon