May mga iilan akong boses na naririnig na ‘di kalayuan mula sa aking kinalalagyan. Muli kong sinubukan ang magpumiglas mula sa aking pagkakadena sa akin ng mga tauhan nila Bianca at Dennis. Ngunit, bigo ako na makawala dahip sa higpit at ilang kadena ang nakapulupot sa aking katawan. Naramdaman ko ang isa sa kanila na lumapit sa akin at nagsalita ito.
“Hoy, gago!” pagsigaw sa akin ng lalaki at marahas kong naramdaman ang malakas na pagbatok nito sa aking ulo na siya namang nagpabagsak sa akin sa sahig. “Kahit ilang beses mong subukan na kumawala d’yan, hinding-hindi matatanggal ‘yan. Sinigurado namin na mahigpit ang pagkakatali sa iyo.” Pagpapatuloy nito.
Habang nakahandusay ako sa sahig, naramdaman ko ang dalawa sa kanila na marahas akong hinawakan at pabalibag akong iniupo sa bangko kung saan ako nahulog. Napangiwi na lamang ako sa sakit na kanilang ginagawa sa akin. Wala rin akong magawa para maipagtanggol ko ang aking sarili mula sa pananakit na ginagawa nila sa akin.
“Pakawalan ninyo ako rito! Paalisin ninyo ako sa lugar na ito! Mga hayop kayong lahat! Mga hayop kayo!” patuloy lamang ako sa aking sa pagsigaw habang nakikiusap ako sa kanila na pakawalan ako mula sa aking pagkakagapos. Ngunit, matapos kong sumigaw marahil ay dala ng pamamaos ko. Ay nagpasya ako na tumigil muna pansamantala.
Marahas akong napatingala nang may naramdaman akong biglang humawak sa aking buhok ng mahigpit. Dahil sa ginawa ng taong iyon, napaigtad ang aking katawan dahil sa ginawa ng taong iyon sa akin. “Arggghh!” hindi ko napigipan ang mapa-aray dahil sa muli nitong paghawak sa aking buhok.
“Bitawan mo ako! Sino ka ba?! Bakit ba ninyo ako ginaganito?! Ano bang ginawa kong mali sa inyo?! Hindi ko kayo kilalang lahat pero bakit n’yo ako pinahihirapan ng ganito?!” sunod-sunod na pagtatanong ko sa kanila. Narinig ko namang nagtawanan ang mga kalalakihang nakapalibot sa akin.
Maya-maya pa ay may narinig akong nagsalita mula sa kanila. “Sa amin, wala. Pero sa nag-utos sa amin, mayroon,” naramdaman kong lumapit ito sa akin at saka ito muling nagpatuloy sa kaniyag sinasabi, “hidi namin puwedeng pagbigyan ang pakiusap mo. Dahil para sa amin, trabaho pa rin ito – hindi nga lang marangal. Pero, sayang rin kasi ang kita. Medyo malaki ang bayad sa amin nu’ng dalawang taong iyon.”
Dahil sa nakapiring ang aking mga mata. Ni mga anino lamang nila ang aking naaaninag dahil sa nakatakip sa aking mga mata. Dahan-dahan kong hinanap ang boses na nagsalita at humarap ako sa kaniya kahit na nahihirapan ako sa kondisyon ko ngayon. “Pero hindi pa rin nito mababayaran ang dignidad ninyo. Pakawalan ninyo ako, nangangako ako na hindi kayo madadamay kapag ipinahuli ko ang mga taong nasa likod nito.
“Nakikusap ako. May mga taong naghihintay sa akin na umuwi. May anak akong hindi pa naisisilang na gusto ko pang makita at makasama. Sige na, nakikiusap ako sa inyo na pakawalan ninyo ako. Nakikiusap ako.”
Matapos kong magsalita, wala akong mga sagot na narinig mula sa mga kalalakihang narito sa loob ng kuwarto. Binalot kami ng matinding katahimikan at tanging tunog lamang ng malalaking exhaust fan ang aming naririnig. “Hindi!” dinig kong sigaw ng isa sa kanila. “Hindi mo mabibilog ang mga ulo namin. ‘Yang rason mo, sa pelikula at palabas lang ‘yan. Kaya tigilan mo kami sa mga pakiusap mong walang saysay!”
Sa mga narinig kong sagot sa kanila, tila nauubusan na ako ng pag-asa na makalabas pa rito. Nagsisimula na rin manghinga ang aking kalooban dahil sa posibilidad na hindi ko na muling makikita at makakasama ang aking anak at si Leona. Ngayon ko pa lamang nararanasan ang mga bagay na ipinangako sa akin ni Leona at ni Jake.
BINABASA MO ANG
Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]
RomanceMatagal na nagkahiwalay sina Vincent at Jake. Simula ng magdesisyon ang mga magulang ni Vincent na ilipat ito ng paaralan. Dahil sa nangyaring paglipat, naiwan na mag-isa si Jake sa paaralan na kung saan noo'y sabay pa silang pumapasok at umuuwi. S...