Chapter 8: Jake

85 26 0
                                    

Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana at panahon. Hindi ko akalain na ‘yong taong nakabungguan ko ay siya pala ay may malaking papel sa buhay ko. Nang dahil lamang sa pagpulot namin ng sabay sa lapis na nalaglag ko, hindi ko akalain na doon na magsisimula ang nararamdaman ko.

Ewan ko ba? Pakiramdam ko ay parang ang tagal na naming magkakilala, na tila sobrang tagal na naming nagkita, ngunit hindi ko lamang alam kung saan at kailan. Kakaiba talaga pumana ng puso si kupido. Alam na alam n’ya kung kanina ako ipapares, mula sa taong mamahalin ko ng sobra.

“Pinagmamasdan mo na naman ‘yang lapis mo? Baka mapudpod na ‘yan d’yan sa katititig mo.” Agad naman akong napatingin ng bigla nagsalita mula sa likuran ko si Vincent.

Nakita ko na habang nagsasalita ito ay natatawa pa siya. Habang pinagmammasdan ko ang mukha niyang nakangiti, hindi ko maiwasang mapanga-nga dahil sa guwapong itsura na mayroon siya.

Agad kong ibinalik ang aking atensyo sa sarili ko. Ayaw ko na makita n’ya ako na nasa ganitong estado ng pagkamangha sa kaniya. “Nagtataka lamang ako kung paano ka nagkagusto sa’kin? ‘Yong tipong kukunin lang natin ‘yong lapis, ngunit, puso mo ang nahulog sa’kin.” Hindi kong maiwasang matawa sa huli kong sinabi sa kaniya.

Nakita ko namang itong napangiti rin dahil sa aking sinabi sa kaniya. “Ganun talaga. Bakit, ikaw? ‘Yong nagdikit nga ‘yong kamay nating dalawa. Bigla ka na lamang namula. Ibig sabihin, mas nauna pang mahulog ang puso mo sa akin kaysa sa lapis mo.” Ganti nito sa akin.

Aaminin ko, totoo ang sinabing iyon sa akin ni Vincent. At sa panahong iyon, doon ko nakumpirma na hindi ako deretsong lalaki – kundi isang silahis. “Bakit? Nagsisisi ka ba dahil nahulog ang puso mo sa akin?” Nawala ang tuwa at ngiti sa aking labi. Agad iyong napalitan ng lungkot at pagkadismaya.

Naramdaman ko naman itong tumabi sa akin. At tulad ng inaasahan, isang matamis at banayad na halik ang aking natanggap mula sa kaniyang labi. Hindi alintana ni Vincent ang ibang estudyante na maaaring makakita sa kaniyang ginawa sa akin.

“Ano ka ba, Jake? Sinabi ko ba na nagsisisi ako na niligawan kita? Wala naman akong sinabi na ganun ‘di ba?” Huminto ito sa kaniyang pagsasalita at naramdaman ko na lamang na marahan niyang hinahawakan ang aking mukha. “Simula nu’ng araw na niligawan kita, walang pagsisisi akong nararamdaman. Ang tanging alam ko lamang na nararamdaman ng puso ko, ay ‘yon ang mahalin ka.”

Saa mga sinabing iyon sa akin ni Vincent, hindi ko maiwasang kiligin sa aking mga narinig. Tila parang musika ang mga katagang iyon sa aking taenga, na siyang nagbibigay ng matinding tuwa at saya sa aking puso.

“Vincent, natutuwa ako dahil ito ang unang pagkakataon ko na magmahal ng kapwa lalaki. Hindi ko alam, ngunit hindi nabubuo ang araw ko na hindi kita kasama at kausap. Kahit na araw-araw kong sinasabi sa ‘yo na mahal na mahal kita. Ngunit, mas lalo ko sa ‘yong ipaparamdam ang mga salita na iyon sa aking mga gawa at pagpapahalaga sa iyo.”

“Alam ko naman iyon, Jake. Ramdam na ramdam ko ang mga iyon, lalo na kapag magkasama tayo. Pero, hindi rin ako magsasawa na iparamdam sa ‘yo ang buo kong pagmamahal.”

“Hoy, Jake! Wake up! Ano!? Tutulugan mo lang kaming dalawa rito ni Francis!? Jake! Wake up!” Sunod-sunod na tapik at hampas ang akin natanggap mula sa kaibigan kong si Elice.

At habang ginagawa n’ya iyon sa akin, nabingi naman ako dahil sa lakas ng bibig nito na itinapat n’ya naman sa aking taenga. “Kailan pa kayo nakapasok sa bahay namin? Hindi man lang kayo nagpasabi na pupunta para nakapaghanda ako.” Umayos naman ako ng pagkakaupo upang mabigyan sila ng sapat na espasyo para makaupo.

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon