Chapter 17: Vincent

53 21 0
                                    

Ilang araw matapos ang paglayas na ginawa ng aking anak. Sobra akong nag-alala ng husto. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung may masamang nangyari sa aking anak. Si Cheska na lamang ang mayroon sa buhay ko. Tanging siya na lamang ang bagay at ala-ala na iniwan sa akin ni Eunice.

Kagabi, habang wala ako. Nagulat raw si Manang Dory dahil nakauwi sa bahay si Cheska ng ligtas. Dalawang tao raw ang kasama ng aking anak na nagpunta rito. Sayang lamang at hindi ko sila naabutan kahapon para makahingi ng pasasalamat sa kabutihang naitulong nila sa aking anak.

Hindi ko alam kung saan ko sila hahanapin para sabihin ang pasasalamat ko sa kanila. Bibihira na lamang sa panahon ngayon ang magpapatuloy ka ng taong hindi mo kilala sa loob ng bahay mo. Pero, ang taong iyon, hindi siya nag-alinlangan na tulungan at patuluyin ang aking anak sa bahay niya.

Agad na bumalik ang aking kaisipan sa mismong ulirat nito ng bigla ko na lamang narinig ang aking anak na nagsalita. “Papa, ano pong ginagawa ninyo rito sa room ko?” Inosente nitong pagtatanong sa akin.

Marahan kong hinaplos ang kaniyang ulo pababa sa buhok nito. “Cheska,” huminto ako sa aking pagsasalita at maayos itong iniharap sa akin. “Baby, alam mo ba na mali ang ginawa mo? What if may masamang nangyari sa ‘yo? Gusto mo bang maging sad si papa mo?” Tanong ko rito.

Agad ko namang nakita tong umiling sa naging tanong ko sa kaniya. “Papa, I won’t do that again. I promise.” Naiiyak nitong pagsagot sa akin.

Nang makita ko ang luhang nagbabadyang bumagsak sa pisngi ni Cheska, agad ko iyong pinunasan gamit ang face towel na nasa aking bulsa. “Baby, can you tell to papa why did you do that? Papa will help you.”

“Papa, I told you that I don’t wanna Tita Bianca to be my Mom. She’s bad—very bad! I don’t like her. Lagi siyang nagagalit sa akin kahit wala naman akong ginagawa. She always mad at me every time she saw me here in our house.” As I expected.

Hindi ko na ito magagawang alisin pa sa ala-ala ng aking anak ang ginawang iyon ni Bianca sa kaniya. Aminado ako na hindi talaga gusto ng aking anak si Bianca simula’t sapul pa lamang. “So, was it your reason after all?” Tanging pagtango lamang ang nakuha kong sagot mula sa aking anak.

“Papa, she’s bad. Ayomo na maging mommy siya. Kahit hindi ko nakita ang Mommy Eunice ko, I know that she’s too far from Tita Bianca. I can feel it.” Saad ni Cheska.

Napahinga na lamang ako ng malalim. Hindi ko alam kung paano ko magagawang kumbinsihin si Cheska na tanggapin ng buo si Bianca. “Baby, papa has something important to tell you. Makaka-asa ba ako na hindi ka magagalit sa sasabihin ko?”

Matapos kog sabihin iyon kay Cheska, wala akong salita o sagot na narinig mula sa kaniya. Kaya naman, marahan at mahinahon akong nagsalita patungkol sa engagement naming dalawa ni Bianca.

“Anak, malapit nang ma-engage si papa mo kay Tita Bianca. Masaya ako na muli kang magkakaroon ng mommy.” Hanggang sa natapos akong magsalita. Nananatili pa ring walang kibo ang aking anak. Nananatili rin itong nakatingin sa aming picture frame na nakapatong sa mesang nasa tabi ng kaniyang kama.

Nagulat ako sa ginawa ng aking anak. Marahas niyang kinuha ang kumot na aking nauupuan at agad itong nagtalukbong ng kaniyang kumot. “It’s okay, papa. If it is what you wants, then be it. Anyways, my opinions and care don’t really matters to you. Since, Tita Bianca is only matters to you then.”

Hindi ako makapaniwala na nasabi iyon sa akin ni Cheska. Sobrang nasaktan ang aking anak sa naging desisyon ko. “Sana pala hindi na lamang ako bumalik rito,” kahit nakaupo ako sa kaniyang tabi, ramdam ko ang pagbuntong-hininga niya mula sa ilalim ng kaniyang kumot. “Good night, papa. I hope you have a sweet dreams of her.”

Matapos sabihin iyon ni Cheska, ay wala na akong narinig na kahit na anong salita pa mula sa aking anak. Nang akmang hahalikan ko ang kaniyang ulo, ay mabilis nitong naigalaw ang kaniyang katawan patalikod mula sa akin.

Wala na akong nagawa kundi ang dahan-dahan na lumabas ng kaniyang silid. Marahan ko ring pinatay ang ilaw ng kaniyang silid. At bago ko tuluyang isarado ang kaniyang silid, maingat kong pinagmasdan ang aking anak.

Hindi man sabihin sa akin ni Cheska ang kaniyang nararamdaman ngayon. Alam ko na mas nasaktan ko siya sa naging desisyon ko. Kung maipaliliwanag ko lamang ng mas maayos at malinaw, ay gagawin ko alang-alang sa aking anak.

Ilang sandali pa, ay nagpasya na rin akong tuluyang isarado ang silid ni Cheska. Napa-upo na lamang ako sa labas ng kaniyang silid. Ilang minuto pa lamang ang lumilipas nang marinig ko ang boses ni Manang Dory.

“O, Vincent? Bakit nariyan ka? Anong ginagawa mo riyan at nakasalampak ka d’yan?” Sunod-sunod na pagtatanong sa akin ni Manang Dory. Hindi ko ito sinagot, bagkus nagyuko na lamang ako ng aking ulo dahil kahit ako – ay nahihiya rin na sabihin ang dahilan.

Nang walang salitang narinig sa akin si Manang Dory ay agad nitong kinuha ang pagkakataon upang muling makapagwika. “Halika nga rito, Vincent. Doon tayo sa sala mag-usap.” Hindi na ako kumontra pa sa matanda. Bagkus, nakita ko na lamang ang aking sarili na nakaupo na sa sofa at katabi si Manang Dory.

“Manang, nasaktan ko ho ang anak ko. Wala nang mas sasakit pa sa ganitong sitwasyon namin. Nagagalit sa ‘kin si Cheska dahil sinabi ko sa kaniya na malapit na kaming ma-engage ni Bianca.” Malungkot kong pagkukuwento sa matanda.

Napailing na lamang si Manang Dory sa kaniyang nalaman mula sa akin. “Hijo, hindi ko alam kung saan at paano ako mag-uumpisang magpaliwanag. Si Cheska, bata pa siya. May mga bagay pa siyang hindi kayang unawain dahil sa edad niya. Ngunit, matalino ang anak mo, Vincent…”

Walang mga salitang gustong kumawala sa aking bibig. Nananatili pa rin akong nakikinig sa sinasabi  sa akin ni Manang Dory. “Kahit hindi mo sabihin sa akin ang dahilan ng bata. Alam ko na tungkol doon ang dahilan niya. Hindi natin masisisi si Cheska. Dahil nakitaan na niya si Bianca ng kagaspangan ng ugali. Ngayon, alam ko naman na wala ako sa lugar para sabihin sa iyp ang bagay na ito.”

Huminto si Manang Dory sa kaniyang sasabihin at mataimtim ako nitong tinignan sa aking dalawang mata. “Ano ho iyon, Manang Dory?” Tanong ko rito. “Huwag mo sa nang baliwalain ang nararamdaman ng anak mo. Mas matimbang si Cheska sa kahit na ano o sino. Tandaan mo iyon, Vincent.”

Wala akong nasabi sa mga pinangaral sa akin ni Manang Dory. Para akong sinampal ng paulit-ulit sa aking mukha. “Siya nga pala…” Napatingin ako kay Manang Dory ng agad itong nagsalita.

Pati siya ay napahinto sa aniyang pagtayo ng may kung ano siyang mahalagang sasabihin sa akin. Nananatili pa rin akong nakatingin sa kaniya at naghihintay ng kaniyang sasabihin. “Hindi ko alam kung nasa lugar ba ako para sabihin sa ito ang bagay na ito…

…hindi ko rin alam kung tama ba na sabihin ko sa iyo ang bagay na ito,” hindi ko alam ngunit nakaramdam ng tuwa at pananabik sa maaaring sabihin sa akin ni Manang Dory. “Si Jake ang naghatid kay Cheska na makauwi rito sa atin.” Para akong nablangko na ewan nang marinig ko ang sinabing iyon sa akin ni Manang Dory.

“Si Jake ang naghatid kay Cheska na makauwi rito sa atin.” Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak dahil sa nalaman ko. Ngunit, may isang tanong sa akin na siyang nagbigay ng mas matinding kaba; may nararamdaman pa rin kaya sa akin si Jake?

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon