Chapter 7: Vincent

79 25 0
                                    

Ilang araw ang lumipas, ngunit walang Bianca akong nakita sa aming bahay. Ilang araw matapos niyang saktan ang aking anak na si Cheska, ay ngayon naman hindi siya magpapakita sa’kin upang humingi ng tawad.

Hindi ko alam, ngunit ganun pala ang kaniyang ginagawa kay Cheska sa tuwing wala ako sa bahay. Kung hindi ko pa sila naabutan sa ganung tagpo, hindi ko pa malalaman na minamaltrato n’ya na pala ang aking anak.

“Sir, are you alright?” Agad akong napatingin kay Elice ng bigla na lamang itong nagsalita mula sa aking harapan. Isang tango naman ang aking ibinigay rito bilang sagot ko saa kaniyang tanong sa akin.

“Siya nga pala…” Huminto ako sa aking pagsasalita at marahan na inilagay ko ang mga papel na aking hawak sa gilid ng aking working table. “…kumusta na ang pinapahanap ko sa ‘yo? May nahanap ka na bang kapalit nu’ng umalis?” Tanong ko rito.

Narinig ko naman itong napabuntong-hininga at padabog na inilapag ang hawak-hawak niyang papel. At dahil sa kaniyang ginawa, hindi ko naiwasan ang magulat at matakot sa kaniyang ginawa. “Sir, hindi naman ganun kadali ‘yong pinapagawa mo—” agad niyang pinutol ang kaniyang sinasabi ng bigla na lamang itong tumingin sa akin na tila may naalalang kung ano.

“’Yong kaibigan ko po pala ang ipapasok ko rito, Sir Vincent. Sagot ko po iyong taong ‘yon. Mabait at masipag naman ang kaibigan ko. Kaya, pakiramdam ko, hindi ka magsisisi sa kaniya.” Tumango-tango na lamang ako rito habang nagsasalita ito.

“Talaga bang mapagkakatiwalaan ‘yang kaibigan mo? Baka mamaya, ay bigla na lamang umalis ‘yan ng walang paalam?”

“Sir, I swear to God! Hinding-hindi po kayo magsisisi sa kaniya. Masipag po talaga siya at dedikado sa trabaho.” Ani nito sa akin.

Muli na lamang akong napatango rito. “Okay. Kung ganun, mas mainam at maayos ang mahahanap mong kapalit nu’ng umalis.” Saad ko kay Elice. Isang ngiti naman ang aking natanggap mula sa babaeng nasa aking harapan.

Napailing na lamang ako at muli kong itinuon ang aking atensyon sa aming ginagawang pagsasa-ayos ng mga papel ng opisina.

“Sir, puwedeng magtanong?” Napalingon naman ako rito ng bigla na lamang nagsalita si Elice sa akin.

Napahinto naman ako sa aking ginagawa at mariin ko itong tinitigan deretso sa kaniyang mga mata. “Hindi pa ba pagtatanong ang ginagawa mo, Ms. Ybañez?” Sarkastiko kong tanong rito.

Nakita ko namang itong napakamot sa kaniyang ulo. Ilang segundo pa ang lumipas ng muli kong narinig ang kaniyang tanong sa akin. “Sir, nagkaroon na po ba kayo ng first love? As in, ‘yong taong minahal mo talaga ng husto, ganun!” Ani nito sa akin.

Agad naman akong napaisip ng marinig ko ang tanong na iyon mula kay Elice. At habang nasa malalim ako ng pag-iisip, isang pangalan ng tao ang agad na rumihestro sa aking isipan. “Honestly, mayroon akong nag-iisang first love noong College days ko. And, until now, narito pa rin siya sa puso at isipan ko.”

“Wait, sir!” Agad itong tumayo mula sa kaniyang kinauupuan, na siya naman ikinagulat ko dahil sa ginawa nito. “Hindi po ba medyo alanganin ‘yong nararamdaman mo sa dating Mama ng anak mo? Siyempre, siya na ang asawa. Pero, may iba pa lang taong mahal ang asawa niya.”

“Noong una, naisip ko rin iyan. So I decided, and just to be fair enough kay Eunice. I have to tell her about my past. Wala naman naging problema dahil tinanggap n’ya ako ng buo. Sa totoo lang, ang taong ‘yon ang nais niyang maging kahalili ko sa pagpapalaki kay Cheska, noong nabubuhay pa siya.”

Bakas sa mukha ni Elice ang pagtataka sa mga sinabi kong iyon sa kaniya. Ngunit, dapat ko pa ba itong itago? Tutal, matagal na panahon ito nangyari. Wala ng rason para itago ko pa sa aking sarili.

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon