Habang marahan kong hinhimas ang braso ni Jake na nakayakap sa aking dibdib, hindi ko napigilan ang aking sarili na tanunging ito sa kaniyang pagdalaw kanina sa kulungan kasama si Eunice. “By the way, mahal ko. Bow was the visit? Nakapag-usap na ba kayo ni Dennis?” marahan kong tanong kay Jake.
Nang marinig ako ni Jake, marahan ko itong nakita na tumingin sa akin. Kaya nama ako pumayag na magpunta siya roon sa lugar na iyon, ay dahil kasama niya si Eunice at mayroon rin akong tiwala sa ina ng aking anak. “Mahal, naging maayos naman ang pagbisita naming dalawa roon ni Eunice. To be honest, it was a great feeling na makausap ko ‘yong tao na minsa’y naging dahilan ng kamatayan ko.
“Frankly speaking, naging sobrang gaan ng loob ko right after na magkausap kaming dalawa ni Dennis. He didn’t asked me for my forgiveness, instead, he told everything that I need to know. Sa ginawang iyon ni Dennis, I gave him my forgiveness. Hindi naman ako Diyos, para hindi magpatawad. Tao rin ako, nagkakamali at nagkakasala. Sino ba ako para hindi siya patawarin hindi ba?” mahabang pagsasalita sa akin ni Jake.
Agad naman akong napatango sa kaniya matapos kong marinig ang mahaba nitong saloobin sa pagbisita niya kay Dennis. “Alam mo, isa iyan sa nagustuhan ko sa iyo, Jake. You’re too selfless. Palagi mong inuuna ang kapakanan ng ibang tao, bago ang sarili mo. Alam mo, kung hindi lang kita mahal, inisip ko na—na lahat ng taong nasa paligid mo ay karibal ko na,” natatawa kong pagsasalita sa kaniya, nakita ko namang napakunot ito ng kaniyang noo at saka ako muling nagpatuloy sa aking pagsasalita, “pero, seryoso ako, Jake. Malakas lang talaga ang tiwala ko sa iyo. At saka, alam ko naman na ako lang talaga ang mahal mo.” Pagpapatuloy ko.
“Buti naman at alam mo, Vincent!” agad na balik nito sa akin, “ngayon ko lang naramdaman na maging masaya ulit. Alam mo ‘yong wala na akong nararamdaman na kahit na anong banta sa ating lahat? ‘Yong makakalabas na ulit tayo ng mapayapa at malaya. I miss that.” Masayang pakukuwento sa akin ni Jake. Matapos iyon, marahan kong hinawakan ang mukha niya at maingat ko itong tinignan sa kaniyang mga mata. Makalipas ang ilang segundo, dahan-dahan kong ipinagtagpo ang aming mga labi.
Ito ang pinaka namiss ko sa lahat, bukod sa love making naming dalawa. Matagal ko nang gustong hagkan ang kaniyang labi, ngunit pigil na pigil akong gawin ang bagay na iyon noon dahil nga sa naging kondisyon at lagay ng kaniyang katawan. At ngayon na wala nang nararamdaman si Jake, at muli na ring bumalik sa dati ang lakas niya, malaya ko nang magagawa ang nais ko sa kaniya. Muli ko na ring mapapasok ng pagmamahal si Jake.
Makalipas ang ilang segundo ng aming paghahalikan, marahan akong humiwalay at marahan kong ipinagdikit ang aming mga noo. Habang nakapikit si Jake sa aking harapan, hindi ko naiwasang maitanong ang bagay na ito sa kaniya. “Jake, ano na ang lagay ngayon ni Bianca?” tanong ko. Dahil roon, agad na bumakas sa kaniya ang matinding lungkot at awa.
…..
Marahan na tumingin sa akin si Jake bago ito sumagot sa akin, “Vincent, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa iyo ang bagay na ito,” sa narinig kong iyon mula sa kaniya, agad na bumilis ang tibok ng aking puso, bakas rin sa mukha ni Jake ang matinding pag-aalala kay Bianca, “unti-unti nang nanghihina si Bianca. Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari iyon sa kaniya.” Pagpapatuloy ni Jake sa kaniyang pagsasalita.
“D’yos ko! Kumikilos na ang ang karma kay Bianca,” mahina kong saad kay Jake, “naaawa rin ako sa kaniya. Kahit na marami siyang nagawa sa akin, sa ating lahat. Kailangan pa rin nating patawarin si Bianca sa lahat ng nagawa niya sa atin.” Wika ko.
