Prologue

526 41 4
                                    

Hindi ko alam na hahantong ang kasamaan at kadesperadahan ni Bianca dahil lamang sa sobrang pagmamahal n’ya kay Vincent. Halos mapaubo na lamang ako matapos nilang magsawa sa pambubugbog sa aking katawan. Ramdam na ramdam ko pa rin ang mga kamaong natamo ko mula sa mga lalaking bumugbog sa akin.

“Patayin mo na kang ako, kaysa sa pahiparan mo ako ng ganito!” Kahit nahihirapan akong magsalita. Pinilit ko pa rin na gawin iyon upang tapusin n’ya na ang aking paghihirap.

Wala na. Hanggang dito na lang talaga ang buhay ko. Hindi ko na magagawang alagaan at mabigyan ng preteksyon sina Vincent at Cheska. Wala akong magagawa upang sabihin kay Vincent ang lihim ni Bianca. Ito na ata talaga ang huling sandali ng buhay ko.

“Are you in hurry? ‘Wag kang magmadali. Darating rin tayo d’yan,” huminto ito sa kaniyang pagsasalita. Wala akong narinig na nagsasalita. Tanging tunog lamang ng mga makina ang tanging naririnig ko sa lugar na ito, “Jake, magiging memorable sa ‘yo ang pagkamatay mo ngayon gabi. I will make sure na kahit sa kabilang buhay, maaalala mo kung paano kita pinahirapan - kung paano ko unti-untiing lagutan ka ng hininga.”

Matapos niyang magsalita. Narinig ko ang ibang lalaki na may dala ng kung ano. Hindi ko masyadong maaninag kung anong dala-dala nila. Naramdam kong may isang lalaki ang nagtanggal ng tali sa aking paa. Matapos roon, dalawang lalaki naman ang humawak sa aking braso upang maitayo ako mula sa pagkakaupo ko.

“Taste it,” Matapos niya sabihin iyon. Bigla na lamang n’ya akong hinawakan sa aking buhok at walang ingat na inilublob ang aking mukha sa isang malaking balde. Hindi ko magawang makagalaw at makapalag dahil sa dalawang lalaking humahawak sa aking braso. Hindi ko rin magawang mai-angat ang aking ulo dahil pigil-pigil iyon ni Bianca.

Nang itaas na nito ang aking ulo, doon pa lamang ako nakahinga ng bahagya. Naging mabilis ang ginawa kong paghinga dahil pakiramdam ko ay wala nang hangin ang natira pa sa aking baga.

“Ngayon, ito na ang request mo,” huminto ito sa kaniyang sasabihin. Naramdaman kong may binunot ito mula sa kaniyang likurang bahagi. Narinig ko ang ginawa niyang pagkasa. At sa ginawa niyang iyon, isang ideya ang pumasok sa aking isipan, “Kalagan n’yo na siya at tanggalin ang piring sa kaniyang mata.” Nang matanggal na ang takip sa aking mata. Nagulat ako sa aking nakita. Nakatapat sa akin ang baril na hawak-hawak ni Bianca. Tama nga ang ideyang pumasok sa aking isipan.

Napaiktad na lamang ako ng may isang matulis na bagay ang tumusok sa aking tagiliran na siyang naging dahilan upang mapaluhod ako sa aking kinatatayuan. Nang tignan ko ang bagay na nakasaksak sa akin, nakita ko ang isang matulinis na kutsilyo.

At dahil sa tama na aking natamo, gawa ng isa sa mga lalaking nasa likuran ko. Kasabay din ng pagtumba ko sa sahig ang siyang panlalabo ng aking paningin. Hindi ko alam ang dapat na maramdaman sa mga sandaling ito. Bukod sa hinahabol ko ang aking paghinga, parang may kung ano ang humahawak sa aking lalamunan na siyang nagiging dahilan nang pagbulwak ng dugo palabas sa aking bibig.

Bago ko tuluyang ipikit ang aking mga mata. Hindi pa sila nakuntento sa kanilang ginawa. At kahit na medyo namamanhid na ang aking katawan. Nakarinig ako ng isang putok ng baril at naramdaman kong tumama iyon sa aking tiyan kung saan malapit ang aking saksak.

Ito na ata ang katapusan ng buhay ko. Paalam, Vincent at Cheska. Hanggang sa muli nating pagkikita. Nang maipikit ko na nang tuluyan ang aking mga mata. Tatlong magkakasunod na putok ng baril ang aking narinig. May mga boses rin akong naririnig ngunit sadyang mahina na ang aking katawan upang makita pa ang mga kaganapan ngayon.

Hindi ko man gustuhin na bumigay sa sitwasyon ko. Ngunit wala na akong magawa kundi ang magpatangay sa agos ng aking dugo. Tuluyan nang bumigay ang aking katawan dahil sa raming sugat at dugong nawala sa aking katawan.


Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon