Sa narinig kong iyon kay Vincent, hindi ko maiwasang matuwa dahil sa kaniyang naging desisyon na hiwalayan si Jake at ako ang kaniyang piliin. Dahan-dahan kong tinignan si Cheska na hanggang ngayon ay tila parang tuod sa aking tabi, na halos hindi gumagalaw sa kaniyang kinatatayuan.
“You know what, Vincent?” tanong ko rito habang nananatili akong nakatingin sa bata. “I’ve waited for so long para ako lang ang piliin mo at iwanan si Jake. You don’t know how happy I am right now. Natutuwa ako at sa wakas, narealize mo na tayo talaga ang bagay para sa isa’t-isa at hindi ang Jake na ‘yon.” Pagpapatuloy ko.
Lumingo ako sa kaniya at nakita ko ang ibang taong nasa kaniyang tabi. Nang makita ko silang nakatingin sa akin, sinuklian ko na lamang sila ng isang ngiti. Maya-maya pa ay narinig kong nagsalita sa akin si Vincent. At sa sinabi niyang iyon, tila nakumpirma ko na totoo nga na wala na silang dalawa.
“Bianca, please? I don’t wanna hear his name anymore. Ang mahalaga, magkasama na tayong dalawa at puwede na nating ituloy ang pagmamahalan natin. Is this what you want ‘di ba? Ako lang, ako lang kailangan mo hindi ba?” sunod-sunod na pagtatanong sa akin ni Vincent. Napahinga naman ako ng malalim matapos niyang magsalita sa akin.
Matapos iyon, bahagya akong umupo upang magpantay ang aming mga mata ni Cheska. Ngumiti muna ako sa bata bago ako magpatuloy sa aking sasabihin sa kaniya, “Narinig mo ba ang sinabi ng Daddy Vincent mo, Cheska? Hiniwalayan na ni Daddy Vincent mo ang Papa Jake mo. Because he realized that I am better than him.” Wika ko.
Nakita ko namang napatingin ang bata kay Vincent matapos kong sabihin iyon sa kaniya. Bago pa makapagsalita si Vincent agad akong nagsalita sa bata upang bigyan ito ng babala sa kaniyang gagawin. “Cheska, alam mo na ang mangyayari kapag may sinuway ka kahit ni isang utos mula sa akin. And from now on, I want you to call me ‘Mama Bianca’. Because sooner or later, I’ll be your mom and you’ll be my daugther.” Pagsasalita ko kay Cheska habang marahan kong inaayos ang kaniyang damit. “Sige na, puwede ka nang pumunta sa daddy mo.” Bulong ko sa kaniya.
Agad namang tumakbo si Cheska nang payagan ko itong pumunta sa kaniyang daddy. Nang makalapit na ito kay Vincent, kitang-kita ko kung paano namiss ni Vincent ang kaniyang anak. Ganun rin ang bata dahil sa mga sandaling ito, siya ay umiiyak na ngayon habang mahigpit na nakayakap sa braso ni Vincent. Nakita ko namang pinatatahan siya ni Vincent at ng dalawang matandamg nasa kanilang tabi.
“Baby girl, nandito na si dasdy. Daddy won’t leave you,” patuloy sa pagpapakalma si Vincent sa umiiyak na si Cheska, “mahal na mahal kita, anak. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakalaing may masang nangyari sa iyo.” Napataas na lamang ako ng aking kilay sa mga kadramahang ginagawa nila sa mga oras na ito. Habang pinagmamasdan sila sa ganung posisyon, hindi ko naiwasang mapa-hinga ng malalim.
“Nakakapagtaka kung bakit ganiyang ang pag-iyak ni Cheska, animo’y takot na takot,” napalingon ako nang magsalita si Albert mula sa isang sulo habang nakatingin ito sa akin, “sabihin mo nga sa amin, Bianca? Sabihin mo sa amin – kay Vincent ang ginawa mong pananakot kay Cheska. Wala akong masabe na kahit bata ay idadamay para lamang sa sarili mong interes.” Sa sinabing iyon sa akin ni Albert, hindi ko maiwasan ang maikuyom ang aking kamay.
“Talaga? As far as I can remember, wala akong masamang ginawa kay Cheska,” saad ko. Naglakad ako palapit sa kaniya habang nananatili akong nakatingin sa kaniyang mga mata, “in fact, kinuha ko nga ang loob niya para magkasundo kaming dalawa. Dahil ayoko na maging asawa ako ng daddy niya, na hindi maayos ang relasyon naming dalawa.” pagpapatuloy ko.
BINABASA MO ANG
Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]
RomanceMatagal na nagkahiwalay sina Vincent at Jake. Simula ng magdesisyon ang mga magulang ni Vincent na ilipat ito ng paaralan. Dahil sa nangyaring paglipat, naiwan na mag-isa si Jake sa paaralan na kung saan noo'y sabay pa silang pumapasok at umuuwi. S...