Nakita ko namang tumingin sa akin si Jake, at naramdaman ko ang bahagya nitong pagbuntong-hininga. “Hindi ko rin gusto ang nangyayari sa kaniya. If I could bring back time, natulungan pa sana natin si Bianca na magbago. Baguhin ang kaniyang sarili at tulungan siyang maiyalis sa poot at sama ng loob sa atin.” Napatango na lamang ako sa sinabing iyon sa akin ni Jake.
Matapos ang tagpong iyon, agad kong obinaling sa ibang usapan ang aming topic. Dahil unti-unti kong nararamdaman ang pagbigat ng atmospera sa aming kuwarto ni Jake, maging siya ay dahan-dahn na nilalamon ng emosyon. Makalipas ang ilang minuto na aming pananahimik na dalawa. Wala sa aking loob na halikan itong muli sa kaniyang labi. Dahil sa aking ginawa, bakas ang gulat sa mga mata ni Jake na tahimik lamang na nakatitig sa akin. “Sulitin natin ang buong gabi natin, mahal ko,”
…..
Nagising na lamang ako nang may naramdaman akong dahan-dahan na pumupulupot sa king dibdib. Kaya naman, unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at agad na tumambad sa akin si Jake, na nakatingin sa akin at may malawak na ngiti sa kaniyang labi. Napangiti na lamang rin akonang makita ko iyong matamis na ngiti sa akin ni Jake, habang nananatili itong nakatingin sa akin.
“Masarap ba ang naging tulog mo, mahal ko?” mahina kong pagtatanong kay Jake, dahan-dahan naman siyang tumango sa akin habang naroon pa rin ang malawak niyang ngiti, “bakit parang ang saya mo ata ngayong umaga? Kanina ko pa ikaw napapansin na nakangiti ka lamang sa akin. Perhaps, may ginawa ka…” nang matapos ko ang aking sasabihin, isang pilyong pagngiti ang aking ginawa sa kaniya at marahan kong itinuro ang aking ibabang bahagi gamit ang aking nguso.
Nang makuha naman ni Jake ang ibig kong iparating. Agad niya akong hinampas sa aking dibdib, dahilan upang napatawa ako sa naging reaksyon niya. “Hindi ‘yan, mahal ko. Ang aga-aga mo naman, e!” inis nitong pagsasalita sa akin, “masaya lang ako dahil namiss ko itong pagtatabi natin sa higaan. Matagal-tagal na rin simula noong huli nating nagtabi sa pagtulog. Sa sobrang daming nangyari, parang taon na ang lumipas.” Pagpapatuloy nito.
Bahagya naman akong natawa sa sinabing iyon sa akin ni Jake, ngunit totoo ang kaniyang sinabi sa akin. Tila taon na nga ang lumipas noong huli kaming nagkatabi sa pagtulog, marahil ay sa nangyari noon sa aming dalawa. “Mali ka d’yan,” wika ko, mabilis namang tumingin sa akin si Jake at saka ako nagpatuloy sa pagsasalita ko sa kaniya, “nananabik kang makatabi ako, dahil gustong-gusto mo na akong tikman. Hay! Ang ingay mo nga kagabi, mahal, e! Ungol ka nang ungol kaya hinahalikan kita!
“Hindi lang ‘yon! Sinasabi mo pa nga kagabi habang sinasakop kita na, “please… own me! Please…” kaya ayon ang ginawa ko. Hindi ko naman inaasahan na halos mawalan ako ng lakas dahil sa kakaibang posisyon na ginawa natin kagabi. Pero, walang halong biro ito, mahal, hindi lang iyon basta libido—punong-puno iyon ng pagmamahal ko.” Mahaba kong pagsasalita sa kaniya.
Naramdaman ko na lamang ang mahigpit na pagyakap sa akin ni Jake, nang matapos kong magsalita sa kaniya. At habang magkayakap kaming dalawa, narinig naming dalawa ang pagtunog ng aking cell phone. Kaya naman, marahan kong kinuha ang aking cell phone saside table ng aking kama na hindi bumibitaw sa pagkakakayap kay Jake.
Nang mabasa ko na ang text message na iyon na mula kay Lester. Nanlaki ang aking mga mata at bahagya akong napatingin kay Jake. Napataas na lamang ng kilay si Jake sa akin at wala sa aking loob na masabi ang bagay na iyon sa kaniya. “We’re invited to the wedding of Lester and Leona,” hindi ko maipaliwanag ang kaba at saya nang sabihin ko ang balitang iyon kay Jake.
BINABASA MO ANG
Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]
RomanceMatagal na nagkahiwalay sina Vincent at Jake. Simula ng magdesisyon ang mga magulang ni Vincent na ilipat ito ng paaralan. Dahil sa nangyaring paglipat, naiwan na mag-isa si Jake sa paaralan na kung saan noo'y sabay pa silang pumapasok at umuuwi. S...