Habang naglalakad ako at inaabala ang aking sarili sa pagmamasid sa mga estudyanteng naglalakad at kausap ang kanilang mga kaibigan. Hindi ko maiwasan makaramdam ng inggit sa kanila. Ganito pala ang pakiramdam kapag nawalay sa mga kaibigan sa high school. Wala akong makausap na ibang tao. Wala rin akong malalapit na kaibigan, na puwede kong makasama sa paglilibot sa loob ng Unibersidad na aking pinapasukan.
Napatigil na lamang ako sa aking paglalakad ng bigla kong naramdaman na may bumunggo sa aking likuran. Napatingin naman ako sa taong iyon at nakita ko ang nagkalat niyang mga gamit sa lapag. Imbes na magalit ako at sigawan ang lalaki, tinulungan ko na lamang ito na pulutin ang kaniyang gamit na nalaglag niya.
Nang dadamputin ko na ang lapis upang ibigay iyon sa kaniya, nagulat na lamang ako ng biglang magtama ang aming mga kamay. Napatingin naman ako sa lalaking iyon at nakita ko itong namula dahil sa nangyari. “Ayos ka lamang ba? May nawala ba sa mga gamit mo?” Sunod-sunod na pagtatanong ko rito.
Nakita ko namang napa-iling ang lalaki sa aking tanong na ‘di kalaunan ay nagsalita rin sa akin, “Wala naman,” maingat itong tumayo na agad ko namang inalalayan dahil sa dami ng kaniyang dala-dalang gamit. “Pasensya ka na sa kanina, ha? Hindi ko kasi napansin na narito ka. Pasensya na ulit.” Paghingi nito sa akin ng tawad.
Napangiti na lamang ako sa kaniya bilang sagot ko sa paghingi niya sa akin ng tawad. “Wala iyon. Hindi mo naman sinasadya na mabunggo ako. Kung tutuusin nga, ako ang dapat na humingi ng despensa sa ‘yo. Dahil nakaharang ako sa daraanan mo.” Ani ko sa kaniya.
Nang marinig iyon ng lalaking kausap ko, bigla ko na lamang nakita sa kaniyang mukha ang pagkagulat at pagkabigla matapos ko iyong sabihin sa kaniya. “Hindi. Hindi mo kasalanan. Pasensya na kung nasaktan kita, baka mahuli ka na sa klase mo.” Napatingin naman agad ako sa aking relos ng sabihin niya iyon sa akin.
Bago ako umalis at tuluyang lisanin ang lugar na iyon, isang ngiti muna ang aking ibinigay sa lalaking nananatili pa ring nakatayo sa aking harapan. “Salamat. Sa susunod, mag-iingat ka na, ha? Baka masungit at siraulo pa ang mga mabangga mo,” tumalikod na ako sa lalaki at nagsimulang humakbang. Ngunit, agad rin akong tumigil at marahan ko siyang nilingon. “Mag-iingat ka.” Pagpapatuloy ko.
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ng lalaki nang agad akong naglakad papunta sa aking klase. Hindi ko maipaliwanag, ngunit ang gaan ng pakiramdam ko sa taong iyon. Para bang, ang tagal na naming magkakilala pero ngayon lamang kami nagkita.
Napabalik na lamang ako sa reyalidad ng may narinig akong kumatok mula sa labas ng aking opisina. “Come in.” Pagbibigay pahintulot ko mula sa taong nasa likod ng pintuan.
Bumungad naman sa akin si Elice, ang Head Manager ng kumpanya ko. Maingat itong pumasok sa aking opisina na dala-dala ang mga papel. Napakunot-noo naman ako ng makita ang kaniyang mga hawak-hawak na papel.
“Ano ‘yang dala-dala mo?” Seryoso kong tanong sa kaniya. Agad na napayuko ang aking Head Manager ng marinig niya ang seryoso kong boses. Kaya naman, agad kong inulit ang aking tanong sa kaniya, “Uulitin ko ang tanong ko. Ano iyang dala-dala mo? Para saan ‘yan?” Sa pagkakataong ito, imbes na sindakin ko pa sa takot at nerbyos ang babaeng nasa aking harapan. Mas minabuti ko na lamang na maging mahinahon sa pagtatanong ko sa kaniya.
Lumapit naman ito sa aking working table at maingat na inilapag ang mga papel roon. “Paperworks po…” Nakita ko namang napayuko ito at napahinto sa kaniyang pagsasalita. Hindi muna ako nagsalita at hinintay ko muna itong matapos sa kaniyang sasabihin. “…ayan po ‘yong mga pipirmahan mo na mga business proposals ng bawat Departamento.” Pagpapatuloy niya.
BINABASA MO ANG
Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]
RomantizmMatagal na nagkahiwalay sina Vincent at Jake. Simula ng magdesisyon ang mga magulang ni Vincent na ilipat ito ng paaralan. Dahil sa nangyaring paglipat, naiwan na mag-isa si Jake sa paaralan na kung saan noo'y sabay pa silang pumapasok at umuuwi. S...